Chapter 7: The Cold Doctor

21 2 1
                                    

Lizhen

          Nasa kalagitnaan ako ng magandang panaginip ng gisingin ako ng maingay na tunog ng alarm clock sa tabi ng bedside table.

      Napa-inat ako at kinapa ang katabi ko.

     Huh?

       Napadilat ako ng maramdam ko kung gaano kainit ang katabi ko. Bumangon ako at dinama ang noo ng anak ko.

      Napasinghap ako. Sobrang init nya. Inaapoy ng lagnat ang anak ko. 

        "Zeena! Zeena! Anak, wake up! " Tarantang kinarga nya ito."Dadalhin ka ni Mommy sa ospital ha."Lyn! Lyn! Pumunta ka dito. Si zeena inaapoy ng lagnat." Tawag nya sa kapatid nya mula sa kabilang kwarto.

      Humahangos na pumasok ito ng kwarto nilang mag-ina.

     "Bakit ate? Anong nangyare? Kagabi naman okay sya ah." Lyn.

    "Hindi ko alam. Basta maghanda ka ng mga gamit nya dadalhin natin sya sa ospital. Mauna na ko sa labas tatawag ako ng sasakyan." Bilin dito ni Lizhen bago isukbit ang bag at kinarga ang anak.

     "Mo....mmy......" Halos bulong na tawag ng anak nya sakanya.

   "Baby... Nandito lang si Mommy. Dadalhin kita sa doktor para magamot ko. Diyos ko! Bakit ganyan kataas ang lagnat mo?" Sakto namang may dumaang tricycle paglabas nya ng gate nila."Lyn! Bilisan mo! May sasakyan na dito!" Sigaw nya sa kapatid.

       "Andyan na ate!" Tumatakbo din itong lumabas ng bahay at isinira ito saka sumakay ng tricycle.

     "Manong, sa pinakamalapit na clinic po bilis!" Tumalima naman ang driver. "Lyn, May cool fever sa bag nya di ba? Ilabas mo, ilagay mo sa noo nya." Lizhen. 

   "Oo, Ate." Kinuha nito sa bag ang inutos ng ate nya at saka inilagay sa noo ng pamangkin.

     "Ate, relax. Magiging okay din
  si Zeena." Pagpapakalma sakanya  ni Lyn.

    "Ngayon lang sya nilagnat ng ganito kataas eh. Ano bang ginawa nya kahapon?" Tanong nya sa kapatid.

     "Wala naman. Pagkagaling sa school naglaro lang sya sa bahay. Masigla pa nga sya pagdating mo diba?" Lyn.

     
     "Bakit kaya sya nilagnat ng ganito kataas? Baby.... Malapit na tayo sa ospital ha. Gagaling ka na." Bulong nya sa kalong -kalong na anak.

     Nang marating nila ang pinakamalapit na ospital nagbayad agad sya sa driver ng tricycle at patakbo ng pumasok sa ospital.

     Inasikaso naman agad sila ng mga nurse na naroon.

    
     "Ang taas ng lagnat nya. Dito po tayo tatawagin ko lang po si Doc." Sabi ng isang nurse sakanila.

     "Salamat." I said to her. Inasikaso naman ng isa pang nurse na naiwan doon si Zeena.

      May nag-check ng temperature nya, may magkakabit ng IV, etc. Maya-maya may dumating na doktor. A guy doktor na mukhang bata pa. Chineck nya si Zeena. Bago humarap samen.

      "Kaylan pa sya may lagnat?" Tanong nito.

      "Kanina ko lang po nalaman na may lagnat sya. Kagabi okay naman po sya, doc." Sagot ko dito.

      "We have to conduct a laboratory test. Para makasigurado. May mga nauna na kasing pasyente na tulad nya din ang mga sintomas." Paliwanag nito.

    "Sintomas ng anu, doc?" Kinakabahang tanong nya sa doktor.

    "Dengue." Seryoso paring sagot nito.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon