Chapter 144: Pressured

14 1 2
                                    


*****

     Dahil day off ni Cons sa hotel, naisipan  nyang samantalahin ito para mag-inventory sa grocery store nila. But she is not alone. Dahil ang walang magawang businessman na si Jerry ay present para tulungan sya. Pero napansin ng dalaga na kanina pa natutulala at wala sa sarili ang binata.

       "Ui! Anong problema? Tulala lang ang peg?" Hindi na nakatiis si Cons at nilapitan ito. "Ang lalim nyan ah. Share mo naman saken." Pabirong sabi pa nya sa binata.

       Napabuntong-hininga pa si Jerry bago magsalita. "Pakasal na tayo." Walang abog na sabi nito na ikinanganga ni Cons. "Unahan na natin sina Russel o Luke na magpakasal." Dagdag pa ng binata.

      "Hala sya! Makapag-aya ka ng kasal, akala mo ganun-ganon lang yon?" Cons said ng makabawi sa pagkabigla. "Dont tell me napressure ka sa pang-aasar nila sayo last night sa gettogether nyo?"

     "Tsk! Totoo naman eh. Napag-iiwanan na nila ko." Jerry.

     "Hindi parin naman kasal si Russel ah." Cons.

      "Atleast engage na sila. Pwede na silang magpakasal, kung kaylan nila maisipan. Dapat pala magpropose na rin ako sayo eh." Jerry.

    "Haha! Nakakatawa ka." Natatawang hinampas ng mahina ni Cons sa braso si Jerry. "Hindi ka dapat napepressure. Kase darating din naman tayo dyan. Hindi pa nga lang sa ngayon."

     "Why not?" Salubong ang kilay na tanong ni Jerry.

    "Kase po bago palang naman tayo. We have to take things slow. Hindi natin kaylangang magmadali. Just because napagiiwanan ka na ng mga kaibigan mo noh." Paliwanag ni Cons sa binata.

      "Sabi mo nga doon din naman tayo pupunta di ba? Why not lets get married na agad?" Jerry.

     "Sabi ko nga bago palang tayo di ba? Let's enjoy our relationship as boyfriend and girlfriend muna. Kase iba na kapag married couple na noh. Dont be pressure okay? I will marry you forsure. Pero hindi pa ngayon." Naglalambing na yumakap si Cons sa tagilan ng binata habang pinapaliwanagan ito.

     "Sinabi mo yan ha. Pakakasal ka saken. Hindi pa lang sa ngayon. Wala ng bawian." Jerry.

     "Haha! Oo na po." Cons.

      "Okay. Let's finish this. Para makapag-date na tayo." Jerry said saka hinalikan si Cons sa noo nito bago bumalik sa ginagawang pagbibilang ng mga stocks sa grocery store nila Cons.

     Nangingiti namang bumalik na rin si Cons sa ginagawa.

*****

        

     "Mukhang nag-enjoy kayo sa party last night ah." Lizhen commented ng magkita-kita ang mga ito para mag-snack sa cafe sa hotel.

      "Oo. Kaya lang medyo nakakapressure." Dewey.

      "Bakit naman, Ate?" Lyhmie ask.

     "Well, dahil engage na kame ni Sweetie ko, ini-expect na nila ang wedding soon. Eh, kahit naman naghahanda na kame kahit papaano. Marame pa kameng dapat asikasuhin." Dewey.

     "Kung pressure kayo ni Russel, paano pa sina Jerry at Cons noh." Neshien.

     "Sabagay. Mukha ngang napressure si Jerry sa panunukso ng mga kaibigan nila eh." Dewey.

     "But we heard na pressure na rin kayo ni Leon. Kase, their colleauge is expecting a baby na from you two." Nanunuksong sabi ni Kishy.

      "Parang alam ko na kung kanino mo yan narinig." Neshin said while glaring at Dewey.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon