PRINCESS
Magna-nine thirty na, pero naliligo pa lang ako. Ang usapan namin ni Andy ay magkikita kami sa mall before quarter to ten. Pero dahil maganda ako, lang pakers sa schedule na yan.
Matapos kong maligo ay naghalungkay na ako sa wardrobe ko ng eliganteng damit. Gagala nga kasi kami, you know.
Black hanging dress at black sketcher lang with black na boots ay sapat na para mas lalong tumingkad ang kaputian ko.
Mage-eleven pm na nung dumating ako sa location site na napag-usapan namin.
"Ands!" Bulyaw ko.
The fudge?! May kasama syang poging boylet. Pero di ko sya type.
Agad na tumayo si Andy at bumeso sakin. "Who's that?" Bulong ko habang tinitignan mula ulo hanggang paa ang lalaki. "Nicolo." Maiksing sagot nya.
"Nice to meet you Miss Princess Villegas. I'm Nicolo Mendez." Naka-ngiting pagpapakilala ni Nicolo sabay lahad ng kamay.
Nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ang kamay nya. Pero nakipag-shake hands na din ako para hindi ako mag-mukhang rude.
"Hi." Nakangiting bati ko pabalik. "Have a seat".
"Kala ko ba gagala tayo?" Pabulong na tanong ko kay Ands. She just shrugged her shoulders. Tsss.
Um-order na si Andy ng makakain namin. Habang ako naman ay gulong-gulo kung bakit magkasama sila ng besiend ko. Ilang minuto ding napuno ng katahimikan sa pagitan naming tatlo habang kumakain.
"Mag-jowa kayo?" Basag ko bigla sakatahimikan.
"Pfft!"/"Ahahahah!" Aba't! Imbis na sagutin ako ay tawanan ba naman daw ako?
"Tss."
"Umm, hindi." Sagot ni Nicolo.
"So kung hindi kayo mag-jowa bak-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil...
"Bess, CR muna ako." Paalam sakin ni Andy.
"O-k?" Nagtatakhang sagot ko. Baka ayaw lang i-topic ni Andy yung tungkol sa kanila. Baka M.U? Tama tama!
Pinanood kong umalis si Andy habang nagta-type sya sa cellphone nya.
"So,I was saying-" Hindi ko nanaman nabuo ang mga sasabihin ko ng naramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko.
One message received:
From: Andy
Bess, uuwi na ako ha? Pinauuwi na ako ni mommy dahil may urgent emergency daw sa bahay. GOOD LUCK!
Ayan ang nabasa ko sa text ni Andy. Bigla namang akong nabugnot dahil may emergency 'daw' sa bahay nila pero kung maka-GOOD LUCK, naka-capslock pa? Ano yun, para damang-dama ko pa talaga? Tss.
Wait lang...
Umuwi na si Andy, it means ako at si Nicolo nalang ang mag-kasama.
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
Novela JuvenilPaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...