Chapter 53: Looks like a Family.

16 2 0
                                    

Lizhen

       
           "Anak, behave ka dun sa work ni Mommy ha. Wala si tita kaya hindi kita pwedeng iwan ni mommy dito sa bahay." Bilin ni Lizhen sa anak habang inaayos ang damit nito.

       "Yes, mommy. I'll behave." Zeena.

       "Very good. Let's go." Inakay na ni Lizhen ang anak palabas ng bahay nila. She lock their house saka umalis with her daughter.

       Wala syang choice kundi isama ito sa trabaho dahil may importanteng pinuntahan ang kapatid nya.

       Pagkarating sa office wala namang naging problema si Lizhen. Mabait at hindi malikot si Zeena kaya nakapagtrabaho sya ng maayos. Plus nag-enjoy pa ito sa mga katrabaho nya na kumakausap sa anak nya paminsan-minsan at binibigyan ito ng candies at iba pang pagkaen na pambata.

      Not until kaylanganin nyang pumunta sa factory mismo ng mga gamot nila para samahan si Dr. Bryle.

      "Naku! Panu kaya toh? Hindi ko naman pwedeng iwan dito si Zeena." Namomoblemang nag-iisip si Lizhen ng gagawin.

      "Isama mo nalang si Zeena. May sasakyan naman si Doc di ba?" Suggest ng isa sa mga katrabaho nya na si Jill.

      "Oo nga. Tsaka mabait naman itong si Zeena eh." Sang-ayon ng isa pa na si Maita.

      "Nakakahiya naman kay doc kung may kasama pa kong anak sa oras ng trabaho." Lizhen.

      "Mabait naman si doc bryle kaya okay lang yan." Jill.

      "Hay.... Bahala na nga. Halika anak sama ka nalang kay Mommy." Binitbit ni Lizhen ang bag at mga gamit ng anak.

      Paglabas nya ng building n opisina nila nakita nya si Bryle na naghihintay sa labas ng kotse nito. At napatingib ito sa kay Zeena ng makita syang palapit dito.

      "Ahm.... Doc, pasensya na. Wala akong mapag-iiwanan sa anak ko kaya isasama ko nalang sya." Nahihiyang sabi ni Lizhen dito.

      "Wow! Doc pogi ikaw ba yan? Sakanya tayo sasama mommy? Yehey!" Tuwang-tuwang sabi ni Zeena na ikinalaki naman ng mga mata ni Lizhen.
 
      "Zeena! Shhhh... Stop it. Nakakahiya." Saway ni Lizhen sa anak.

     "It's okay." Bryle.

     Napatingin dito si Lizhen. Hindi nya kase alam kung yung sagot ni Bryle ay para sa paghingi nya ng pasensya sa sinabi ng anak nya o yung fact na kasama nila ito sa pagpunta sa factory ng mga gamot ng company nila.

        "It's okay na sumama ang anak mo saten. And okay lang ang sinabi nya." Bryle said na nabasa yata ang iniisip ni Lizhen."Hi, Zeena! How are you?" Nakangiting tanong ni Bryle dito.

      "Im fine, doc. Thank you." Bibong sagot naman ni Zeena dito.

      "That's good. Iniinum mo ba ang mga vitamins mo?" Tanong ulit ni Bryle.

      "Opo! Iniinum ko din po palagi ang gatas ko at natutulog na rin po ako ng maaga." Zeena.

     "Very good. Ahm... Let's go?" Bumaling si Bryle kay Lizhen na medyo nagulat.

      "O-Okay. Anak, let's go. Behave ha." Bilin ni Lizhen sa anak saka ito inakay pasakay sa likuran ng kotse ni Bryle.

      "Ahm.... Excuse me." Pigil ni Bryle kay Lizhen.

      "Yes, doc?" Nagtatakang tanong dito ni Lizhen.

      "Magmumukha akong driver kung dyan kayo sa likod." Bryle.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon