KRISS'S POV
"Son, can we talk?" Napahinto ako sa pagla-laro ng X-Box dahil narinig kong pumasok si dad sa pinto.
"Ok po." Tumayo ako at umupo sa couch ng kwarto ko. Kumuha naman si dad ng dalawang beer sa mini ref ng kwarto ko. "Dad, tanghali tapos beer?"
"We're going to talk about serious matters son."
Bigla naman akong kinabahan. The last time na nag-usap kami ng seryoso ay may hindi magandang nangyari. "About what?"
Inabot nya sa akin ang isang beer. Kahit ayokong uminom dahil tanghali pa lang, wala na rin akong nagawa at tinanggap iyon. Umupo si dad sa harap ko. "How's your day?"
Natawa ako. "Seriously dad? I didn't go anywhere." Huminga ako ng malalim. "Please go straight to the point."
Huminga din sya ng malalim. Uminom muna sya bago mag-salita. "If that's what you want, then fine." He sighed again. "Gusto kong hiwalayan mo na ang girlfriend mo."
I burst into laughter. "Dad, ano bang biro yan?" Tumatawa pa din ako pero deep inside kinakabahan na ako.
"Hindi ako nagbi-biro. Gusto kong gawin mo ang sinabi ko." Nabitawan ko ang lata na hawak ko. I know he's serious. Once in a blue moon lang mag-salita ng tagalog si dad kaya nakaka-sigurado akong seryoso sya. Pero bakit? Akala ko ba payag sila sa relasyon namin ni Trinity?
"Bakit dad? May nagawa na naman ba akong mali? Hindi naman ako nagpa-pabaya sa pag-aaral ah?"
"Alam ko na-"
"Alam mo? Pero bakit mo ito ginagawa?"
"Because I'm your father and I know what's right."
"Alam mo yung tama pero hindi mo yon ginagawa?! Alam mong mahal ko si Trinity pero pinaghi-hiwalay mo kami? Ano na naman bang problema mo?" Hindi ko na napigilan ang pag-taas ng boses ko. Marahil ay dala na din ng emosyon ko. Sino ba naman kasing magulang ang uutusan kang layuan ang taong mahal mo?
"I'm doing this for your own sake's." Tang*nang own sake's na yan!
"Kabaliwan! Alam nyong hindi ko gagawin yan!" Tumayo na ako para lumabas ngunit napahinto ako dahil sa mga katagang binitawan nya.
"SINONG MATINONG BOYFRIEND ANG HAHAYAANG MASAKTAN ANG TAONG MAHAL NYA LALO PA'T NAKA-TAKDA NA SYANG IKASAL SA IBA?! DIBA WALA? KAYA KUNG AYAW MONG MASAKTAN SI TRINITY, LAYUAN MO NA SYA HABANG MAAGA PA. DAHIL KUNG PATATAGALIN MO PA ANG RELASYON NYO, SA INYONG DALAWA, MAS MAHIHIRAPAN SYA. KAYA KUNG MAHAL MO TALAGA SYA. IBIGAY MO NA LANG ANG KALAYAAN NYA."
"HINDING-HINDI KO GAGAWIN YAN! WALA AKONG BALAK PAKASALAN ANG TAONG SINASABI NYO! AT KAHIT PALAYASIN NYO ULIT AKO SA PAMAMAHAY NA ITO, HINDING-HINDI KO IIWAN YUNG TAONG MAHAL KO KAYA NGAYON PA LANG, TIGILAN NYO NA YANG KABALIWAN NYO!"
---
ANDY'S POV
Tumigil ako sa pagba-basa ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot dahil si Trinity ang tumatawag.
"Bes? Anong balita?" Five days na kaming hindi nag-uusap.
[Libre ka ba ngayon?] Teka, umiiyak ba sya?
"Uy, umiiyak ka ba?"
[Kung libre ka, punta ka na lang sa condo ko.]
Hindi na ako naka-sagot dahil pinutol kaagad nya ang linya. Anyare dun? Umiiyak ba sya? Hindi naman nya sinagot yung tanong ko kanina eh. Tsk. Mapuntahan na nga lang.
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
Novela JuvenilPaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...