Chapter 35

5.5K 81 1
                                    

continuation. . .


[Saturday]

Tumayo na ako upang makipag-sayaw kay Kriss. Inabot ko ang kamay nya at pumunta kami sa gitna.

[A/N: Play the music for BETTER BETTER BETTER reading]
[NP: I'll Be-Edwin McCain]

Pumunta kami sa gitna. Biglang tumugtog ang I'll Be na kanta. "Kriss bakit ganon? Sa tuwing nagki-kita or mag-kasama tayo, laging I'll Be ang kanta? Favorite song mo?" Tanong ko. Totoo naman kasi. Nung nag-kita kami sa rooftop, I'll Be ang kanta.

"Dahil sa tuwing nagki-kita tayo, lagi kang may problema." Sagot ni Kriss habang naka-tingin sa akin. Yung mga tingin nyang nakaka-tunaw. Yung tingin nya nung una kaming nag-kita.

"Anong problema?" Maang-maangan ko kahit totoo yung mga sinasabi nya. Ang ipinagtataka ko lang, paano nya nalalaman. Ganon ba ako kahalata?

Inilapit nya ang bibig nya sa tenga ko at bumulong "Ok lang naman na mag-sabi ka sa akin ng problema. Kahit hindi tayo, kaya kong panindigan lahat ng mga sinabi ko hangga't makuha ko na ang matamis mong oo." His words gives me shivered down to my spine.

"Never mind that. Nandito tayo para mag-enjoy." Pagba-bago ko ng topic. Ang awkward naman kasi nung ganon.

Sumayaw lang kami sa ilalim ng mga nag-niningning na bituin. Sumayaw kami sa gitna ng malamig at sariwang hangin. Sumayaw kami sa lugar kung saan mo mahahanap ang tunay na kapayapaan. Sumayaw kami sa saliw ng musika na lalong nagpapa-bilis ng tibok ng puso ko. At higit sa lahat, sumayaw kami ng pareho na ang nararamdaman sa aming mga puso.

Inisip ko lahat ng magagandang ginawa ni Kriss sa akin sa loob ng isang linggo. Sabihin man nilang masyado akong easy-to-get, wala eh. Hindi ko naman kayang diktahan ang puso ko na wag mahalin si Kriss. At lalong hindi ko kayang diktahan ang puso ni Kriss. Kung masasaktan ako, edi masaktan! Ganon naman talaga ang consequence ng pagma-mahal eh. Minsan, kailangan mong masaktan para kapag dumating ang hinaharap, kakayanin mo nang lumaban ng walang pag-aalinlangan.

"Kriss?" Tawag ko.

"Hmm?"

Ngumiti ako sa kanya dahil nakikita kong masaya sya ngayon. "Nakikita mo ba ang mga bituin na iyon?" Tanong ko sabay tingin sa taas.

"Oo bakit?" Tanong nya habang naka-tingin din sa langit.

"Wala naman." Sagot ko at humiwalay na sa kanya. Bumalik na kami sa table habang patuloy na tumutugtog ang kanta. Pinag-masdan ko ang paligid. Napaka-ganda ng lugar.

"Cess?" Tawag ni Kriss sa akin.

"Hmm?" Sagot ko habang tinitignan pa din ang paligid.

"Anong tinitignan mo?" Ani Kriss.

"Yung ganda ng paligid. Sa buong buhay ko kasi, ngayon lang ako naka-punta dito. Mayaman nga ako pero never akong naka-punta dito." Kasama ang taong mahal ko. Bulong ko.

"Alam mo ba, sa lahat ng tao na nakilala ko, ikaw ang pinaka-kakaiba." Hindi pa din ako lumilingon kay Kriss. Yung lugar kasi! Parang hini-hypnotized ako na sa kanya lang ako tumingin.

"Alien ba ako para sayo?" I kid.

"Hindi. Sa lahat ng nakilala ko, kakaiba ka. Yung tipong unang kita pa lang natin sa elevator bumilis na agad ang tibok ng puso ko. Nalala mo ba nung tinitigan kita?" Natawa ako nang maalala ko ulit iyon. "Parang may karera ng kabayo sa dibdib ko. Yun nga lang, yung nangyari yung unang-unang kahihiyan sa buhay ko." Tumaas ang kilay ko. Paano naman ako naging kakaiba? Ganon naman talaga pag inlove diba? Laging bumibilis ang tibok ng puso nila?

Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon