PRINCESS
"Bakit walang gumising sakin?"
"Bakit Miss, ano po bang meron ngayon?" Takhang tanong ng isang maid namin.
"Leche, first day ng klase ko." 7:46 na, eh 8:00am ang first class ko.
Kasi naman, halos 2am na kanina nung umuwi ako galing sa MOA. Nakalimutan ko na ngayon nga pala ang unang araw ko bilang 2nd year college.
Hindi na ako nag-babad sa tub dahil baka lalo akong ma-late.
Shit! 8:20 am na.
Nag-suot nalang ako ng black na dress at high heels. Buti nalang at private ang school na papasukan ko kaya pwede ang civillian outfit. Nag-lagay nalang ako ng konting make-up para tumerno sa suot ko.
"Miss, kain po muna kayo."
Hindi ko na sila pinakinggan at agad na akong sumakay sa Lamborghini car ko. 8:35 na..
Halos paliparin ko na ang kotse ko makarating lang agad sa school.
AT WP ACADEMY:
Agad akong tumakbo sa bulletin board na nasa may gilid ng gate at hinanap ang second year batch na lists.
I took AB Mass com as my course so nakita ko na naka-bukod ang shifting ng course sa iba. Pati yung buildings at schedules ay iba iba rin.
Kailangan ko ng hanapin ang room 512 sa Bldg. E nitong school. Mukhang mahihirapan pa ako mag-hanap dahil ang laki-laki ng campus na to.
Habang naglalakad ako eh may nakasalubong akong teacher.
Nagulat ako ng bigla nya akong harangin. "Miss? Saan ang klase mo ngayon?"
"Sa Mass com."
Kinakabahan ako dahil mukhang matapang ang teacher na nasa harap ko. Naka-suot sya ng palda na above the knee at naka-uniporme na talagang mahahalata mo na mataas ang posisyon nya. Ang mas nakaka-tense ay yung stick na pinang-papalo nya sa palm nya habang nag-uusap kami. "Your name is?"
"Princess Trinity Villegas."
"Aw, so you're the owner's daughter of this school pala."
Doon ko lang napag-tanto na amin nga pala ang school na'to. Agad akong dumiretso ng tayo. Nag-taas ako ng kilay at nag-salita "Yeah. So please excuse me, I have to attend my class."
Naglakad na ako palayo pero biglang hinawakan ng teacher ang braso ko. "Kanina, nag-tawag kami isa-isa ng mga freshmens student sa stage."
Naka-tingin lang ako sa kanya with my borredest look. "So?"
Bahagya syang natawa. "Wala ka bang ibang napapansin?" Tanong nya.
Tumingin-tingin ako sa paligid namin dahil baka may nararamdaman syang hindi ko nararamdaman. "N-nothing!" Inis na sagot ko.
"Tingin ka sa paligid mo."
Ako naman si tanga, tumingin. Wala talaga akong napapansing kakaiba.
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsPaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...