MARKY'S POVIlang linggo na rin ang nag-daan pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko kung paano ko sya napaluha sa pangatlong beses.
Una ay nung sinagot nya ako. Tears of joy dahil parehas kaming masaya. Pangalawa ay nung nag-hiwalay kami. Kung nasaktan sya noon, hindi nya lang alam pero doble ang sakit na naramdaman ko ng mga oras na yon.
Mahirap ipaglaban ang taong mahal mo because it takes time and courage to do it. Pero mas mahirap ay yung ipagtulakan mo sya palayo sayo.
And lastly, sa park.
Kung ano-ano na ang ginawa ko para mawala sya sa isip ko. Tutal naka-moved on na naman sya, I think I need to do the same.
Hindi naman siguro mahirap mag-move on, right? Besides, two years had past. Sa loob ng dalawang taon marami ng nangyari. Sadyang ikinukulong ko lang siguro ang sarili ko sa nakaraan na dapat ng kinakalimutan.
Nakaraanzoned...
Tumayo na ako sa pagkaka-higa sa kama ko at dumiretso sa banyo para maligo.
Feeling fresh ako pag-labas. Nag-suot ako ng plain na white shirt at ripped jeans. Inayos ko ang buhok ko para mag-mukha akong presentable.
Sinimulan ko ng mag-tipa sa cellphone ko. Sana, sana talaga mag-worth it ang plano ko kahit sa huling pagkakataon.
To: Andy
Andy, can we talk? Last na to. Pagkatapos hindi na kita guguluhin pa.
Sent!
Kinakabahan ako sa maari nyang isagot but I need to be strong. Strong enough to fight back my weakness.
Tumunog ang cellphone ko kaya nakaramdam ako ng kaba.
From: Andy
Sure! Saan ba? :D
Ayos ah! Kung makapag-reply sya, parang walang nangyaring drama sa pagitan naming dalawa.
I sighed in disbelief. Ganon na ba sya kapursigidong layuan ko sya? Mas magiging masaya siguro sya kapag ibinigay ko na ang kalayaan nya.
Nag-reply ako sa kanya na sa SB na lang sa labas ng village nila kami mag-kita para hindi na sya mapagod pa.
Minsan naiisip ko, bakit ako'y ako? Ang masokista ko masyado. Ipinaparamdam na nga nyang wala syang paki, pero nage-effort pa din akong alagaan sya.
How masochists I am!
Nag-drive na ako papunta sa meeting place namin. Mga 15 minutes ride lang dahil hindi naman ma-traffic ngayon dahil weekend.
***
Almost 1½ hours na akong naghi-hintay dito pero wala pa rin sya kaya naisipan ko ng mag-text sa kanya.
To: Andy
San ka na? Kanina pa ako nandito.
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsPaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...