"Yumie, natapos mo na ba yung script na pina-revise sayo?" Tanong kay Yumie ng katrabaho nya sa isang publishing company.
"Shoot! Ngayon na ba yun kaylangang i-submit?" Natampal ni Yumie ang noo nya. Nawala sa isip nya na may deadline pala sya.
Masyado kasing nafocus ang atensyon nya sa reunion nila ng mga kaibigan nya nung highschool. Ngayon nalang sila magkikita after a year. Kaya excited sya na makita ang mga ito. Mamayang gabe na ang usapan nila kaya hindi pwedeng maantala sya ng dahil sa deadline ng script na pina-revise sakanya.
"May lakad ka noh? Paano yan? Hindi mo natapos?" Tanong uli sakanya ni Kate.
"Pwede naman sigurong pakiusapan si editor eh. Kakausapin ko nalang sya na bukas ko nalang ipapasa sakanya." Yumie.
"Well mabait naman si Boss kaya papayag naman siguro sya. Saan ba ang lakad mo?" Kate.
"Reunion namin ng mga highschool friend ko. Actually kaylangan kong mag-out ng maaga. Kaya kakausapain ko na si Boss. Dyan ka na muna ha." Paalam nya sa kasama.
"Okay. Goodluck!" Cheer ni Kate sakanya.
Kabadong pumunta sa office ng boss nya si Yumie para magpaalam dito.
*****
"Hi,Nurse Dewey!" Bati kay Dewey ng isa sa mga pasyente nila sa ospital.
"Hello! Kamusta magaling ka na. Lalabas ka na mamaya." Masiglang bati nya rin sa batang pasyente nya.
"Opo, thank you po sa pag-aalaga nyo saken." Nakangiting sabi sakanya ng bata.
"You're welcome. Check ko lang ang IV mo ha. Tsaka iinum ka na rin ng gamot mo." Magiliw na sabi ni Dewey sa bata.
"Okay po." Sagot nito.
Pagkatapos nyang asikasuhin ang bata lumipat naman sya sa kasunod na pasyente. Bale sa isang children ward limang pasyente ang inasikaso nya.
After nyang mag-rounds bumalik na sya sa station nila para magpaalam sa mga kasama nya.
"Panu ba yan tapos na ang shift ko kaya maiwan ko na kayo ha. Babye!" Pang-iingit nya sa mga kasamang nurse na hanggang mamayang gabi pa ang duty sa ospital.
Pumunta na sya ng locker nila para makapagpalit ng damit.
*****
"Okay class, dismissed. See you on Monday. Dont forget your assignment and projects okay?" Paalam at paalala ni Heshin sa mga estudyante nya.
"Yes, Mam!" Sabay-sabay na sagot ng mga ito.
Pagkatapos nyang iligpit ang mga gamit nya sa table nya. Lumabas na sya mg classroom. Huling klase nya na sa araw na yon. Dumiretso na sya sa faculty room.
"Huling klase mo na for today?" Tanong ng co-teacher nya sakanya.
"Oo. Buti nalang hindi na tuloy yung meeting ngayon. Kaylangan ko ng umalis eh." Sagot ni Heshin dito habang nag-aayos sya ng mga gamit nya.
"Ngayon ba yung reunion nyo ng mga kaibigan mo nung highschool?" Tanong ng isa nya pang co-teacher.
"Oo. Matagal ko na rin silang hindi nakikita kaya excited na ko." Heshin. "Nga pala pasuyo nalang nung exam kay direk ha. Okay na yon pirma nya nalang ang kulang." Bilin nya sa co-teacher nya.
"Okay. Enjoy sa lakad mo."
"Salamat! Alis na ko. Bye!" Paalam nya sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
General FictionActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...