PRINCESS'S POV
Nagising ako sa tunog ng doorbell ng unit ko. Kinapa ko muna ang cellphone ko sa side table ng kama ko. Damn! Ang aga pa. It's just 8:30 in the morning.
Agad akong bumangon at dumiretso sa banyo para mag-hilamos at mag-toothbrush. Nagpalit na din ako ng damit. Habang inaayos ko ang buhok ko ay himala namang nawala ang tunog ng doorbell sa labas. Ayos din eh. Kung kelan nawala na ang antok ko atsaka naman nawal yung pesteng nam-bulahaw sa tulog ko. Great! Psh!
Kahit wala nang kumakatok ay binuksan ko pa din ang pinto. Saktong pag-bukas ko ay may nalaglag na note sa lapag. Akmang pupulutin ko na sana ang papel ng mapansin kong may isang plastik ng... Jollibee sa tapat ng pinto.
Goodmorning... :)
Thanks you for the ride last night... ;)
- Kriss :*Napa-ngiti ako sa note na nabasa ko. Hindi yata ngiti ang tamang term sa reaksyon ko.
KINILIG. . .
Takte! Anong karapatan kong kiligin? Note lang yan Princess. . . Note lang... Nagpapa-salamat lang sya! Kasi naman eh. Bakit may mga ganyang emoticon pa?
Kinuha ko na ang note at pagkain. Pag-pasok ko ay inilagay ko ang note sa mini box ko at tinago na iyon sa drawer ko. Nag-diretso na ako sa kusina at inilagay na sa Plato ang mga pagkain.
Habang kumakain ako ay nanunuood ako ng Jimmy Neutron sa TV. Naalala ko pa nung bata ako, lagi kaming nanunuod nito sa bahay habang kumakain kami ng mga chi-chirya at umiinom ng chuckie.
Flashback 10 years ago. . .
"Princess! Halika na. Andito na si Jimmy oh." Tuwang-tuwang tawag sa akin ni Andy.
"Sandali lang naman! Kita mong hinahalo ko pa itong chuckie diba?" Asar na tanong ko.
"Hindi ko nakikita... Dalian mo magsi-simula na!"
"Oo na eto na!" Madaling sagot ko.
Binitbit ko na ang tray na may lamang pagkain namin. Habang nagla-lakad ako papunta sa movie room namin ay natatanaw ko na si Andy na naka-indian seat sa may couch namin habang yakap-yakap ang unan ko. "Eto na ohh! Madaling madali." Ani ko Sabay lapag ng tray sa lamesa.
"Ikaw kasi eh. Ang tagal-tagal mo. Hindi ko tuloy alam ang pamagat." Naka-ngusong sagot nya.
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
Ficção AdolescentePaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...