PRINCESS'S POV
Awa. Awa na lang siguro yung nag-iisang dahilan kung bakit nagawa ko pang paasahin si Kris. Although mahal ko sya, wala na ring sense kung ipaglalaban ko pa.
Buo na talaga yung desisyon ko na hiwalayan sya para hindi na magka-gulo. But I don't know. Para kasing may tumusok sa puso ko nung nakita ko syang lumuha.
Mahirap kasing kalabanin ang sarili mong pamilya.
Two days ago na. Two days na akong binabagabag ng konsensya ko. Two days ko ng pinapaasa si Kriss. Or counting. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging paasa.
Dati galit ako sa mga paasa dahil lagi kong tinatatak sa puso't isipan ko na masasamang tao sila.
But who would think na naging sobrang lakas ng ihip ng hangin at pati ako nasama sa mga taong paasa?
Tsk tsk. People with their playful life nga naman talaga.
***
"We're here." Wika ni Kriss pagka-tanggal nya ng seatbelt ko.
Lumabas na kami ng sasakyan at pumasok na sa entrance ng Enchanted Kingdom.
Si Kriss pa lang ang kauna-unahang lalaki na sinamahan ako sa mga ganitong lugar sa buong buhay ko.
"Cess, are you okay?" Tumango lang ako. "May problema ba tayo?"
Oo meron. Isang malaking problema na hindi na dapat pinapatagal pa.
Gustong-gusto kong sabihin sa kanya ang mga katagang yan. Pero pinigilan ko.
October 15.
Kahit mga two weeks pa siguro bago ko sya tuluyang iwan.
Yung iniisip ko pa lang na iiwan ko sya, parang gusto ko ng umiyak. Mabait si Kriss and he don't deserve me.
Me as Princess Villegas who are arranged to marry someone soon.
Me as Princess Villegas who was not worthy for all the love, efforts and care he was giving.
"Viking?" Yaya ni Kriss.
"What's that?" Takang tanong ko. Viking? It's new to my ears.
"Hindi mo alam yun?" Nag-kamot sya ng ulo nya.
"Nope. I have no idea."
"Ayun oh." Itinuro nya yung Angkor's away. Kaya naman pala bago sa pandinig ko dahil iba ang tawag nya.
"It's Angkor's away Kriss, not Viking."
"Viking."
"Angkor's away."
"Viking."
"Angkor's away!"
"Viking."
"Angkor's away!" Pinanlakihan ko na sya ng mata.
"Vik-."
"Kayong dalawa, sasakay ba kayo?! Maraming naghi-hintay sa inyo oh!"
Nagka-tinginan kami ni Kriss at parehas natawa. Bumili na kami ng ticket at sumakay na.
"Nakasakay ka na ba dito noon?" Tanong ko kay Kriss habang hindi pa umaandar ang Angkor's away.
"Oo naman. Basic nga lang to eh." Inilagay nya ang isang kamay nya sa batok nya at ang isa naman ay ipinang-akbay nya sa akin. "Ikaw?"
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
Novela JuvenilPaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...