PRINCESS'S POV
My eyes widened. Paanong nangyari yun? Kinabahan na ako. I knew this. Alam kong darating tong time na to, but it's too early. "Paano mo nalaman?" I gulped as I asked her.
"Narinig ko lahat kanina sa garden." Naka-sandal pa din ako sa pader at hawak nya pa rin ang braso ko.
"K-kaibigan naman kita diba?" Ngumisi sya at binitawan ako.
"Of course." Tumalikod na sya at nag-simulang mag-lakad palayo.
"Leslie!" Huminto sya. Kahit hindi sya lumingon, alam ko namang nakikinig sya. "Pwede bang i-sikreto mo muna ito? Please. I'm not yet ready."
"Sure." And she began walking again. Hanggang hindi ko na sya makita.
***
I'm still confused kung ano bang nararapat kong gawin. It's either tatapusin ko na. Or papahabain ko pa?
Kasi habang tumatagal, mas lalo lang akong nako-konsensya dahil alam ko na sooner or later mabubunyag din ang pinakatatago kong sikreto. And worst, may masasaktan pa.
Nagpa-ikot-ikot ako sa higaan ko dahil gulong-gulo ang isip ko. I didn't know what to do. Nagta-talo ang puso't isipan ko. Para na akong mababaliw.
I decided na lumabas muna dahil nauuhaw at nagugutom ako. Wala na pala akong stocks sa fridge ko.
Habang naglalakad sa hallway ay nadaanan ko ang office ni dad. Medyo naka-bukas ang pinto kaya tinignan ko ang wrist watch ko. It's already 12:30am kaya sure ako na wala na si daddy sa office nya. But I'm still wondering kung bakit bukas pa ito. He never left his office unlocked.
Nag-dahan-dahan ako sa paglalakad. Unti-unti akong sumilip. Walang tao.
Nag-lakad ako patungong table ni daddy. May nakita akong patong-patong na folder.
Sinubukan kong mag-bukas ng folder pero puro business lang ang laman. Nag-attempted din akong mag-bukas ng drawer. pero naka-lock.
Kahit nakakahilo, inisa-isa ko ang pagbubukas ng mga folder. Baka kasi may makita akong hint about sakin.
Konti pa lang ang nabubuksan ko ng marinig ko si daddy na nagsa-salita. Papalapit ang boses nya kaya minadali kong ibalik ang mga folder sa tamang ayos then I ran to his closet.
"Gabi na. Why are you calling?" Rinig kong tanong ni daddy. "What about my daughter, again?" Bakit nasama na naman ako? "Nasa closet yung files ko. Ok sandali kukuhain ko." Nanginig ako dahil nakita kong papalapit sa closet na pinagtataguan ko si dad. Shit!
Hindi ko alam kung anong gagawin ko when I heard him again. "Bukas na. Pagkakalkalin mo pa ako." Para akong nabunutan ng bara sa lalamunan. Thanks God.
Wala na akong narinig na nagsa-salita kaya sumilip ako at nakita kong wala ng tao.
Dahan-dahan akong lumabas leaving no sounds.
Sinarado ko na ng marahan ang pinto at nag-diretso sa kusina. I saw dad drinking water.
Kumuha din ako ng baso at uminom.
"Princess?" Hindi ako nag-salita pero tumingin ako sa kanya. "Can we talk?" Tumango ako.
Umupo sya sa table kaya sumunod din ako. "What is it?"
"Sorry." Tumingin ako sa kanya.
"Sorry? For what?" Litong tanong ko.
"Kasi hindi ako naging mabuting ama sayo."
"Babalik na naman ba tayo sa usapan na yan? Don't say sorry unless itutuloy mo pa rin yan."
"Hindi mo ba talaga ako naiintindihan? Anak nahihirapan din ako sa sitwasyon mo. Hirap na hirap ako. Ayoko ng ituloy pero pag hindi ko yun ginawa, mahihirapan ako. Mahihirapan ka." May tumulong luha sa mata ko pero agad ko rin itong pinunasan.
