Chapter 67

4.2K 57 3
                                    

ANNICA

Hindi na ako nakapasok sa opisina kinabukasan dahil sinabihan ako ni Jerome na magpahinga na lang. Tatanggi sana ako ngunit sinabi ng doctor na nag-aasist sa akin na mas makakabuti kung magpahinga na lang daw muna ako. Like seriously? May mangyayari pa bang iba paglumala ang dehydration? Nah. I don't think so.

Kinabukasan, maagang-maaga akong pumasok dahil nakatanggap ako ng text mula kay Rea na kailangan ako sa opisina kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na pumasok. Tutal, magdamag na akong nag-pahinga.

Pagdating ko sa opisina, wala pang tao at tanging ako at si Aly pa lang ang nandoon. May kausap sya sa cellphone kaya hindi nya yata namalayang pumasok ako.

"--kanya. Sorry."

Napahinto ako at napatingin kay Aly na ngayon ay gulat na gulat na nakatingin din sa akin. Sandali syang may ibinulong sa kausap nya at pinatay na ang cellphone bago lumapit sa akin.

"Hi."

"Hey?" Patanong na sagot ko.

"Ahm, did you heard anything?"

Tumango ako. "You said 'kanya. Sorry.' right?"

Mabilis syang umiling. "It's Kenya." Tumango-tango na lang ako bilang pag-sang-ayon.

I don't need her explanation. So why bothered explaining? Weird.

Umupo na ako sa table ko at inasikaso na ang mga papels na nakatambak dito. Patong-patong ang mga files kaya hindi ako halos magkanda-ugaga sa kaka-review para i-check kung may mali ba sa mga ito bago ko ipasa sa head director ng opisina.

"Coffee." Nagpatong si Aly ng isang mug sa side table ko. Sinulyapan ko lang iyon dahil wala naman akong balak na mag-kape dahil wala pang laman ang sikmura ko.

Ilang minuto ang lumipas at parami na nang parami ang tao sa opisina. Nagulat pa nga sila nang makita akong nasa opisina na. Alalang-alala daw sila sa akin.


"Miss Brelle." Umangat ang tingin ko dahil may narinig akong tumawag sa akin. Muntik nang malaglag ang laptop ko nang makita kung sino ang tumawag sakin.


"Yes? You are?"


"Head director Mister Augustine."


"Mister Augustine?!" Gulat na tanong ko. Si Mister Augustine ang head director ng kompanya namin. Sobrang bibihira lang syang magpakita sa mga tao. Kapag may meeting ay lagi syang nakatalikod or di kaya, kasama nya yung secretary nya na taga-explain ng mga sinasabi nya if he has a face mask. Even Google does not contain his pictures and information about him.


But now, he's standing in front of me! And I can't believe that we're looking to each other and I can see his perfect face, gosh. Blue eyes, copper brown hair, pointed nose, pinkish lips and smooth face features. God!


May kahawig sya pero hindi ko mawari kung sino.



Nakarinig ako ng mga bulong but I preferred to ignore them all and focus my attention to the head director. "What did I do wrong, Sir? Did my report doesn't have all the information needed?" Kabadong tanong ko.


Tumikhim sya kaya natahimik ang buong paligid. "Actually, I wanna tell you that your reports lack of some important details." Nakarinig ako nang mahinang pagtawa pero hindi ko magawang tignan kung sino yon, dahil nakaka-intimidate ang tingin sa akin ni Sir.

Ngumiti ako sa kanya. "Sir, please don't be get mad. I know that my reports is not that perfect but I think, that's not the real reason why you're here." Magalang na sagot ko. "And I guess you'll not bothered to show your face in public just because of that crappy reason. Aren't you?"

Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon