"Hindi kaya maging mapait yang niluluto mo?" Narinig ni Dewey na comment ni Russel na nakasandal sa kitchen counter.Habang si Dewey ay nakasimangot habang nagluluto ng lunch.
"Kung pwede lang lagyan ng lason tong niluluto ko ginawa ko na noh." Sabi ni Dewey na hindi lumilingon dito. Patuloy lang ito sa paghahalo sa niluluto nya.
"It's okay. Kakain ka rin naman nyan. Kaya kung okay lang sayong malason, why not?" Russel.
Hindi na nakatiis si Dewey nilingon nya na ang binata at tinignan ng masama.
"Pwede ba! Dun ka na nga lang sa kwarto mo. Tatawagin nalang kita kapag kakaen na, kamahalan." Sarcastic na sabi ni Dewey.
"Tsk! Boring dun. Gusto ko dito." Nakangising sabi ni Russel.
"Hah! Kung gusto mong makakaen ng maayos, tigilan mo ko ha! Pasalamat ka nga pinagluluto pa kita eh. Samantalang nurse ako. Hindi mo ko yaya!" Inis na talak dito ni Dewey.
"Like what you said. Nurse kita. Kaya tungkulin mo na alagaan ako. Malamang kasama dun ang pakainin ako." Russel said na hindi natitinag sa pagtataray ng dalaga.
"Ewan ko sayo!" Pinagpatuloy nalang ni Dewey ang pagluluto.
Hanggang matapos syang magluto at maghain nakatayo lang doon si Russel at pinapanood sya.
"Talagang pinanood mo lang ako enoh? Hindi mo man lang ako tinulungang maghain." Reklamo ni Dewey.
"Bawal akong mapagod sabi ng doktor ko." Russel.
Napabuga nalang ng hangin si Dewey.
"Kumaen ka na, Kamahalan. Para mainum mo na yung mga gamot mo." Dewey.
Naupo naman si Russel saka tumingin sa dalaga. "Hindi mo ko sasaluhan?" Tanong nito.
"Ayoko. Baka mawalan ako ng gana. Hihintayin nalang kitang matapos." Naupo si Dewey sa isang bakanteng silya pero hindi sya naglagay ng pagkaen sa plato na nasa harapan nya.
"Seriously? Panonoorin mo lang talaga ako?" Russel.
"Oo." Dewey.
Naiiling nalang na naglagay ng pagkaen sa pinggan nya si Russel saka ito nag-umpisang kumaen.
Napatuwid ng upo si Dewey ng makita nya ang sunod-sunod na pagsubo ni Russel.
"Ang sarap kong magluto noh?" Proud at nakangiting sabi ni Dewey.
"Hmm... Pwede na." Russel.
"Anong pwede na? Masarap naman ah." Dewey.
"Medyo maalat yung sabaw eh." Russel.
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
General FictionActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...