Chapter 57

4.6K 47 2
                                    

PRINCESS'S POV

Mabilis na lumipas ang mga araw. Mabilis din lumipas ang mga pangyayari. Pero mas mabilis na nag-bago ang desisyon ko. A-attend na ako ng party.

Today is Saturday. At mamayang gabi na ida-daos ang ika-50'ng anibersaryo ng WPA.

[Sure kang pupunta ka na ah?] Pangu-ngumpirma ni Andy sa nag-bagong desisyon ko.

"Mm. Wag ka na lang paulit-ulit para hindi na mag-bago isip ko." Iritadong sagot ko.

[Sige! Hahahaha! Sabi ko na't hindi ka talaga makaka-hindi sa mga party party eh. Oh sya! Sige na sige na. Magpapa-salon na ako para mamaya. Ikaw din ah? 10:06 am pa lang naman. Mamayang 8:00 pm pa naman yung party. Sige na. Kitakits later, gotta go bye!]

Napabuntong-hininga akong napatingin sa screen ng cellphone ko.

Kailan ka ba mawawala sa isip ko ha, Kriss?

Umiling-iling ako sa isipin ko. Kasalanan ko naman to kaya tama lang na ako ang mag-suffer.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Pumasok ang designer na kinuha ni mommy para ayusan ako.

"Ma'am, ipinapasundo na ho kayo." Tumango lang ako bilang pag-sang-ayon sa sinabi nya. Sinipat ko muna ng tingin ang sarili ko sa salamin at sumunod na sa pagbaba.

Habang tinatahak namin ang daan, ay nasa labas lang ang paningin ko. Natutuwa ako sa mga natatanaw ko sa paligid. May mga nagti-tinda ng street foods, may mga taong simpleng nagla-lakad lang sa kalsada. Pero iba yung pakiramdam ko nung nakakita ako ng couples. Pakiramdam ko naasar ako na nasasaktan na naiinggit.

I never dreamed for perfect relationship. But I always dream of having a long time relationship. Not for months, but for a lifetime.

Pero mas nairita ako ng madali ng paningin ko ang isang couple who's perfectly cuddling each other.

Tch!

Every time I see lovers holding hands or just plainly sitting together and cuddling each other, I look away. It's not that I hate seeing lovers but because it reminds me of a question "Where is mine?"

"Ma'am, we're here." Napa-igtad ako ng marinig ko ang sinabi ng driver ko. Tumingin ako kung saang mall ba ako aayusan at nanlumo ako nang mamataan ko kung nasaan ako.

Tsk!

"Ma'am?"

"A-ah? Yes yes." Pinag-buksan ako ng pinto ng driver ko. Sinuot ko na ang sunglasses at cardigan ko for safety.

Masyado akong natuliro ng maka-pasok na kami sa mismong mall. At kamalas-malasang nahinto kami sa tapat ng DQ stool dahil sa dami ng taong nandoon.

"Wala bang ibang daan? We're running out of time." Iritadong tanong ko. "I'm suffocating already. Let's find another way. My disguise isn't safe here."

Nag-hanap na nga kami ng ibang lugar na maaring daanan gaya ng sinabi ko. Mahirap dahil masyadong maraming tao. Kailangang maging maingat.

Habang nagla-lakad kami ay napahinto ako dahil sa pakiramdam na may nakatingin sakin.

Pasimple akong sumulyap sa paligid at hindi nga ako nagka-mali. Leslie is looking straight into my eyes.

"Hey." Tawag nya at dahan-dahang nag-lakad palapit sa akin kaya naman ganon na lang kabilis ang naging pag-kilos ng mga bodyguards na kasama ko. "Woah easy! Easy." Natatawang usal ni Leslie na naka-harang pa ang dalawang kamay sa unahan. "Hirap palang lapitan ng sikat."

"It's okay. We're classmates." Bulong ko sa isang bodyguard na malapit sa akin. Nag-laan naman sila ng maliit na espasyo para kay Leslie. "Hi. What are you doing here?"

Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon