NICO'S POV
"Oh par!" Nag-bro fist kami. "Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah?" Napa tingin ako sa likod nya. Bagahe?
"Par, sensya na. Ano kasi eh, nag-away kami ni erpats." Napahawak sya sa batok nya.
"Ah.. Oh sige pasok ka." Nagpa-salamat sya sa akin. Tinulungan ko syang mag-pasok ng mga gamit nya dito sa apartment ko. Nakakahiya nga dahil mayaman sya tapos dito lang sya matutulog for how many nights? Weeks?
Nag-lakad ako papunta sa kusina habang sya ay umupo sa sofa. Amp! Mabuti nalang talaga at nakapag-linis at grocery na ako kamakailan kung hindi, ay!
Kumuha ako ng anim na beer at sisig na pampulutan. Lumapit ako sa kanya at inabot ito. "Ano bang nangyari?" Binuksan nya muna ang beer nya bago tuluyang nag-kwento.
---
Nakahiga na ako sa kwarto ko sa sofa, dahil sya ang nakahiga sa kama ko. Amf! Sofa. Pero hindi yun ang dahilan kung bakit gising pa ako. Nananatili pa rin sa isip ko yung sinabi nya sa akin.
Si Kriss pala at si Trinity. Two months na. Ang problema, pinaghi-hiwalay sila ng ama ni Kriss. But dahil sya si Kriss, hindi nya 'daw' kayang iwan yung taong mahal nya. At worst, naka arranged marriage sya sa taong never nya pa nakita! Even if I'm not in his situation, I can feel the hardness. Ang hirap naman kasing ikasal sa taong hindi mo kilala diba?
Simula nang mag-kita kami ni Kriss sa DRUG Area last three weeks, naging malapit kami sa isa't-isa lalo pa't same academy lang kami. Ewan ko kung anong dahilan, pero siguro ay yun yung sya lang yung anak mayaman na kayang um-approach sa katulad ko?
Sa lalim ng pag-iisip ko, hindi ko na namalayang nahimlay na pala ako sa pag-tulog...
KRISS'S POV
Naalimpungatan ako mula sa pagkaka-tulog ko. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita ko si Nico na ang lalim ng tulog sa sofa. Nakakahiya naman. Dapat ako na lang ang natulog sa sofa at sya dito sa kama dahil bahay nya ito.
Napa-hawak ako sa ulo ko dahil feeling ko ay may kung anong bagay ang ipinukpok dito. Ang sakit kasi. Parang puso ko, masakit din.
Pinilit kong bumangon kahit na hindi talaga okay yung pakiramdam ko.
Dumiretso ako sa kusina at tinignan kung anong pwedeng iluto sa fridge ni Nico. Pero wala akong nakita na pwedeng kainin except for junk foods, noodles at beers.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag-order na lang ng pwedeng kainin sa isang resto.
Mga ilang minuto lang din ay nagising na si Nico. Tinawag ko sya para sabay na kaming kumain ng almusal pero parang nahihiya sya. "Tara na! Bawal tanggihan ang blessings." Ngumisi lang sya at nag-kamot ng ulo bago umupo sa harap ko para kumain.
---
"Saan ka mag-stay mamaya?" Tinanggal na ni Nico ang seatbelt nya.
"Pwede bang sayo muna? Naka blocked na kasi yung apartment ko eh." Naalala ko na nag-away nga pala kami ni papa kaya sa kanya ako nakitulog. Suwail na kung suwail pero hindi talaga ako papayag na hiwalayan si Trinity. Sooner or later, maiintindihan din nila yung desisyon ko. But sa ngayon, isa lang ang problema ko. Yun ay kung sino yung in-arranged marriage sa akin. Kailangan ko syang makilala at makita para mapaki-usapan ko syang itigil na nila yung kabaliwang gagawin nila.
"Oo naman." Sabay na kaming bumaba at nag-lakad papasok sa school.
Nag-hiwalay na kami ng daan dahil mag-kaiba kami ng building. Habang nagla-lakad ako, maraming what if's ang pumapasok sa isip ko. Like, what if hindi ko maka-usap yung in-arranged marriage sa akin? What if hindi sila pumayag na itigil yung kasal? What if sinunod ko na lang ang parents ko? And what if pumayag na lang ako na makipag-hiwalay kay Trinity dahil pamilya ko ang nakasalalay sa desisyong gagawin ko? Hay! Why do I need to suffer from this kind of sorrowful life?!
---
Lutang ako sa first subject ko hanggang sa hindi ko na namalayang nag-bell na pala. Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na.
Habang nagla-lakad ako sa hallway ay hindi ko mapigilang kabahan. Second subject na kasi. At kaklase ko si Trinity. I don't know kung awkward ba ang magiging reaksyon ko kapag nag-kita kami.
But, why would I need to feel awkward? Wala naman akong ginagawang masama diba?
Pag-pasok ko pa lang sa room ay may ibang aura na agad akong naramdaman. Kaya tinignan ko agad ang pwesto ni Trinity sa likod. But, wala sya. Siguro busy kaya absent sya. I checked my phone, nagbabaka sakaling may texts sya sa akin. Pero wala. Kung ano-ano nang conclusions ang pumapasok sa isip ko pero I refused to think about it. Baka paranoid na naman ako kaya kung ano-ano nanamang pumapasok sa isip ko.
Buong klase, pinilit kong maging active para naman magkaroon ng sense ang pag-pasok ko.
*School bell!*
Lunch time na kaya naisipan kong bumili ng pagkain sa cafeteria.
Biglang nag-vibrate ang cellphone ko kaya nakaramdam ako ng kaba. Inilabas ko mula sa bulsa ng vest ko yung cellphone ko.
From: Cess
Meeting place
Nagtaka ako kung bakit nandun sya eh halos hindi na sya pumasok ng kalahating araw. One day? Cutting classes?
Hindi na ako nag-sayang ng oras at pumunta na sa rooftop kahit turn ko na sa pila.
Para akong kabayo na hingal na hingal pag-tapak ko sa pinto ng rooftop. And there she is. Standing.
Marahan akong lumapit sa kanya habang habol ang aking hininga. Nang maka-lapit na ako sa kanya ay hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nang tangkain ko syang hawakan ay, "I have something to tell you." Dun na nag-simulang tumibok ng mabilis ang puso ko. Ito na ba? Sasabihin nya na bang makikipag-hiwalay na sya? Pero bakit? May nagawa ba akong masama? Ito ba yung isusukli nya sa akin matapos kong panindigan yung desisyon ko laban sa mga magulang ko?
"A-ano yun?" Pinilit kong mag-salita kahit kabang-kaba ako. Ni isa sa mga inisip ko, hindi lumabas sa bibig ko. "Are you going to br-" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil yumuko sya. So ito na nga? "Tama ba ang iniisip ko?"
Hinawakan nya ako sa kamay na sya namang ikinabahala ko ng sobra. "A-ano kasi."
"Ano?! Mag-salita ka, kinakabahan ako sayo eh."
"I'm sorry." Unti-unti nang pumatak ang mga luha ko.
Kinalas ko ang pagkaka-hawak nya sa braso ko. "Anong nagawa kong mali? Bakit Trinity? Bakit ginagawa mo ito?" Nag-angat sya ng tingin. "Bakit ka nagso-sorry? Makikipag-hiwalay ka na ba sakin?!" I didn't tried to control my emotions.
Pumikit sya at huminga ng malalim. "I'm not saying sorry because I'm breaking up with you. I'm sorry for being selfish. I'm sorry for being irresponsible girlfriend. I'm so sorry for making you worried." Ano? Naguguluhan ako. "I just wanted to say sorry for being too selfish that I always think of myself than other sake's."
"What are you trying to say? You're just saying sorry for nothing? Aren't you going to break up with me?"
"It's not just nothing. And I-I didn't say that I'm br-breaking up with you right?" Para akong nabunutan ng malaking bara sa lalamunan. Bakit nga naman sya makikipag-break eh kung wala naman syang alam. At kung wala naman akong ginagawang mali, right?
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. "Thank you. Thank you kasi hindi ka makikipag-break." Naramdaman ko ang pag-buntong hininga nya. But I choose to ignored it. I think she's just tired, so I embraced her tightly.
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
أدب المراهقينPaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...