PRINCESS'S POV
JULY 09...
Napag-desisyunan ko munang lumabas sa kwarto ko at magpa-hangin sa terrace. Habang nagla-lakad ako sa hallway ay may narinig akong nag-uusap. Dahil curiosity kills, simundan ko kung saan nagmu-mula ang tinig.
Napa-hinto ako sa isang kwarto sa dulo nang hallway. Teka, opisina ito ni Daddy ah?
Aalis na sana ako dahil hindi maganda kung makikinig ako sa usapan ng matatanda nang marinig ko ang pangalan ko.
"Hindi pa nakakapag-desisyon si Trinity." Malamig na wika ni daddy.
Kaya imbis na umalis ako, dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng office ni daddy. Pag-bukas ko ay nakita ko syang naka-tayo at naka-harap sa malaking glass wall window nya habang naka-lagay ang kanang kamay nya sa likod at ang isang kamay nya ay may hawak na cellphone at naka-tapat sa tenga nya. Malamang dun nanggagaling ang kausap nya.
Palihim akong nakinig sa usapan nilang dalawa. Bakit nadamay nanaman ako? Anong hindi pa ako nakakapag-desisyon?
Biglang nag-popped-up sa utak ko ang prenuptial... Sa tingin ko, yun ang pinag-uusapan nila.
Nang nalaman ko na ang kasagutan sa mga tanong ko, nag-balak na akong umalis ng marinig ko ang sinabi ni daddy.
"Oh sige. Pupuntahan ko na sya ngayon at itatanong ang desisyon nya."
Naka-rinig na ako nang mga yabag ng paa papunta sa pinto at dali-dali akong lumayo sa pintuan at nag-panggap na daraan lang ako.
Gulat na gulat si daddy nang makita nya akong dumaan sa pinto ng office nya. "Trinity anak! Kanina ka pa ba dyan? May narinig ka ba?" Dire-diretsong tanong nya.
Bahagya akong tumawa ng pilit at tinignan na sya sa mata. "Unang-una napa-daan lang ako dito.Pangalawa, wala akong narinig at Pangatlo,may hindi na dapat akong marinig?" Sarcastic na sagot ko.
Napa-buntong hininga na lamang sya. "Halika. Pumasok ka at may pag-uusapan tayo."
Sumunod na lamang ako at pumasok sa loob ng office nya.
"Wala pa akong desisyon." Prankang wika ko."Pero..."
"Pero?"
"Pero wag kang mag-alala, dahil magde-desisyon ako." Sagot ko.
Agad sumilay ang matamis na ngiti sa labi nya, ngunit agad din itong napalitan ng seryosong titig. "I won't take NO as an answer." Paalala nya.
"Yeah. Yeah. Whatever!" Pabalang na sagot ko. "By the way, since pumayag na naman ako sa gusto mo, pwede bang pag-bigyan mo ako sa gusto ko?" Wika ko.
Bahagyang kumunot ang noo nya. "What?"
"Gusto ko lang magpaka-saya sa mga natitirang araw ko. Since wala naman na akong choice, susundin na kita. Pero, wag na wag mo akong pipigilan. Don't worry hindi ako magre-rebelde." Pangako ko.
"Parties? Sige ok lang yan. Pero lagi kang magsa-sama ng mga body guards." Paninigurado ni daddy.
"Nope. Ayoko sa mga parties na yan. I mean, hayaan mo akong mag-gala ng walang kasamang body guards. Or else..." Ani ko.
"Pero. Pano ang safety mo?" Nag-aalalang tanong nya.
"Don't 'ya worry." I assured.
Tumayo na ako at nag-simula nang mag-lakad palabas ng office ni daddy nang mag-salita ulit sya. "No relationships are allowed." Pahabol nya pa.
Umirap nalang ako at tuluyan nang lumbas. Bumalik ako sa kwarto ko upang kunin ang susi ng Mustang ko. Dumiretso na ako sa pag-labas ng bahay. "There you go! Wait for the piercing comeback of the devil queen!!" Bulong ko habang ini-start ang engine ng kotse ko.
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
أدب المراهقينPaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...