Chapter 56: Random Encounters/ Random thoughts.

17 2 1
                                    

Dewey

        "Bakit nyo po ako pinatawag?" Tanong ko sa head nurse ng ospital ng pinapasukan ko. Kababalik lang namin kahapon mula sa isla. Akala ko wala akong pasok today pero bigla nalang akong pinatawag sa ospital.

        "Pinapunta kita dito Nurse Dewey para ibigay sayo ang bago mong schedule." Sagot ni head nurse sabay sagot saken ng schedule ko.

       "I-Ibig sabihin mag-duduty na po ulit ako dito sa ospital?" Di makapaniwalang tanong ko sakanya.

      "Yes, Nurse Dewey. Nagpunta dito si Mr. Russel. Sinabi nya na okay na sya. Kaya hindi nya na kaylangan ng private nurse." Head Nurse.

      "Okay poh. Salamat po head nurse. Bukas pa pala ang first day ng schedule ko." Binasa ko ang schedule ko para sa loob ng isang buwan.

      "Oo. Kaya makakauwi ka na. Be on time tomorrow para malaman mo kung sino ang mga bagong pasyente na aalagaan mo." Head Nurse.

       "Yes, Head nurse! Sige po aalis na po ako." Paalam ko kay Headnurse saka ako lumabas ng opisina nya.

      Napapaisip na naglakad ako papunta sa nurse station para puntahan ang mga kasama ko.

       Finally! Tapos na ang trabaho ko bilang nurse ng Russel na yon. Hindi na masisira ang araw ko dahil sa pang-aasar nya. Hindi na sasakit ang ulo ko. At hindi ko na sya kaylangan makaharap pagkatapos ng awkward na pagcoconfess nya saken sa isla.

           Pero bakit parang nalulungkot ako?

          Teka nga! Namimiss ko ba ang baliw na yon?

       No way!!!!

Heshin

          "Wow! Flowers and chocolates! Ang aga namang magpakilig ng Kerko ko." Todo ngiting pumasok ako ng apartment ko habang inaamoy-amoy ko ang bulaklak na ipinadeliver na bulaklak ni Kerko.

       Inilagay ko sa base ang bulaklak saka ko nilantakan ang chocolates.

       Ang swerte ko talaga for having a boyfriend like him.

       Worth it ang paghihintay ko sakanya.

       Pero napapansin ko parang masyadong sweet at todo effort si Kerko sa pagpapasaya at pagpapakilig saken this past few days.

      Nakakatuwa pero at the same time nakakatakot din.

      Sana walang kapalit na lungkot ang lahat ng ito.

      "Hay.... Napaparanoid na naman ako. Makapag-asikaso na nga para pumasok." Tumayo na ko at pumasok ng kwarto para maligo.

       I know Kerko loves me. At hindi nya na ko iiwan ulit.

Lance & Luke

       "Lance! Ang sipag mo ah. Kahit malayo tong location pumayag ka?" Luke.

      "Pasalamat ka pinsan kita. Kaya pumayag ako na ako ang photographer mo today." Lance.

      "Talaga lang ha. If i know nagpapalakas ka lang sa daddy ni Lyhmie eh." Luke.

      "Well, kasama na rin yun para naman kapag ini-announce na ang engagement namin, she'll be proud of me." Nakangiting sabi ni Lance.

      "Tsk! Ikaw na inlove." Luke.

      "Bakit ikaw din naman ah. The question is kanino? Kay Eula o kay Kishy?" Nakangising tanong dito ni Lance.

      "Eula and I, we' re just friends. Pero si Kishy..... I guess i like her." Pag-amin ni Luke.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon