"Anong pinag-usapan nyo ng firstlove mo?" Tanong ni Dewey kay Heshin na kausap nito sa phone. "Ayieh!!!! Muling ibalik? O, love is sweeter the second time around?" Kinikilig pa sya para kay Heshin.
Nang biglang tumunog ang buzzer sa tabi nya indication na tinatawag sya ng pasyente nya."Asar! Ayan na naman sya.I call you nalang maya Heshin. Kwentuhan ulit tayo. Tinatawag ako ng pasyente kong may tama sa utak." Narinig nya ulit ang tunog ng buzzer. "Sige na. Bye na!" Napilitan syang tapusin ang pakikipag-usap kay Heshin.
"Anu na naman kayang kaylangan nya!" Nakasimangot na pumunta sya sa kwarto ng pasyente nya. Pero ngumingiti sya sa tuwing may makakasalubong na pasyente o kasamahan nya sa ospital.
At pagkatapat nya palang sa private room na mala-hotel suite na okupado ng pasyente nya napa-simangot na sya.
"Anong kaylangan mo?" Nakasimangot na tanong nya kay Russel.
"Is that how you treat your patient? Imbes na asikasuhin mo ko nakikipag-chismisan ka sa phone. Tapos ganyan mo ko pakitunguhan? Anong klaseng nurse ka?" Napapanganga si Dewey sa sunod-sunod na sinabu nito.
Sinara nya ang pinto at lumapit dito.
"Teka nga. Pano mo nalamang may kausap ako sa phone? Tsaka depende lang naman sa kaharap ko ang ugali ko noh. Kaya dont judge me. At paanong pakikitungo ba ang ini-expect mo sa isang nurse/stalker na gaya ko?" Pang-asar na sabi ni Dewey saka parang nang-aakit na naupo sa gilid ng kama ni Russel na napaurong naman.
"Hey! What are you doing?" Russel.
"Stalker ang tingin mo saken kaya ganito ba ang ini-expect mo na pakikitungo ko sayo?" Saka ito nginitian ng matamis na ngiti ni Dewey.
"L-Lumayo ka nga saken!" Russel.
"Tsk! Kung totoong stalker ako baka ganun ang gawin ko. Pero hindi mo ko stalker. Kaya wag kang feeling noh!" Tumayo na si Dewey at lumayo dito."Ano pong kaylangan nyo kamahalan? Mamaya ka pa iinum ng gamot ah. May masakit ba sayo?" Nakasimangot na tanong ni Dewey kay Russel.
"Ahh! Bakit ba ikaw pa ang pinili kong maging nurse ko? Feeling ko imbes na gumaling lalala pa ko dahil sayo." Napahawak sa ulong reklamo ni Russel.
"Well, sorry ka nalang. You ask for it. Kaya magdusa ka! Kung wala kang iuutos. Aalis na ko." Tumalikod na si Dewey para umalis.
"Hey! Wag kang aalis! Tinawag kita dahil nauuhaw ako. Ikuha mo ko ng tubig yung may lemon." Utos ni Russel kay Dewey.
"Hah! May lemon pa talaga ha. Masusunod po kamahalan. Lagyan ko kaya ng sili ang tubig mo." Pabulong na sabi ni Dewey habang paalis para ikuha ng tubig si Russel.
"I can hear you. Dont dare do that kung ayaw mong mawalan ng trabaho." Russel.
"Wow! Talas ng pandinig. Ikaw yata ang stalker eh. Dont worry mahal ko ang trabaho ko kaya hindi ko gagawin. Hmp!" Saka sya tuluyang tumalikod. "Makakaganti rin ako sa pambwibwisit mo saken." Bulong nya sa sarili.
Naiiling nalang na napasandal sa headboard ng hospital bed si Russel.
******
Setting:Story conference ng script na ginawa ni Yumie.
Which is, Ang boyfriend kong bakla.
"I really dont get it. Anong pumasok sa isip nyo producer Rick para piniliin ang script na to para gawing pelikula? Title palang ang cheap na. Sinong matinong writer ang gagawa ng ganitong title?" It's Yvan na katabi ng producer at katapat nya naman si Yumie na umuusok na ang ilong sa mga sinabi ng binata.
"Excuse me? Sana aware ka na katapat mo lang ang writer na tinutukoy mo di ba?" Yumie.
"Tsk! Im just stating a fact sweetheart." Yvan.
"Fact? Bakit nabasa mo na ba yung buong script? Tsaka dont call me sweetheart. Yuck lang ha. Di ako isa sa mga babae mo." Yumie rolled her eyes to Yvan."Ouch." Napa-ouch sya ng pasimple syang kurutin ng editor in chief nila.
"Tama nga naman si Ms.Yumie. Ngayon mo palang mababasa ang buong script, Yvan. For sure after reading it saka mo marerealize na maganda ang kwento ng script." Direk Shawn.
"Thanks, Direk!" Nginitian ito ni Yumie.
"Tsk! What ever. Kapag nasira ang career ko dahil sa movie na to. Kasalanan mo Manager Jam.Because you agree on this." Yvan.
"Dont worry, Yvan. I already read the whole script and im impress. Maganda nga katulad ng sabi nila Direk. And beside pumayag ka rin naman di ba?" Manager Jam.
"Tsk! Because i dont have a choice. You keep on bugging me to accept this project. At isa pa kawawa naman yung isa dyan kung di ko tatanggapin to." Yvan.
"Ha! Thank you ha. Napakamaawain mo naman." Naramdaman uli ni Yumie ang pagkurot sakanya ng editor in chief nila sa ilalim ng mesa pero hindi sya nagpapigil dito. "At tsaka wala namang problema sa script ko eh. Medyo catchy pa nga yung title kaya macucurious ang mga tao sa story."
"I agree on that." Producer Rick.
"Thanks po." Nginitian ito ni Yumie bago humarap ulit kay Yvan. "Baka natatakot ka lang na maintriga ang pagkalalake mo dahil sa role mo. Are you not confident about your sexuality?" Nakataas ang kilay na tanong ni Yumie.
"Ano?!? How dare you! You are annoying me alam mo ba yon." Asar na sabi ni Yvan.
"Dont worry the feeling is mutual." Palabang sabi ni Yumie.
"Ops! I guess thats enough. Dapat magkasundo kayo dahil magkakatrabaho kayo." Singit ni Mam Julie.
"Oo nga. I guess you have to settle your issues to each other first." Manager Jam.
"Pasensya na po, Ms. Jam. Yang alaga nyo po kase eh." Yumie.
"Hah! Ikaw kaya yon!" Yvan.
"Yvan! Enough. Darating na ang makakapareha mo sa movie. Dont give her a wrong impression of you." Saway dito ng Manager nito.
"Sino nga palang makakapareha ko sa movie?" Biglang na excite na tanong ni Yvan.
"Babaero talaga." Pabulong na sabi ni Yumie.
"You saying?" Kunot noong tanong ni Yvan.
"You have to thank me. Kung hindi dahil saken hindi mo sya makakatrabaho. Dahil balita ko she doesnt want to work with you. Because she hate your kind." Yumie.
"What do you mean?" Lalong kumunot ang noo ni Yvan.
"Yumie, convince Yvonne Guevarra to accept this project." Direk Shawn.
"Y-Yvonne Guevarra?!?! Sya ang leading lady ko?" Di makapaniwalang sabi ni Yvan.
Sya naman pasok ng pinag-uusapan nila kasama ang manager nito.
"Tsk! Babaero talaga." Naiiling na lang na pabulong na sabi ni Yumie.
At nag-umpisa na sila sa story conference.
A.N: Enxia sa slow update. Vote and comment. Thanks!
Josahannbercasio
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
General FictionActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...