Chapter 38

4.7K 76 4
                                    


PRINCESS'S POV

Chineck ko ang cellphone ko to see if nag-text na si Kriss. Kagabi pa ako hindi nakaka-receive ng text nya. Ipinagasa walang bahala ko muna ang hindi pagte-text sa akin ni Kriss. Baka busy lang kasi sya.

Bumaba na ako para mag-almusal. Naamoy ko na ang pan cakes with chocolate syrup na gawa ni mom kaya nagmadali na ako sa pagbaba.

"Good morning." Bati ni dad pagkarating ko. Nung isang araw pa kami ok kaya hindi na ako masyadong naa-awkward'an pag nandyan si dad.

"Morning" Umupo na ako sa pwesto ko at sinimulan nang kainin ang breakfast ko. Habang kumakain ako, panay ang tingin ni mom sa akin na ipinagtaka ko. "What?" I mouthed to her. She shrugged kaya kumain na ulit ako.

WP ACADEMY:

Wala ding Kriss na sumalubong sa akin. Dati-rati kada bababa ako ng kotse, natatanaw ko agad sya. Yung feeling na pinagmamasdan nya kung may tao na tapos pag wala sya magda-dala ng bag ko. Pero ngayon wala.

Hindi ko nalang pinansin ang nga usual things na ginagawa ni Kriss na ngayo'y naging unusual para sa akin. Siguro busy lang talaga sya kaya absent sya.

Nagpa-tuloy nalang ako sa pagla-lakad. Habang papalapit ako sa classroom iniisip ko na sana nandito si Kriss. Pero natawa din ako. Absent nga yung tao tapos nasa nandito, ano yun?

Habang nglalakad ako, natigilan ako. Bakit? Anong nangyari. Nandito si Kriss, nagla-lakad sa hallway habang naka-earphone. Nandito sya, pero ni hindi nya man lang ako sinalubong kanina?

Bakit din ganun? Nasasaktan ako. Oo, kahit na ginagamit ko lang sya, hindi ko pa din maiwasan na hindi masaktan. Sabi ko nga, may feelings din ako para sa kanya pero ayokong sumugal.

Pumasok na ako sa classroom at umupo na ako sa upuan ko. Ayaw nya nang pansinan? Fine!

---

Wala kaming teacher sa pang 11-12 na class namin kaya maaga akong nakapag-lunch. Si Kriss kaya, nag-lunch na? Ay! Erase! Erase! Hindi ko dapat sya intindihin. Ako nga hindi nya kayang kamustahin, kaya bakit ko pa sya iisipin?

Dahil may three hours vacant pa ako. Nag-lakad lakad muna ako. Halos lahat na yata nalibot ko. Pero ewan ko ba kung saan ako gustong dalhin ng mga paa ko.

Pinigilan kong mag-lakad dahil alam ko na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero hindi ko napigilan. Bumuntong hininga nalang ako at nag-lakad. Kung nasa rooftop man si Kriss, dapat ngang pumunta ako doon para alamin kung bakit hindi nya ako pinapansin. Kung 'over' na, mas maganda pa ding may closure kami.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng rooftop at hindi nga ako nagkamali dahil nandun nga si Kriss. Lumapit ako sa kanya. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. "Kriss?" Tangkang kakalabitin ko sya pero tumalikod sya at umalis na. Ganon lang yon? Ni-ha, ni-ho hindi nya ako kinausap? Ni hindi nya nga ako tinignan eh. Kung gusto nyang mag-iwasan kami, fine! Wala akong pakialam at hindi sya kawalan!


---

Natapos na lahat ng klase namin. Hindi ko pa trip kaya umuwi kaya nag-punta ako sa mall.

Nag-sukat sukat ako ng mga damit pampalipas bored. "Miss, wala na ba kayong ibang stock nito?" Tanong ko sa isang staff. Ang ganda ng floral dress na nakita ko. Kaso nangungupas na yung pagka-dark.

"Wait lang ma'am I'll check po." Paalam nya sa akin. Habang hinihintay sya ay nag-tingin muna ako ng magazine.

Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na din ang staff at ibinigay sa akin ang damit. Binayaran ko lahat ng napili ko at lumabas na.

Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon