KRISS'S POV
Sobrang gaan talaga sa pakiramdam na wala na kaming problema ni Princess sa isa't-isa.
"BTW, past 7pm na pala. Napatagal ang kwentuhan natin."
"Oo nga eh." Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko. "Pano, mauna na ako ha? Baka gabihin ako sa daan eh."
"Ipapahatid nalang kita sa driver namin."
"Naku salamat nalang pero hindi na kailangan." Nahihiyang sagot ko.
"No. No. I insist. Ako ang may kasalanan kung bakit ka ginabi. Atsaka baka mamaya mapahamak ka pa. Baka mamaya ngayon ka pa mapahamak, kung kelan friends na tayo." Napa-isip ako sa sinabi nya. Oo nga noh. Ok na din siguro na nag-pahatid ako. At least less pamasahe.
"Ok. If that's what you want."
"Sige. Halika na." Sumunod nalang ako sa kanya habang naglalakad kami pababa sa mansion nila. Grabe talaga ang mansion nila. Made of glass ang hagdan para akong prinsipe na naglalakad pababa sa isang grand ball. Made of steal and marbles naman ang kabuuan ng buong mansion. Light blue at Black and White ang theme. Al though malaki ang mansion namin but this is...BIGGER...
"Hey. Stop day dreaming it's already night." Napa-balikwas ako dahil sa narinig ko ang boses ni Princess.
"Hehe.. Sabi ko nga."
Naglakad na kami palabas.
"Mang Pedring!" Tawag ni Princess.
"Miss bakit po?"
"Paki-hatid naman sya sa condo nya. Dun din sa building ng condo unit ko."
"Sige po Miss." Magalang na sagot ni driver nila.
"Sige na Kriss. Baka mapahamak pa kayo pag masyado kayong ginabi. See you tomorrow. Ingat." Paalam ni Princess.
"Okay. Salamat ulit." Sagot ko. Dumiretso na ako sa sasakyan nila. Tinanaw ko nalang si Princess sa labas ng bintana ng sasakyan. Nakita ko syang kumakaway.
Tahimik lang ang naging byahe namin hanggang sa... "Sir, alam nyo po ang swerte swerte nyo po." Napa-tingin ako sa rear mirror ng kotse at nakitang naka-tingin sa akin ang driver nila Princess habang naka-ngiti.
"Ano po?" Tanong ko ulit.
"Ang swerte nyo po."
Napa-isip ako sa sinabi ni manong Pedring. Ako? Anong kina-swerte ko? "Ano pong sinasabi nyo?" Takhang-takhang tanong ko.
"Kasi po, first time po...---"
Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod na sinabi ni manong Pedring dahil biglang tumunog ang cellphone ko. "Excuse lang po." Magalang na paalam ko.
Calling: Rica
"Hello?"
[Kriss.]
"Bakit?" Tanong ko.
[Pwede ba tayong mag-kita sa SB dyan malapit sa condo mo?]
"Bakit anong pag-uusapan natin?"
[Sa SB nalang. Sige na, I'll hang up it na.]
*toot toot toot*
Nagta-takha man ako sa tawag ni Rica pero dapat ko syang puntahan. "Mang Pedring dito nalang po."
"Ha? Medyo malayo pa tayo sa building nyo ah?" Paliwanag ni mang Pedring.
"May dadaanan pa po pala ako. Dito nalang po. Salamat." Inihinto na ni mang Pedring ang sasakyang sa gilid ng kalsada.
"Mag-iingat ka hijo."
"Salamat. Kayo din po." Magalang na sagot ko.
Bumababa na ako sa sasakyan at nilakad ang SB na Nasa kabilang kanto. Malayo pa lang ako Ay tanaw na tanaw ko na si Rica na naka-pangalumbaba sa lamesa habang naka-titig sa cellphone nya.
"Rica." Tawag ko.
Napa-balikwas sya sa panga-ngalumbaba at ngumiti. "Babe!"
Inilapag ko ang mga gamit ko sa upuan at umupo ako sa harapan nya. "Anong problema?" Diretsong tanong ko.
Tumaas bigla ang kilay nya. "Tinawagan ka lang may problema agad?"
"Ewan." Malamig na sagot ko.
"Babe sorry na. Alam ko naman na ako yung mali. Maliit na bagay pinapalaki ko. Sorry babe 'coz I've always using my narrow-mind when thinking." Naka-yukong sabi nya.
Matagal-tagal na din pala kaming hindi nag-papansinan ni Rica. One week. At sa one week na yon, masasabi kong hindi ko sya naisip dahil naka-focus ako sa pag-aaral ko.
I inhaled and exhaled... I think this is the right time. "Rica I have something to tell you." Gamit ang malamig na tonong wika ko.
"Babe kinakabahan ako sa pagiging English speaking mo hah! Ano ba yan?"
"I think this is the time..."
"The time for what?"
"This is the time.... To.... To break up with you." Hindi ako maka-tingin ng diretso sa mata nya habang sinasabi ko ang mga salitang iyon.
Nagulat ako ng biglang tumawa ng pagka-lakas-lakas si Rica. "What's funny?" Takhang tanong ko.
"Yung joke mo.. Grabe nakaka-tawa talaga..
'This is the time.... To.... To break up with you.' Haha.. Ang funny talaga babe. Ok back to reality na, anong sasabihin mo. Stop joking ok? Be serious." Pilit na pilit na sagot ni Rica."I'm dead serious here." Seryosong wika ko.
"B-but w-why? Anong maling ginawa ko? T-tell me!" Nauutal-utal na sabi ni Rica.
"Whatever the reason is... Just leave it to me." Tumayo na agad ako pagka-sabing pagka-sabi ko nun.
"Wait!" Pag-harap Ay...
*pakkk*
Hindi na ako nagulat sa sampal na inabot ko kay Rica. I deserved this. "Go slap me harder. I deserved this."
"Hah! Hindi lang yan ang deserve mo, all this time ako yung naging sandalan mo sa lahat ng problema mo tapos bigla mo nalang akong iiwan ng ganito.. Ng walang paliwanag? Alam ko na, sino yang maland*ng babae mo? Sino?" Wala nang paki-alam si Rica kahit naka-tingin na lahat sa amin ang mga costumer ng Star Bucks at pinagbu-bulungan na kami.
"Calm down ok? Wala akong babae. Mahiya ka naman, naka-tingin na lahat sa atin ang mg tao dito oh."
"Bakit? Nahihiya kang malaman ng iba na malandi ka? May girlfriend ka pa. Nag-cool off lang tayo ng one week may iba kana?" Ayaw paawat na sabi ni Rica. "Ganyan naman kayong mga lalaki eh. Hindi nyo alam ang salitang kuntento. Ang lagi nyo lang iniisip ay yung ikakasaya nyo. Mga t*arant*do kayo!"
Alam kong galit na galit na si Rica dahil ngayon ko lang syang narinig na nag-mura. Hindi ko na sya pinansin at tinalikuran ko na sya. Diri-diretsyo na ako sa pag-labas.
Sorry Rica...
Habang nag-lalakad ako patungo sa condominium ko Ay napa-isip ako. Bakit ganon? Bakit hindi ako nasaktan ng makipag-hiwalay ako kay Rica. Ako dapat yung nasasaktan dahil alam kong tama lahat ng sinabi nya na sya yung naging sandalan ko sa lahat ng mga problema ko pero bakit nga ganon? Iniwan ko lang sya na naka-hang sa ere. Kahit katitiing na paki-ramdam wala talaga. Parang hindi naman ako naka-ramdam ng sakit. Pagka-guilty maari pa. Hindi ko alam kung totoo ba ang pagma-mahal na iyon pero alam kong ibinigay ko lahat ng mga emosyon ko sa relasyon namin. Maaari kayang niloloko ko lang ang damdamin ko? Tama nga siguro sila na magka-iba ang sinisigaw ng puso mo kesa sa idinidikta ng utak ng mo. Tingin ko na-apply yan para sa pagka-tao ko.
Naka-rating na ako sa condo unit ko. Pagka-pasok ko ay agad kong inilapag ang mga gamit ko sa couch ko at tinanggal ang uniform ko. Naligo agad ako at pag-katapos ay kumuha ako ng cup noodles para kainin.
Pagka-tapos kong gawin ang mga routines ay pumasok na ako sa kwarto ko. Napa-tingin ako sa orasan sa table ko at nakitang 8:30pm na. Minadali ko nang tapusin ang mga assignments ko at nag-review ng madalian dahil baka may surprise quiz kami bukas at natulog na ako.
BINABASA MO ANG
Marrying Miss Amazona Princess [COMPLETED]
Novela JuvenilPaano kung IPAKASAL KA NG MAGULANG MO SA TAONG HINDI MO KILALA? SA TAONG HINDI MO GUSTO? At worst, ay DAHIL PA SA NEGOSYO? Anong gagawin mo? Paano mo tatanggapin at haharapin ang kapalaran mo kasama ang taong itinali sayo? Tingin mo ba, magiging mad...