Chapter 89: Lunchdate

18 2 3
                                    


         "Salamat sa tulong ha. Kung hindi mo ko inihatid baka hindi ako umabot sa kliyente namin kanina." Sincere na sabi ni Lizhen kay Bryle.

          May kliyente kase syang dapat i-meet pero inabot sya ng kamalasan. Una, flattire ang company car nila. Pangalawa, traffic. Kaya kamuntik na syang hindi makaabot. Importante pa naman ang mga gamot na i-dedeliver nya sa kliyente. Mabuti nalang nakita nya si Bryle sakay ng kotse nito ng napag-desisyunan nya na lakarin nalang sana. And it happens na may alam na short cut ang binata kaya nakaabot sya sa usapan nila ng kliyente.

         "It's nothing. Atleast nakabawi na rin ako sa pagsama mo saken sa charity ball." Bryle.

       "Anu ka ba! Wala lang din yun ano. Kaso baka naabala ko na ang schedule mo." Lizhen.

      "Hindi naman. Actually im free today. Kaya walang problema." Bryle.

        "Ganun ba? Mabuti naman. Alam ko na! Ililibre nalang kita ng lunch." Lizhen.

       "You dont have to. But if you insist, sige. Let's have lunch. Tamang-tama gutom na rin ako eh." Nakangiting hinimas ni Bryle ang tyan.

       "Sige, lunch tayo. Pero okay lang na doon tayo kumaen sa hindi ganon kamahal? Yung kaya lang ng budget ko? Alam mo na may anak akong binubuhay." Nahihiyang sabi ni Lizhen sa binata.

       "Yeah. Kahit saan ayos lang saken. Let's go? Ituro mo nalang saken ang daan." Bryle.

      "Okay." Lizhen.

        Bryle started the car engine and drive. Habang sinasabi naman sakanya ni Lizhen ang direksyon ng pupuntahan nila.

        And after a minutes narating nila ang isang kainan.

       "Simple na tong place but i assure you masarap ang pagkaen dito." Pagbibida ni Lizhen habang papasok sila sa kainan.

      "Let see. Mukha namang okay dito." Bryle na nakasunod lang sa dalaga.

        Naupo sila sa pandalawahang mesa then umorder ng may lumapit ng waiter sakanila.

        "I can't wait to taste the food. Naaamoy ko palang yung mga pagkaen sa ibang mesa parang masarap na eh." Bryle.

        "Wait until you taste it." Natatawang sabi ni Lizhen.

        At nang i-serve nga sa kanila ang mga inorder nila.... Halos hindi makausap ni Lizhen si Bryle dahil sa sarap ng kaen nito.

      "Hay.... Busog na busog ako. Balewala na yung pagod ko kanina. Ui! Huminga ka naman." Natatawang puna ni Lizhen sa kasama.

       "I can't say anything. Namiss ko bigla ang lola ko because of this food. Ganito rin sya kasarap magluto eh." Bryle na busog na busog na uminom ng tubig.

       "Wow! Talaga? Buti nagustuhan mo ang mga pagkaen dito. Atleast sulit ang panlilibre ko sayo today." Lizhen.

      "Yeah. Thanks for bringing me in this place. At salamat sa treat. Next time kain ulit tayo dito pero sagot ko naman. Pwede mo ring isama si Zeena at yung kapatid mo." Bryle.

      "Naku! Matutuwa yon. Actually bukambibig ka nya eh." Lizhen.

      "Talaga?" Bryle.

       "Oo. Gusto nya daw maging doktor like you someday." Lizhen.

       "Your daughter is smart and adorable." Bryle.

       "At maganda pa. Just like her mommy. Ay! Pasensya na. Ang feeling ko sa part na yun ah.hehe..." Nahihiyang sabi ni Lizhen.

       "Totoo naman eh. Maganda ang mommy kaya maganda ang anak." Nakangiting sabi ni Bryle.

      "Hehe.... Salamat. Ahm... Wait, itatanong ko lang yung bill natin." Saka nagmamadaling tumayo ang namumula ang pisngi na si Lizhen. Pumunta sya sa counter para hingiin ang bill nila instead na tumawag ng waiter para makaiwas sa tingin ni Bryle.

        "Ang cute nya." Nangingiti namang sabi ni Bryle habang sinusundan ng tingin si Lizhen.

        Umalis na rin sila pagkabayad nila sa kinain nila. Inihatid na rin ni Bryle si Lizhen sa trabaho nito.

       "Salamat talaga ha. Inihatid mo pa ko hanggang dito." Nahihiyang sabi ni Lizhen.

      "Your welcome. Dont think about it. Basta next time treat ko kayo ng lunch sa place na yon. And i wont take no for an answer." Bryle.
       
     "Hehe.... Sige. Ingat sa pagmamaneho. Bye!" Nagmamadali ng lumabas ng kotse si Lizhen saka patakbong pumasok sa loob ng building ng kompanyang pinagtatrabahuhan nya.

       "Im looking forward for more lunch with you." Nakangiting sabi ni Bryle sa sarili saka pinaandar ang kotse at umalis na.

******

       Inulan naman si Lizhen ng panunukso ng mga katrabaho nya.

       "Eeeeee!!!!! ang gwapo  naman ng knight in shining armor mo." Maita.

       "Oo nga. At ang bait pa. Imagine sinamahan ka nya at inihatid pa pabalik dito." Jill.

       "Knight in shining armor ka dyan. Nahihiya nga ako sakanya eh. Naabala ko sya. Baka mamaya may ibang plano pala sya." Lizhen habang inaayos ang mga papel sa table nya.

       "Mukha namang hindi ka istorbo sakanya eh. Nakapag-lunch pa nga kayo eh." Jill.

       "Oo nga. At mukha namang nag-eenjoy sya sa company mo eh." Maita.

       "Naman! Inaya pa nga sya na maglunch ulit sila di ba?" Jill.

       "Kase nagustuhan nya yung pagkaen doon. Yun lang yon ano." Lizhen.

       "Dont be so dense, Lizhen. Obvious naman na type ka ni Doc Bryle noh." Maita.

      "Korak! And if i were you hindi ko na sya pakakawalan noh. Total package na sya plus mukhang tanggap pa nya ang anak mo." Jill.

      "Grabe ang imagination nyo ha. May gagawin pa ko kaya tsupi na." Lizhen.

       "Think about it, Lizhen. Kase kame super boto sakanya for you." Kinikilig pang sabi ni Maita saka bumalik sa cubicle nito.

       Napailing nalang  si Lizhen saka naupo na para tapusin ang mga dapat nyang tapusing trabaho. Pero deep inside naiisip nya si Bryle at ang mga sinabi ng mga katrabaho nya.

            After ng office hour pauwi na si Lizhen ng tumunog ang phone nya.

         Nagmamadaling kinuha nya mula sa bag nya ang phone.

       At medyo nadissapoint sya ng hindi ang ini-expect nya ang nagtext sakanya. Pero nag-alala sya ng mabasa ang text message. Kaya tinawagan nya ito.

        "Hello?.... Yumie! Kamusta si Heshin? Totoo ba yung nabasa nyong article sa magazine?" Tanong ni Lizhen sa nasa kabilang linya.

        "Umiiyak parin sya. Yung sa magazine si Kerko lang ang makakapag-confirm nun. Papunta  na sila dito. Ikaw pumunta ka nalang kung pwede ka okay? Bye, kaylangan ko pa tong aluin eh." Then nawala na sa kabilang linya si Yumie.

        "Hay... Kawawa naman si Heshin. Tatawagan ko nalang muna si Lyn." She decided na pumunta na rin para damayan si Heshin.

A.N: Vote and comment. Thanks.

         Josahannbercasio
     
      

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon