Chapter 77

6.2K 75 18
                                    

KRISS

"You must be kidding me." Naiiling at di makapaniwalang tugon ko kay Andy.

Napahawak sya sa sentido nya at minasahe ito bago ako tignan ng masama. "I'm dead serious! Patay na nga si Jerome ilang linggo matapos mawala ni Princess." Pasimple syang sumulyap sa natutulog na si Princess bago nya ipinagpatuloy ang kanyang pagsasalita. "Alam mo ba kung anong ikinamatay nya?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

Mataman nya muling tinignan si Princess bago lumapit sa akin at bumulong. "He confessed to me that he witnessed how they've kidnapped Princess."

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. "What?!"

"Sssh!"

"So... Sino yung nakausap ko three days ago? Sino yung nagsabi kung sino ang kumuha at kung nasaan si Trinity? His ghost?" I retorted.

Hindi ko inaasahan na ganoon ang nangyari.

I remember his presence once again.

Kaya pala parang ang putla nya. Yung lamig ng atmosphere nung magkausap kami. Yung lalim ng pananalita nya. Lahat! Lahat kakaiba!

Biglang tumayo ang balahibo ko ng maramdaman kong may presensya sa aking likuran. Agad akong humarap dito ngunit nabigo akong makakita ng kahit na sino dahil bintana na ang nasa likod ko.

"Hey, are you okay?" Tanong ni Andy.

Tumango ako at muling lumingon sa bintana. Ganon na lang ang gulat ko ng may matanawan akong repleksyon sa salamin.

"Princess! Glad you're awake!" Usal ni Andy na dahilan ng pag-lingon ko sa kinaroroonan ng babaeng mahal ko.

Ganoon na lang ang gulat ko ng makitang lumuluha ito.

"Hey!" Akmang lalapit ako ng magsalita ito.

"Totoo ba? Totoo ba ang lahat nang narinig ko?"

Nagkatinginan kami ni Andy.

Sinenyasan nya ako na ako na ang magsabi ngunit hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para magsalita kaya't nanatili akong tahimik.

"Oo eh."

Dalawang salita na tuluyang nakapag-paiyak kay Princess.

Gusto ko man syang lapitan ngunit hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makita sya na umiiyak.

PRINCESS

Masakit ang ulo ko nang magising ako.

Hindi agad ako nakabangon dahil inaaninag ko pa kung nasaan ako nang mapagtanto kong nasa ospital pala ako.

What happened?

Gulong-gulo ako nang marinig kong may dalawang tao ang nag-uusap sa loob ng kwartong kinaroroonan ko.

"I'm dead serious! Patay na nga si Jerome ilang linggo matapos mawala ni Princess."

Nung una, hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Ngunit di nagtagal, unti-unting nag-sink in sa akin ang mga pangyayari.

Naririnig ko pa ang pinag-uusapan nila ngunit parang echo na lang ito sa pandinig ko dahil pinipilit kong alalahanin lahat lahat.

Unti-unting bumagsak ang mga luha ko ng maalala ko ang pinagdaanan ko.

Yung mga pagpapahirap ng mga demonyong yon sa akin. Yung mga masasakit na salitang natanggap ko sa kanila. Yung mga pagbabanta... Yung pagkasira ng kasal ko... At yung pagliligtas sa akin ng isang... Isang kaluluwa!?

Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon