KRISS'S POV
"So all students we're gathered here to announce that we are going to celebrate the 50th anniversary of our beloved school this coming Saturday."
"Halah oo nga noh?!"
"Ay 50th anniversary na pala?!"
"Oo nga tuwing October 22 pala yun!"
Bulungan ng mga estudyante.
"Quiet. Listen to me first. Hindi namin agad nasabi sa inyo nung nakaraan dahil busy pa kayo sa pag-aayos ng clearance nyo because of end of the first semester. Medyo nahirapan pa kaming mga teachers at faculties na ayusin ang schedule nyo for this week para makapag-ready kayo for Saturday. Tawagin natin si Sir Halton para sa mga plano about sa nasabing celebration."
"Thanks Dean. Anyway ako si Mister Halton ng English department. Gusto ko lang kayong i-inform na hindi normal party ang gagawin natin. Dahil 50th anniversary na ng ating pinakama-mahal na paaralan, we decide to do the masquerade ball for the celebration!" Masayang paliwanag nya.
"OMG! I love the idea!"
"I agree!"
"Exciting!"
"Formal attire. Gowns amd suits. Of course you need to wear mascara because it's a masquerade ball. Kahit anong kulay ng suot nyo ay pwede. May partners or wala. At syempre! Hindi mawawala ang Ball royalties!!!!"
Ganito ba talaga dito? Sa former school ko kasi ay simpleng celebration lang. Dito may ball royalties pang nalalaman. Pauso lang eh.
"Miss Villegas, we're hoping na ikaw ang magiging queen. And maswerte ang magiging king."
Natigilan naman ako.
Si Princess ang inaasahang maging ball's queen dahil sikat at maganda sya!
Nakaramdam ako ng inis.
Hindi inis dahil may posibilidad--posibleng sya talaga ang manalo, kundi inis dahil sa magiging king!
I know. Alam na alam ko sa sarili ko na nasaktan ako ni Princess but it doesn't mean na hindi ko na sya mahal.
I still loved her.
I wonder why she left me. Hindi ako naniniwalang ginawa nya lang akong rebound or panakip butas--or whatever you called it. I knew she has a better reason for doing that to me.
And whatever reasons it is, I need to find it out para maibalik yung dating kami.
Nang marinig kong wala na kaming klase ay agad akong lumabas para umuwi subalit sa hindi inaasahang pagkakataon, na-chempuhan ako ng malas.
"Kriss." Malumanay ngunit seryosong tawag nya sakin habang naka-tingin ng derecho sa mga mata ko.
"Ano? Pag-tatakpan mo nanaman ang kaibigan nyo?! Paniniwalain nyo na naman ako sa mga bagay na hindi totoo? Pagmu-mukhain nyo na naman akong tanga? Please bro, gimme some space. Masyado pang masakit." And with that, nilampasan ko na sya at derechong nag-lakad patungong parking lot.
Ewan ko pero naiinis pa rin ako kapag naaalala ko yung mga pinaggagagawa nila sa akin. Feeling ko napag-planuhan ang lahat!
Pero bakit pa ako nilalapitan ni Nico matapos ng ginawa nilang kag*guhan sa akin? Para saan? Para paniwalain na naman ako?
'Of course! Tingin mo ba sasabihin nya sayo yung mga plano nila? Dream on!' Naisip ko.
Kung sasabihan nya man talaga ako ng plano nila, better ignore it. Kahit na gustong-gusto kong malaman ang katotohanan, it's better to find it out by myself.
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsPaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...