ANNICA
Wala akong pakialam sa mga dinaraanan ko't sa mga nadadaanan ko. Basta ang gusto ko lang, ang mapag-isa. Ang makalayo sa lugar kung saan naroon si Krishna.
Bago pa akong tuluyang makalayo sa kanila, narinig ko pa ang pagtawag nila Krishna at Jerome ng "Princess" at "Annica," but I chose to ignore them.
Hindi pa rin kinaya ng sistema ko lahat ng nalaman at narinig ko. May part sa akin na hindi naniniwala sa lahat ng mga sinabi sakin ni Krishna. Pero may kung ano rin na bumubulong sa isip ko na totoo ang lahat ng sinabi nya.
"Ahhhh!" Sigaw ko sa kawalan. "Bakit kailangang maging ganito kakumplikado ang buhay ko?! Bakit kailangang magdusa ako ng ganito? Gaano ba ako kasama sa unang buhay ko para parusahan ako ng Diyos ng sobra sobra?!" Naramdaman ko na lang ang mainit na likido na dumadaloy sa pisngi ko.
Napaupo ako sa lapag. Ignoring what other people says. Itinakip ko ang isang palad ko sa bibig ko upang pigilan ang paghikbi ko habang ang isa kong kamay na nakakuyom ay isinusuntok ko sa dibdib ko.
Iyak lang ako ng iyak. Feeling ko, mas mahirap pa ito kaysa noong nag-isa ako dito. Lalong bumuhos ang mga luha ko nang maalala ko ang pamilya ko. Si mom. Si dad. Si Andy.
"Sorry. Mom, dad, Andy, sorry. I'm very sorry. Naging selfish ako. Akala ko pag sinunod ko yung gusto ko, mas magiging maligaya ako." Pinahid ko ang mga luha ko. "Naging masaya naman ako eh. Naging matagumpay pa nga ako oh. Hindi na ako yung dating Princess Trinity na sunod sa luho. Natuto na akong pahalagahan yung mga bagay na nasa paligid ko. Pero. Pero ang tagal na panahon bago ko nahanap yung sarili ko. Ang tagal na panahon bago ko napagtagumpayan nang mag-isa ang lahat ng mga pangarap ko. Ni hindi ko man lang kayo naisip. Hindi ko kinonsidera yung nararamdaman nyo nung mga panahon na iniwan ko kayo habang pinu-fulfill ko lahat nang mga pangarap ko. Ang bobo ko! Ang tanga tanga tanga ko sobra!"
"Mom, sorry sa lahat. Sorry sa lahat nang kagagahan ko. Dad, sorry sa mga kasutilan ko." Huminga muna ako nang malalim bago ipinagpatuloy yung sasabihin ko. "Bess. Andy. Sorry. Hindi kita inisip. Haha." Pumeke ako nang tawa dahil sobrang bigat na ng pakiramdam ko. "Diba bess, maiintindihan mo naman ako? Alam kong maiintindihan mo ako."
"Kriss--" Pangalan pa lang nya ang nababanggit ko pero nag-unahan nang pumatak ang mga luha ko na nag-mistulang waterfalls. "--patawarin mo ako. Kriss, alam kong masaya ka na ngayon. Pero sana. Sana naman, hindi mo sinubukang kitilin yung buhay mo nang dahil sa bobo at walang kwentang babae na tulad ko. Eh pano kung natuluyan ka? Konsensya ko pa? Tapos mumultuhin mo pa ako. Alam mo naman na kahit anong tapang ko, multo lang ang katapat ko? Diba alam mo yan?" Nagpatawa pa ako para hindi ko maisip yung mga kasamaan ko. "Kriss, mahal na mahal pa rin kita, alam mo ba? Limang taon na nga yung lumipas, pero ni minsan, hindi ka nawala sa isipan ko. Ni minsan, hindi nabawasan yung nararamdaman ko. Para pa ngang nadagdagan eh. Haha! Paano kaya yon? Milyon-milyong kilometro ang pagitan natin sa isa't-isa, pero parang nasa tabi pa rin kita dahil yung pagmamahal na nararamdaman ko sayo, lumalala. Huwag na huwag mong iisipin na iniwan kita para sa sarili ko ha? Kung alam mo lang sana yung dahilan kung ba't ako umalis at nagpakalayo-layo, kung alam mo lang sana talaga. Malayo man ako sayo ngayon, lagi mong iisipin na mahal na mahal kita. Kung tayo naman talaga para sa isa't-isa, tadhana na ang bahala na muli tayong magkita. Pero kung hindi ka man para sa akin, at hindi naman ako para sayo, ako mismo ang kakalaban kay tadhana, maging masaya lang tayong dalawa sa piling nang isa't-isa. Mahal na mahal kita..."
***
Nagmulat ako nang mata at puro puti lang ang nakikita ko. Dahan-dahan ko ring iginalaw ang mga kamay ko't may nakasaksak na dextrose dito.
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
Novela JuvenilPaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...