Chapter 49: Power Tripping

15 2 0
                                    

Cons

        "Haha! Ang weak nyo naman pala eh. Ang babagal nyong lumangoy. Pool palang to ha. Panu kung sa dagat pa?" Nakapamewang at tumatawa kong sabi pagka-ahon ko sa pool.

      Nagkakerara kase kameng lima at ako ang nauna.

      "Ikaw na ang serena ate cons." Umahon na rin si Lyhmie ng makarating sa dulo ng pool.

      "Napagod lang tayo." Reklamo naman ni Dewey.

     "Haha! Okay na rin toh. Atleatlst naexercise tayo." Kishy.

    "Oo nga. Hay.... This is life. Eenjoyin ko lang siguro ang nga benefits ng pagpapanggap namin para hindi naman ako talo." Sabi ni Neshien na nagflofloating sa pool.

     "Pero what if may isang mafall sainyo habang nagpapanggap kayo?" Tanong ko kay Neshien.

     "Good question ate cons. May possibility na may mafall sainyo. Gwapo si kuya Leon. Maganda ka." Lyhmie.

    "Haha! Mga baliw! Imposibleng mangyari yan noh." Natatawang napahampas pa sa tubig si Nehien.

     "Bakit naman imposible?" Kishy.

     "Kase kahit maganda at sexy ako, secretary nya lang ako. Samantalang sya isang sucessful at sikat na business tycoon. Isa pa ang cold nya kaya paano ako maiinlove sa isang yon noh!" Neshien said rolling her eyes.

      "So what kung secretary ka? Ang hirap kayang maging secretary." Cons.

     "Lalo na kung cold at napaka-demanding ng boss mo." Neshien.

     "Haha! Abangan nalang natin ang susunod na kabanata. But for now mukhang kaylangan na nating umahon?" Napatingin kame sa tinitignan ni Kishy.

      And woah! May mga  model na naglalakad palapit sa kinaroroonan namin. Pero napasimangot ako ng makalapit na sila samen at magsalita ang bwisit na si Jerry.

       "Enjoying yourself? Isinama kita dito para ipagluto ako ng pagkaen ko kapalit ng isang buwang paglilinis mo sa condo ko right? At kanina pa ko nagugutom." He said looking at me.

     "Pasensya na po kamahalan. Ipagluluto na po kita. Ano pong gusto nyong kainin? Kamahalan." Sarcastic na sabi ko sakanya.

     "I said stop calling me that!" Jerry hissed.

     "Guys, maiwan ko muna kayo magluluto muna ako." Pagkasabi ko non nilagpasan ko sya.

        Pero mukhang wala syang balak na patahimikin ang mundo ko. Dahil sumunod sya saken sa kitchen.

       "Hindi ka ba magbibihis muna?" Narinig kong sabi nya habang busy na ko sa pagkalkal sa laman ng ref.

      "Babalik pa ko don pagkatapos kitang ipagluto, Sir." Tinignan ko sya saglit saka ko ipinagpatuloy ang paghahanda para sa iluluto ko.

      "Magbihis ka muna. Saka ka magluto." Napatingin ako sakanya dahil inawat nya ang kamay ko sa paghuhugas ng karne.

       "Sir, magsuswimming pa nga ako. Kaya bakit ako magbibihis?" Naiinis na sabi ko.

      "Basta sinabi kong magbihis ka. Kaya magbihis ka. Saka mo ko ipagluto. Or else dadagdagan ko ang parusa mo. Bilis nagugutom na ko." Seryoso ang pagkakasabi nya at mukhang wala syang balak na bitiwan ang kamay ko.

     Napabuga ko ng marahas ng hangin saka ko tinanggal ang kamay nya.

     "Masusunod po kamahalan." Inirapan ko sya saka ako nagdadabog na lumabas ng kusina paakyat sa second floor para magpalit ng damit sa kwarto. "Bwisit! Ang dame nyang arte!" Inis na hinalungkat ko ang maleta ko. Then pumasok ako sa banyo para magbihis.

      Nakasimangot na bumalik ako sa kusina at inumpisahan ko na ang pagluluto. Nandito parin sya at parang walang balak umalis. Hindi tuloy ako makapagconcentrate sa pagluluto.

       "Sir, tatawagin ko nalang kayo kapag luto na ang pagkaen nyo." Plastic ang ngiting humarap ako sakanya.

     "No. I'll stay here. Baka haluan mo pa ng gayuma o lason yang niluluto mo. At pwede bang wag kang sumimangot. Baka sumama ang lasa nyang pagkaen." Sabi nya na prenteng nakaupo habang nakacross arms na pinapanood ako sa pagluluto.

       Lumanghap muna ako ng hangin bago magsalita.

      
        "Wag po kayong mag-alala, Sir. Wala akong ilalagay na ganun sa pagkaen nyo. Una, wala ako nun. Pangalawa,what should i do that? Pangatlo, paano akong hindi sisimangot? Eh, your annoying me." Hindi ko napigilang sagot ko sakanya.

      "Im annoying you? Im just sitting here." Painosenteng sabi nya.

      "Tsk! Hayaan mo nalang akong magluto ng mapayapa okay?" Saka ko sya tinalikuran. Pinagpatuloy ko ang pagluluto ignoring his presence.

        Maya-maya pa tapos na kong magluto. Pinaghain ko na sya sa mesa para makaalis na ko.

       "Enjoy eating, Sir." Sarcastic kong sabi. Paalis na ko ng magsalita sya.

       "Saan ka pupunta? Sit here and eat with me." Jerry.

       "Thank you, Sir. Pero busog pa po ako." Nakangiti kong sabi sakanya saka ako pumihit paalis.

      "Ayokong kumaen ng mag-isa. Saluhan mo ko. And its an order as your boss, Ms. Blanca." He said with authority.

     Napapikit ako ng madiin at huminga muna ng malalim bago humarap sakanya with plastic na ngiti.

       "Okay po, Sir." Kumuha ako ng plato saka ako naupo sa silyang katapat ng kinauupuan nya.

      "Good. Let's eat." He said saka nag-umpisa ng kumaen.

      Inenjoy ko nalang ang pagkaen at inignore ang inis ko sakanya. Paubos na ang pagkaeng sinandok ko ng lagyan nya ng pagkaen ang plato ko.

     "Hey! Tapos na kong kumaen. Busog na ko. Bakit mo nilagyan ulit ang pinggan ko." Reklamo ko sakanya.

      "Eat more. Para magkalaman ka naman." He just said saka sumubo uli ng pagkaen.

     "Hindi ako payat!" Palag ko naman sa sinabi nya.

     "Just eat okay." Jerry.

     "Hah! Are you power tripping?" Naiinis na tanong ko sakanya.

    "Power what?" Salubong ang kilay na tanong nya saken.

      "Psh! Ginagamit mo ang pagiging boss mo para utos-utusan ako. Mag-reresign na ko!" Inis na napatayo na ko.

      "You can't do that." Jerry.
     
       "Bakit naman hindi?" Nakapamewang kong tanong sakanya.

       "You sign a contract sa hotel. Gusto mo bang mademanda?" Kaswal lang ang pagkakasabi nya. Hindi naman ako nakasagot.

        Asar! May problema pa ang grocery store namin. Kaya kahit gusto ko syang sagutin nanahimik nalang ako.

       "Now, sitdown and eat again." Nakangisi nyang sabi na lalo kong kinainis.

     Pero pinigilan ko ang sarili ko. Padabog na naupo ako ulit saka kumaen.

       "Verygood." Ngiting tagumpay ang bwisit.

      Sunod-sunod ang ginawa kong pagsubo ng pagkaen. Ibinuhos ko ang inis ko sakanya.

     "Dahan-dahan baka mabulunan ka." Jerry.
  
     Tinignan ko lang sya ng masama saka ko ipinagpatuloy ang pagkaen. May araw din sya saken.

      Asar! Sira ang diet ko!

A.N: Vote and comment. Thanks.

          Josahannbercasio.

     
     

     

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon