Neshien
The hayahay days are over.Pabalik na kame ng Manila today. Kaya bye2x Isla na. Gusto ko sanang makasabay sa paguwi yung apat kaso sabi ni Sir Leon / My Pretend Husband. Sakanya daw ako sasabay. And guess what kung saan ako uuwi?
Waaahhhh!!!!!! Hindi sa hotel, hindi sa apartment ko. Kundi sa bahay ni Sir Leon. Sa totoong bahay nya. Kaylangan naming magsama sa iisang bubong dahil kasal na kame. Kaylangan naming magpanggap kahit sa harap ng mga empleyado ng hotel para hindi makahalata ang parents nya na nagpapanggap lang kame.
Nagpapanggap lang kame pero feeling ko wala na kong kalayaan. Hindi ko na magagawa basta-basta ang mga bagay na gusto kong gawin. And it's because i have to think about others might think towards me dahil CEO lang naman ng isang sikat na hotel ang asawa ko. Pretend husband.
Hay..... Ngayon palang parang napapagod na ko. Pero i have no choice. Bakit pa kase ako pumayag eh. Maktol ko sa isip ko.
"Wala ka bang balak bumaba?" Leon said na nakababa na pala ng kotse. Kaya nagising ako mula sa malalim kung pag-iisip.
Napatingin ako sa paligid. Nandito na pala kame. Hindi ko namalayan dahil sa lalim ng iniisip ko.
"S-Sorry Sir." Nagmamadali akong lumabas ng kotse. "Wow!" Hindi ko napigilang ibulalas ng makita ko ang kinaroroonan namin.
Landscape palang ng bahay nya maganda na. At ng tignan ko ang mismong bahay nya. Mas lalong nalaglag ang panga ko.
My gosh! How can he stay sa hotel kung ganito pala kaganda ang bahay nya?
"Neshien, it's already late at pagod ako sa biyahe. Kung tatayo ka lang dyan. Maiwan na kita." Leon said na lalong nagpanganga saken.
He called me by my first name!
Pero wait! Papasok na sya sa bahay iiwan nya ba ko dito sa labas?
"Ei! Sir Leon wait!" Natatarantang hinabol ko sya habang hila ko ang maleta ko. Malapit ko na syang maabutan ng bigla syang huminto kaya napapreno ako.
"Call me Leon. We have to pretend na totoong mag-asawa remember? Stop calling me sir." Salubong ang kilay na sabi nya.
"O-Okay. Pasensya na hindi pa kase ako sanay." Nangingiwing sabi ko."You have to. Let's get inside." He said then tinalikuran nya na ko.
Napabuga nalang ako ng hangin saka ako sumunod sakanya.
Tama sya. Kaylangan kong masanay.
Pagpasok namin sa loob ng bahay nya nalula ako sa interior design ng bahay.
How i wish may ganito kagandang bahay din ako.
"Our rooms is uptairs." Leon said na ikinalaki ng mga mata ko.
"Our room? Magkasama tayo sa iisang kwarto?!?" Shock na react ko.
"Your not listening. I said our rooms." Ini-emphasize nya ang word na rooms. "Plural yun. Doon ka sa katabing kwarto ng master bed room. Sa kanan. I guess your tired too. Magpahinga ka na. Bukas nalang ulit tayo mag-usap bago tayo pumunta sa hotel." Leon.
"O-Okay." Yun nalang ang sagot ko sakanya. Tumalikod na sya at nauna ng umakyat ng
second floor. Nakakahiya! Ang assuming ko naman. As if gugustuhin nyang makasama ako sa iisang kwarto."Hay.... Makapagpahinga na nga. Napapagod na ang utak ko sa mga shocking na nangyayari." Umakyat na rin ako sa second floor at pumasok sa kwartong sinabi ni Leon.At mukhang makakapagpahinga ako ng maayos sa magandang kwarto na ito. Kumuha ako ng pantulog sa maleta ko saka ako pumasok ng banyo. Bukas nalang siguro ako mag-aayos ng mga gamit ko.
After kong maglinis ng katawan at magpalit ng damit nag-dive na ko sa malaki at malambot na kama.
Hindi na rin masama. Mukhang may maganda rin naman akong mararanasan sa pagpapanggap ko bilang asawa nya.
At nakatulog ako sa pag-iisip sa mga posible kong harapin kinabukasan.
Kinabukasan nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pinto.
"Ano ba yan. Istorbo naman oh." Iinat-inat na bumangon ako. Napatingin ako sa relong nakasabit sa ding2x. "Hala! 8 o'clock na? Waaahhh!!!! May pasok na pala ko ulit sa hotel." Nagmamadaling bumangon ako at binuksan ang pinto."Sorry sir! Pasensya na tinanghali ako ng gising!" Nakayukong sabi ko agad pagkabukas ko ng pinto.
"It's okay. Mag-uusap pa tayo kaya alas diyes na tayo pupunta ng hotel. May almusal na sa kusina kumaen ka na then puntahan mo ko sa garden." Tumalikod na si Leon pagkasabi nun.
"Ayos! Hindi sya nagalit at may almusal ng nakahanda." Nakangiting pumasok ako ng kwarto para maghilamos bago bumaba sa kusina. "Shocks! Humarap ako sakanya ng hindi manlang nakapagsuklay at hilamos." As if he care.
Bumaba na ko sa kusina after kong ayusin ang sarili ko. At dahil hindi pa ko naliligo nakapantulog parin ako.
"Egg, ham, hotdogs and toasted bread. Walang fried rice?
American breakfast?" Choosy pa ko noh? Atleast naghanda sya ng almusal. Makakaen na nga.Tanaw mula sa kusina ang garden kaya nakikita ko sya. Tumayo ako habang kumakaen ng tinapay at pinanood ko sya sa mula sa kinaroroonan ko.
"Oh my!" Nakagat ko ang tinapay at napasandal ako sa pader ng hubarin nya ang tshirt na suot nya saka nagpush up. Nakita ko na naman ang 6 packs abs nya. "Ops! Anu ba yan. Bakit kase kaylangan pang magtanggal ng shirt eh. Anu yun ayaw mapawisan. Wiw!" Napapunas ako sa noo ko kahit wala namang pawis saka ako bumalik sa kinauupuan ko kanina. "Makapag-almusal na nga lang." Tinapos ko ang pagkaen ko. Then pinuntahan ko na sya sa garden.
Tapos na syang mag-exercise pagdating ko. Pinag-usapan namin ang mga dapat naming gawin sa hotel. Sa harapan ng mga tauhan nya at ng mga magulang nya.
Sabay kameng pumasok afterwards.
Nang marating namin ang hotel kinabahan ako bigla pagkababa ko ng kotse nya.
"Let's get inside." He said ng makita nya na nakatanga lang ako.
"O-Okay." Kinakabahang ngumiti ako saka kame sabay na pumasok ng entrance ng hotel.
As expected. All eyes on us. Nagtataka siguro silang lahat kung bakit kame magkasama ni Leon.
Pagkatapat namin sa mesa ko sa labas ng opisina nya humarap si Leon saken.
"Magiging busy ako mamaya. Let's have lunch later." Leon said saka ako hinalikan sa noo that caught me off guard.
Narinig ko namang napasinghap ang mga empleyadong nakakita sa ginawa nya.
Natauhan ako ng marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng opisina ni Leon.
Oh em! We already talk about it pero feeling ko hindi ko parin mapigilang magulat kapag may sweet gesture syang gagawin.
Wiw! My heart is beating so fast! This pretend marriage is giving me an heart attack.
A.N: Vote and comment. Thanks!
Josahannbercasio.
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
General FictionActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...