PRINCESS
Pagod na pagod ako maghapon. Ang dami kong pinamili na mga gamit na kakailangan sa school.
Kahit na gustong gusto kong dumadaldal kanina ay pinigilan ko nalang.
Pagpasok ko sa bahay namin ay sinalubong agad ako ng dalawang maids para bitbitin lahat ng mga pinamili ko.
"Aling Rosa, paki-handa na po ang pagkain ko, magpapahinga lang ako saglit then kakain na din ako" Utos ko sa isang maid na pinaka-malapit sakin.
"Opo." Magalang na sagot nya.
"Hindi ba nasabi sa inyo nila Mommy kung saan sila pumunta at kung kelan sila makakabalik?" Tanong ko.
"Pasensya na po, pero wala po silang nabanggit samin bago sila umalis."
Tumango-tango nalang ako bilang sagot.
Umakyat agad ako sa kwarto ko para sana mahiga. Ramdam na ramdam ko ang pagod ko.
Naligo ako saglit para maibsan ang antok ko. Pumili lang ako ng white sando at black na pajama.
Lumabas ako sa veranda para magpa-hangin. Naupo ako sa wooden chair na naka-pwesto sa gilid.
~ So baby pull me closer in the backseat --~
"Yes hello?" Tanong ko sa caller ng hindi tinitignan kung sino ang tumawag.
[Hey dear!]
"Moms?" Gulat na tanong ko.
[Yeah.] Sagot ni mommy sa kabilang linya. [So, how's my princess?] Malambing na tanong nya.
"Hihihi. As usal, same as pretty." Confident na sagot ko.
[Hmp!] Kontra ni moms.
"So by the way, where the heaven are you?" Syempre,hindi ko pwedeng itanong na 'where the hell are you?' baka pagalitan ako ni moms. Haha.
[London.] Tipid na sagot nya.
"Anong ginagawa nyo dyan-" Ako na din ang sumagot sa katanungan ko. "...of course, for some business matters etc."
[Dear, wag ka ng malungkot ha? Babalik din kami sa makalawa. Magdadala ako ng maraming chocolates at pasalubongs. Sige na, I'll hang up this na, may meeting pa kami. See'yah. Bye, I love you!] Sunod sunod na sabi ni moms bago in-end ang tawag.
Saktong pag-tayo ko para mag-inat-inat ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Yes?" Tanong ko sa maid na kumatok sa kwarto ko.
"Señorita nakahanda na po ang dinner nyo." Magalang na sagot nito.
"K."
Pagababa ko sa kusina ay agad akong napatingin sa mga pagkaing nakahain sa lamesa.
Fried chicken, bacons, hotdogs and plain rice with juice?
The fudge?! Anong tingin nila, mag-aalmusal palang ako?
Hindi nalang ako umangal although may karapatan naman ako. Ayoko lang mapahiya ang mga nagluto. Sayang ang pagod kung hindi naman appreciated ang bawat effort.
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsPaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...