Dewey"Dewey, are you okay? You look pale." Puna saken ng co-nurse na si Zia na kashift ko tonight.
"Ayos lang ako. Medyo puyat lang the other night. Tapos straight shift pala ko ngayon. Kaya heto haggard ang beauty ko." Nakangiting pabirong sabi ko kahit deep inside sobrang sama na ng pakiramdam ko.
"Hay naku. Dapat nagpapahinga ka rin. Hindi mo dapat inaabuso ang sarili mo noh. You know how demanding our work. Bigla tayong pinagduduty kahit off natin o minsan straight duty. Kaya dapat nagpapahinga ka kapag may time." Tuloy-tuloy na talak ni Zia. Inatake na naman sya ng pagkataratitat nya.
"Yes, ma." Sarcastic na sabi ko sakanya.
"Tse! Im just concern noh. Tignan mo nga yang sarili mo. Ang putla mo." Zia.
"Dont worry makakapagpahinga naman ako mamaya eh. Remember off ko tomorrow?" I said para matahimik na sya.
"Mabuti naman. No gimik muna ha." Zia.
"Yes, Mama Zia." Matamlay kong sagot sakanya. Wala talaga kong energy na makipagkulitan sakanya.
"Alam ko na ikukuha kita ng gatas sa cafeteria o energy drink? Papunta ako doon ngayon eh." Zia.
"Energy drink nalang. Mag-rarounds pa ko baka antukin ako kapag uminom ako ng gatas." Mahirap na baka matulog ako baka maextend pa ang shift ko.
"Okay. I' ll go ahead. Pagbalik ko na ang energy drink mo." Zia said saka umalis.
"Hay..... Matatahimik na rin dito sa wakas." At dahil ako lang ang tao sa nurse station itinaas ko ang mga binti ko at ipinatong ko ang mga paa ko sa mesa. Pagod na sumandal ako sa upuan saka pumikit ako.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako. At nagising ako ng marinig ko ako na may mga taong nag-uusap.
"Is she okay? Kanina pa ba sya natutulog in that position? Mangangalay ang leeg at likod nya." I heard na sabi ng boses lalake.
"Mga 30 minutes na rin mula ng iwan ko sya. I guess kanina pa sya nasa posisyon na yan. Masama kase ang pakiramdam nya kaya siguro sya nakatulog." I guess its Zia and the guy is Russel.
Nakakainis! Hindi ko alam kung magpapangggap pa ko na natutulog o ididilat ko na ang mga mata ko. Hihintayin ko nalang siguro na umalis ang Russel na to. Kaso nangangalay na ko.
"Forsure mangangalay sya. Anong oras ang tapos ng shift nya?" Russel.
"An hour from now, Sir." Zia.
"Can i take her?" Tanong ni Russel.
Ano daw? Take me?
"I guess gisingin nalang po natin sya, Sir?" Zia.
Tama! Gisingin mo nalang ako, Zia! Sigaw ko sa utak ko.
"You said masama ang pakiramdam nya right? Baka pwede ko ma syang iuwi. Can i talk to your head?" Russel.
Waaahhhh!!!! Ano bang pinagsasasabi nya!
"Ahm.... Sir...." I heard na nag-aalangan din si Zia.
Hindi na ko nakatiis at pareho silang nagulat ng bigla akong bumangon.
"Ang ingay nyo!" Galit-galitan kong reklamo sa kanila.
"Dewey! Pasensya na ha nagising ka namin. Pero mas okay na rin kesa si Head nurse ang nakakita sayo." Zia.
"I guess tama ka. So, dapat akong magthank you sainyo?" Peke ang ngiting sabi ko napailing nalang si Zia sabay nguso saken sa taong nasa harapan ng nurse station.
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
General FictionActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...