Cons"Mabuti naman medyo okay na ngayon si Heshin." Cons.
"Oo nga eh. Mabuti nalang marame syang ginawa ngayon sa school kaya nalilibang sya. Bwisit naman kaseng Kerko yon eh! Pwede naman syang tumawag para magpaliwanag kay Heshin." Neshien.
"Bakit pa kase sya nanligaw kay Heshin kung aalis din naman pala sya." I said habang inaayos ang bedsheet ng kama. "Wait nga. Bakit ka nga pala nandito sa kwartong nililinis ko?" Tanong ko kay Neshien na prenteng nakaupo sa couch. Sya na asawa ng CEO.
"Kase naman naiilang akong magstay dun sa opisina eh." Neshien.
"Bakit naman?" Kunot ang noong tanong ko sakanya.
"Alam ko na ngayon yung feeling ni Yumie." Neshein.
"Ha? Ang labo mo. Anong konek nun sa tanong ko?" Lalo akong naguluhan sa sagot nya eh.
"Alam mo yung feeling na mas gusto mo na nagsusungit at nagsusuplado sya sayo kesa naman ang weirdo nya." Neshien.
"Wow! So, anong kaweirduhan naman ang ginagawa ni Sir Leon?" Nakapamewang na tanong ko.
"Kase naman eh! I know we have a deal. Pero hindi talaga ako sanay na sweet sya saken eh. Alam mo yon? Lagi akong nashashock sa tuwing aakbayan nya ko o hahalikan sa noo." Problemadong sabi ni Neshien.
"Paano pa kaya kung halikan ka nya sa lips?" Pang-aasar ko.
"Cons naman eh!" Reklamo ni Neshien na binato pa ko ng throw pillow.
"Uy! Wag ka ngang magkalat dyan! Hindi pa nga ako tapos dito eh. Baka naman kase naiinlove ka na sa asawa mo." Nakataas ang isang kilay na sabi ko kay Neshien na halos magkulay kamatis na ang mukha dahil sa sinabi ko.
"Cons! Ano ba yang pinagsasabi mo! Hindi ah! Hindi ako maiinlove kay Leon noh!" Neshien.
"Wow! Nasasanay ka ng tawagin sya sa first name nya ha." Panunukso ko pa sakanya lalo.
"Heh! Sya ang nagsabi nun para hindi kame mahalata noh. Makaalis na nga dito. Your not helping me eh." Namamaktol na tumayo sya saka umalis.
"Hahaha! Asar talo. Sooner or later mukhang sa totohanan din sila mauuwi. Huh?" Napatingin ako sa telepono na nag-riring. "Hello?...."
"Cons, iko-konek ko ang tawag ni Sir Jerry dyan sa kwartong nililinis mo ha. Bye!"
"Ha? Bakit? Wait!" Pero nawala na sa linya ang receptionist na si Hazel. "Great. Binabaan ako?" Biglang nag-ring uli ang phone. Dapat ba kong kabahan? For sure sya na to. "Tsk! Why should i? Hello....?" Sagot ko sa phone.
"Im here." He said sa kabilang linya.
"Ha? Anong im here? Nasaan ka, Sir jerry?" Nagtatakang tanong ko sa may topak naming boss.
"Im here at your office in the grocery store." Jerry.
"What?!?! Anong ginagawa mo dyan?" Shock na tanong ko sakanya.
"Let just say na binibisita ko lang ang isa sa new property ko." Jerry.
"Hah! At bakit kaylangan mong bisitahin yang grocery store namin aber? Nagbabayad naman kame ng renta ha." Mukhang wala na naman syang magawa.
"Gusto ko lang makasigurado na hindi sayang ang pagpapaupa ko sainyo sa lupa ko. And it seems na okay naman ang takbo ng negosyo nyo. Bakit kaylangan mo pang magtrabaho dyan sa hotel?" Jerry.
"Wala ka ng pakialam dun! Tsaka wag kang mag-alala dahil makakabayad kame on time sa upa namin sa lupa mo. At pwede ba kung wala kang magawa wag yang opisina ko ang pagtripan mo. Bye! Magtatrabaho pa ko." I was about to put down the phone ng awatin nya ko.
"Wait! May sasabihin pa ko!" Jerry.
"Anu naman yon?" Inis na tanong ko. Istorbo sa buhay imbes na tapos ko na ang paglilinis dito eh.
"May tumawag kanina and ako ang nakasagot." Jerry.
"What?!?! Bakit ka nakikialam? Bakit hindi mo nalang ibinigay kila Auntie!" Haist! Pakialamero.
"They seem so busy outside eh. Kaya ako nalang ang sumagot." Jerry.
"Psh! Bakit ba hindi ka nalang magtrabaho sa opisina mo instead na yang opisina ko ang pinagdidiskitahan mo?" Pagtataray ko.
"Teka nga! Boss mo ko ha! Bakit ganyan mo ko kausapin? Gusto mo ulit ng punishment?" Jerry.
"Ikaw kase eh! Umalis ka na nga dyan!" Inis na inis ng sabi ko sakanya.
"Hindi mo ba itatanong kung sino ang tumawaga?" Jerry.
Huminga muna ko ng malalim bago ko sya sagutin."Fine. Sino po ang tumawag, Sir?" Sarcastic na tanong ko sakanya.
"Tsk! Sabi nung tumawag taga-modelling agency sya. And he is asking kung payag ka na ba daw sa alok nila na lumabas dun sa commercial ng bagong product na inaalok nila sayo." Jerry.
I gasped "Oh my! A-Anong sinabi mo?"
"Sabi ko hindi ka pwede kase wala kang oras. Kase nagtatrabaho ka sa hotel." Parang tuwang-tuwang sagot ni Jerry.
"What?!?! Bakit mo sinabi yon!" Hindi ko na pigilan ang sarili ko na sumigaw.
"Hey! Dont shout at me! Im your boss." Jerry.
"Hah! Sorry boss ha. Pero bakit mo sinabi yon? Bakit ka nakikialam?" Naiinis kong sabi sakanya.
"Dont tell me tatanggapin mo yung alok sayo?" Tanong ni Jerry sa kabilang linya.
"Oo! Raket yun noh! Tsaka commercial yon. Ibig sabihin lalabas ako sa tv. Once in a lifetime opportunity lang yon! Tapos mawawala pa dahil sayo! Kainis!" Naiiyak sa inis na sabi ko.
"Hey! Baka nakakalimutan mo may trabaho ka sa hotel kaya paano mo yun magagawa?" Jerry.
"Bakit hindi naman buong araw ang shift ko dito sa hotel ah. Tapos may day off naman ako ah." I said.
"Hah! Demanding ang modelling. Hindi sila ang mag-aadjust for you. And besides magkakaroon tayo ng team building nextweek. Eh, they want to start the commercial as soon as possible. Kaya kahit anong sabihin mo hindi ka pwedeng umoo sa modelling na yan." Jerry.
"Hah! Mag-reresign na ko dito sa hotel nyo!" Then ibinagsak ko ang telepono sa sobrang inis ko sakanya. "Nakakainis! Bakit ba napakapakialamero nya! Kakausapin ko si Neshien!" Nagmamadali akong pumunta sa office ni Sir Leon kung na office na rin ni Neshien.
Jerry
"Hah! Tama bang bagsakan nya ko ng telepono? At as if namang papayagan ko syang mag-resign." I dialed Leon's number. "Dude, we need to talk. Okay. Papunta na ko dyan. Nga pala dont let your wife talk to her friend. Yeah, si Ms. Blanca. Bye!" Nagmamadali akong lumabas at nagpaalam sa mga tita ni Cons then pinaharurot ko ang kotse ko papunta sa hotel.
A.N: Goodluck, Cons!
Read, vote and comment. Thanks!
Josahannbercasio.
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
General FictionActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...