May dadagdag pa sa konsensya ko. Hindi ko talaga alam kung ako ba yung masama? Lahat naman kasi sila kabutihan ko yung iniisip but hindi ko ramdam yon. Oh sadyang nagbubulag-bulagan lang ako sa katotohanan?
"Sasabihin ko na sayo ang lahat para hindi ka maguluhan. At para hindi mo na isipin na masama akong ama." Nag-simula na namang pumintig ng malakas ang puso ko. "Ten years ago, mayroon akong isang naging business partner. Lumago ang kompanya natin dahil sa tulong nila. Years past, unti-unti silang bumabagsak habang tayo naman ay patuloy ang pag-angat. That time, nakilala ko si Mister Chua, ang business partner natin ngayon.
"Nag-hinala sila Mister Sy na ninanakawan ko daw sila dahil sa pagbagsak nila. Pero hindi ko iyon ginawa. Lahat ng meron tayo ay mula sa sariling pagsisikap ko. Pawis at dugo ang ipinuhunan ko para lang sa pagiging successful ng kompanya natin. Sinisi nila ako. Nag-nakaw daw ako ng pera sa kanila kaya tayo umangat.
"Halos two billion ang nawala sa kanila and they wanted me to pay for it. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko when suddenly, inalok ako ni Mister Chua na mag-invest sa kanila. Kahit may doubt ay sinubukan ko dahil hundred fifty thousand lang naman. After two months ay lumago ang pera at nabayaran ko sila Mister Sy. Dahil kay Mister Chua, hindi tayo bumagsak. Sabi ko ay babayaran ko sya sa kahit anong paraan. Sobra pa ang pera na nakuha ko kaya nag-pundar pa ako ng ibang negosyo.
"Sinubukan kong gawan ng paraan yung hiningi nyang kapalit sa pagtulong sa akin. Because he pleased me para pumayag akong mag-pakasal ka sa kaisa-isang anak nya. Ilang beses akong tumanggi at sinabing ibang kapalit na lang. Pero yun lang ang gusto nya and I don't have any choices.Sorry."
Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng luha ko habang nakikinig. Napaka-sama at napaka-walang kwentang anak ko. Nagalit at hinusgahan ko sila ng hindi ko inaalam ang totoong istorya.
How stupid I am!
"Daddy, will you please give me a little more time to fix my mistakes?"
***
"Can we talk?"
"Anong pag-uusapan natin?" Tumabi sya sa akin at tumingin din sa kawalan.
"Ayoko na." I said. "Hindi ko na kaya ang lokohin ka."
"Ano na naman yan Trinity? I told you, hindi maganda yang mga ganyang biro. Diba nung nakaraan lang ginanyan mo na ako? It's not funny anymore." Nakipagtitigan sya sa akin.
"I'm not joking. I'm serious here! Sawa na ako. Hindi na kita kayang lokohin na kunwari mahal kita kahit hindi naman talaga. I know I'm a user kasi ginamit lang kita nung mga panahon na down na down ako sa family, ex boyfriend at sarili ko. I'm sorry but I can't see you staying here beside me kung ako mismo sa sarili ko alam kong niloloko lang kita.
"Have pity on yourself. Huwag mo ng ipilit kasi desidido na ako. I know I made the right choice for confessing you the truth. Kung galit ka sakin, magalit ka. Alam ko na mali ako but we're over." Tumalikod na ako at nag-simulang mag-lakad ng mag-salita sya.
"Ganyan pala ang ugali mo. Hah! Napaka-tanga ko para maniwala at mahulog sayo. Pero kahit ganyan ang totoong ikaw, mahal na mahal pa rin kita kaya wag mo naman akong ganituhin." Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "Pag lumabas ka dyan sa pintong yan, wala ka ng babalikan." Napahinto ako. No, I already made out my decision. It's over.
Lumabas na ako sa pinto ng rooftop. Pagka-sarado ko ng pinto ay ang saktong pag-buhos ng mga luha ko.
This is it. Wala ng Kriss sa buhay ko. Wala na akong mababalikan. Kaya I need to be strong para sa mga susunod na maaring mangyari.
Because. . . We're over.
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
Ficção AdolescentePaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...