Chapter 59

5.2K 55 2
                                    

PRINCESS'S POV

"Is everything settled?"

[Yes, Ma'am.]

"Good."

Ibinaba ko na ang linya atsaka ngumiti ng palihim. Pabagsak akong humiga sa kama at tumingin sa kisame.

It's been three weeks since the party. Sa loob ng three weeks na iyon, marami nang nangyari at nagbago. Tinupad ni Kriss ang sinabi nyang lalayuan nya na ako. Kaya naman kapag may meeting ang royalties at student council ay sobrang awkward ng atmosphere. Isama mo pa ang mga student council members na panay ang kutya sa amin dahil doon sa nakita nila noong party. Panay ngiti na lang ako at paliwanag na kasama talaga yon sa dance number para sweet tignan. Habang si Kriss naman ay walang pakialam.

Nanatili ako sa ganong posisyon ng mga ilang minuto hanggang sa may naisip akong idea.

Patakbo akong pumasok sa banyo at naligo. Agad din akong kumuha ng damit at nag-ayos. Bumaba na rin ako pagkatapos ko.

"Mom!" Bumeso ako kay mommy na nasa sala habang kumakain ng cookies.

"Oh baby, what's the problem?" Worried na tanong nya.

"Where's dad?"

"Nasa kwarto, nag-aayos. Papasok na sya sa office nya. Why?"

"Tell him, I want to have a vacation. Somewhere in south." Nakita ko na parang kumislap ang mata nya.

Lumapit sya sa akin at kinapa ang noo't leeg ko kaya umiwas ako. "Why baby? Are you sick?"

"No mom. I just want to travel anywhere with the both of you. Family bonding." Then ngumiti ako.

Nagpaalam sya sa akin na sasabihin kay dad ang gusto ko kaya naupo ako sa pwesto nya at nakikain ng cookies. Tignan ko ang pinapanood nya.

//Binangga ng lalaki ang babae na naka-tulala sa kanya kaya gulat na gulat ang babae. Pinagtawanan sya ng mga estudyanteng nakakita sa pangyayari, kaya wala syang ibang nagawa kundi ang batuhin ng libro sa likod ang lalaking bumangga sa kanya. "Gangster!" Sigaw nya ng lumingon sa kanya ang lalaki ng may masamang tingin.\\

"Baby! Tawag ka ng daddy mo." Biglang tawag sa akin ni mommy kaya nawala ang atensyon ko sa palabas.

"Bakit daw?"

"I don't know baby. It's better if you'll talk to him na." Tumango ako at umakyat na sa kwarto ni dad. Kumatok muna ako bago pumasok. "Dad?"

"Have a sit." Umupo ako sa couch na nasa gitna ng office room nya. "Ano yong sinasabi ng mommy na nagyayaya ka raw mag-bakasyon?" Tumango ako. "Where and when?"

"Somewhere in south. Bukas sana. If hindi ka busy."

"Bakit biglaan naman?"

"Wala lang. Gusto ko lang sana na magkaroon tayo ng family bonding. It's been years noong huli nating ginawa iyon. I just missed the feeling. And for you to relax. Masyado ka ng stress from work. Bakit hindi muna tayo mag-bakasyon kahit mga one week lang?"

"Its a good idea. Pero parang napaka-tagal ng one week, hijah? And besides, may pasok ka."

"Pwede naman akong mag-excuse at sabihing may kailangan tayong attend'an na family gathering. I'm sure na papayag ang mga staffs at bibigyan na lang ako ng mga special projects para makahabol sa mga class na mami-miss ko. And, you're my father naman kaya walang problema. Yun ay kung papayag ka?" I asked.

"Walang problema. But I want you to tell the truth why you suddenly want to have a vacation? Are you stressed with your school's stuff?"

You really are my father.

Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon