Chapter 70

4.3K 54 6
                                    

ANDY

"Princess." Pagtawag ko sa atensyon nya na nakatulala.

"Hi." Tipid na sabi nya.

Lumapit ako sa kamang kinasasadlakan nya, at nanlumo ako ng makita nang malapitan ang bangas-bangas nyang mukha.

"Okay ka na ba? May masakit ba sayo?"

"I'm okay. Thanks." Tipid na sabi nya.

Bumuntong hininga ako at tinitigan sya. "What happened?"

"I don't know. Basta paggising ko, nandito na ako."

"Humarap ka na ba sa salamin?" I asked.

Biglang tumaas ng perpekto sa korteng kilay nya. "Why?" Hindi ako sumagot dahil mukhang wala pa syang alam. Kinuha ko ang salamin na dala ko at hinarap sa kanya. "OH MY GOD!"

"The heck?!" Inis na sigaw ko sa kanya habang naka-takip sa tenga ko dahil sa lakas ng tili nya.

"What just... WHAT HAPPENED TO MY FACE?!"

"Nag-lasing ka. Nang-away ka. Nabugbog ka. Na-ospital ka. Okay na?" Sarkastikong sagot ko sa kanya. Ako naman ang napatili nang manlisik ang mga mata nya habang kuyom ang mga kamay. "What the hell Princess?!"

"Sinong gumawa sakin nito?! SINO?!"

"Hindi ko alam! Basta sinabi lang sa akin ni Kriss na nandito ka tapos... Tapos..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil biglang nagbago ang temperatura sa paligid. Pakiramdam ko'y isang maling salita ko lang, matatapos ang mundo. Tss.

"That bastard..." Bulong nya ngunit nakaabot naman ito sa pandinig ko.

"Why?" Napatayo ako sa kinauupuan ko't lumapit sa kanya. "What happened?"

"Naalala ko na. Kahapon, diba nasabi ko sayo na pupunta ako sa isang meeting?"

I nodded. "That's what I wanna tell you yesterday."

"Na?"

"Na kung ikaw si Annica Brelle, right? Then you said that you're on your way to KDC Company? That's it! I want to tell you that don't go to that company kasi you might encounter your long lost love."

Tinaasan nya ako ng kilay at inirapan. "Long lost love your ass!"

"Haha. Then what happened yesterday?" May kung anong nagtutulak sa akin na alamin ang nangyari sa encounter nila kahapon. Now, I guess, my curiosity is killing me.

"Ang tanga-tanga ko nga eh. Nung nasa office ako abroad, my boss told me that a large company was hiring me to cover-up their new project. First, I hesitated if should I come or not. Because I'm thinking the what if's when I go back again here. I aksed our head director if what's the company's name and the head director's name. Then he said that it's KDC Company and Macey Ocampo is the head director. Of course, I've agreed because the name was never been heard."

"Then?"

"It was my big mistake. I asked for the head director's name, not for the big boss name. Eh ano bang alam ko? Head director lang ang humahandle samin abroad kaya nakalimutan kong may head boss pa nga pala. Then yesterday, that was the time that I saw Kriss again. Macey Ocampo told us that he's the big boss if KDC Company. And it was the time that I thought of KDC Company is the initials of Kriss David Chua's Company."

"So ano ngang rason at nandito ka? Anong nangyari sa encounter nyo?" Inip na tanong ko.

"Syempre lumabas ako kasi sinabi nyang 'It's nice to see you again, Miss Trinity Villegas,' kaya ayun, binatikos ako ng mga tao nya." Umirap sya sa kawalan. "Hindi ko naman alam na hinabol nya pala ako. Pagbukas ng elevator, nasa harapan ko na sya. Hinila nya ako't tinulak sa pader bago sinumbatan ng kung ano-anong kamaliang nagawa ko sa nakaraan. Psh!"

Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon