Chapter 43: Jellying

20 2 0
                                    

          "Haha! Grabe ka Heshin. Kawawa naman yang cake. Niluray mo na." Tawa ni Kishy ng makita ang itsura ng cake na nasa harapan ni Heshin.

        Dahil magka-chat sila kanina ng magpunta ito kay Kerko at magselos sa babaeng nadatnan nito sa kwarto ni Kerko. Sya ang naaya nito sa malapit na coffee shop.

       "Feeling ko itong cake na to yung haliparot na yon eh! Ang kapal ng mukha nyang halikan ang kerko ko! At ang lalakeng yon nagpahalik naman." Gigil na sabi ni Heshin.

      "Sa pisngi lang naman noh. Tsaka humalik lang siguro sya kay Kerko kase nagpaalam sya na aalis na sya." Kishy.

      "Kaylangan pang humalik? Pwede namang beso nalang. Tapos wagas pa silang magtawanan. Alam naman nila na nasa kwarto lang ako." Heshin.

      "Masamang tumawa heshin? You know what you're just jealous eh. Dapat pinag-explain mo sya. Instead na nagwalk out ka." Kishy.

       "Di ba dapat saken ka kampe?" Heshin.

       "Haha! Sayo naman ako kampi eh. Ang saken lang imbes na tumakbo ka dapat inayos nyo yan para hindi na lumaki pa." Kishy.

      "Hmp! Ayoko muna syang makaharap. Nakakainis sya." Heshin.

       "Fine. If thats what you want. Sumama ka nalang muna saken sa studio. Hindi na naman tuloy ang lakad nyo di ba?" Kishy.

      "Sige. Sasama nalang ako sayo. Paano pa yun matutuloy? Eh, inis na ko sakanya." Heshin.

      "Hindi mo ba talaga sasagutin yang tawag nya?" Tanong ni Kishy sabay turo sa phone ni Heshin na nasa mesa at kanina pa nagriring.

      "Hindi. Manigas sya. Let's go." Aya ni Heshin kay Kishy na tumayo na.

      "Okay. Tara lets!" Tumayo na rin si Kishy.

       Bitbit ang kape nila lumabas na sila ng coffee shop. Pumara sila ng taxi para magpahatid sa studio. Pasakay na si Kishy sa taxi ng pigilan sya ni Heshin.

      "Kishy, wait!" Pinigilan ni Heshin si Kishy sa braso.

      "Bakit? Balak mo bang balikan yung niluray mong cake?" Tanong dito ni Kishy.

     "Hindi. Si Luke yon di ba?" Sabay turo ni Heshin sa may parking ng coffee shop.

      Nakita ni Kishy si Luke na pinagbuksan ng kotse ang isang babae. At inalalayan nya rin ito sa siko hanggang sa pagpasok sa coffeeshop at nagtatawanan pa ang dalawa.

      "Infairness ang ganda nung girl ha. Sino yon? Kilala mo?" Heshin.

      "Hindi ko sya kilala eh. Let's go." Nakangiting aya ni Kishy kay Heshin na nauna ng sumakay sa taxi. Sinabi nito sa driver ang location nila saka nag-pasak ng headset sa tenga.

      "Ay, soundtrip? May recording kayo ngayon? Eh, bakit mukhang nakikipagdate pa si Luke?" Heshin.

      "Baka saglit lang sila ng kasama nya tapos papunta na rin sya ng studio." Kishy.

       "Okay. Haist! Naiirita talaga ko sa Kerko na toh! Tawag parin ng tawag." Inis na ini-off nalang ni Heshin ang phone nya.

      "Bakit kase hindi mo nalang kinausap?" Kishy.

      "Ayoko." Heshin.

       Tinawanan nalang ito ni Kishy.

       Pagkarating nila sa building kung nasaan ang recording studio, dumiretso sila sa opisina ng manager ni Luke.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon