Dewey
"Sabi mo magaling ka na!" Nakapamewang na sita ko sa pasyente kong baliw.
Prente lang syang nakahiga sa hospital bed habang nanonood ng tv.
"Pinabalik mo nga ako dito sa ospital pero nandito ka naman ulit." Daldal ko parin kahit mukhang hindi naman sya nakikinig.
"Nagrereklamo ka ba? Nagbabayad naman ako ah." Poker face na humarap sya saken.
"Hah! Oo nga nagbabayad ka nga. Pero yung stress na binibigay mo saken hindi mo yon mababayaran!" Inis na sabi ko sakanya.
Paano ba naman tinanong ko na ang doktor nya sa kalagayan nya. And he told me na okay na daw ang Russel na to. Magsasagawa nalang daw sila ng another test para makasigurado kung anong naging cause ng pagsakit ng ulo nito.
If i know nag-iinarte lang sya. Gusto nya lang pahirapan ang buhay ko.
Baka nag-enjoy pa ko kung ang gwapo at mabait na si Ryan ang inaalagaan ko ngayon.
"Tell me, gusto mong lumabas na ko ng ospital para makapagpacute ka sa kapitbahay ko na nakaconfine din dito sa ospital di ba?" Salubong ang kilay na sabi ni Russel still looking at me.
"H-Hindi noh!" Nauutal kong palag. Kahit yon naman talaga ang totoo.
"Tsk! Your so obvious." Russel said smirking.
"A-Ano naman kung magpacute ako kay Ryan! Anong pakealam mo!" Napipikon na ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Wow. First name basis huh. Close na kayo?" Russel.
"Oo. Close na kame! Kase hindi sya tulad mo na nakakainis!" I hissed.
"Naiinis ka saken kase masyado akong gwapo." Confident na sabi nya. Hindi man lang kinabahan.
"Proud to be? Concieted much?" Nakapamewang kong sabi.
"Im just telling the truth." Kaswal na sabi nya.
"Edi, wow! Ikaw na sobrang gwapo. Sa sobrang gwapo mo umakyat na sa utak mo kaya sobrang hangin mo!" Naiinis na talaga ko sakanya.
"So, you admitted it." Nakangising sabi nya.
"I admitted what?" Kunot ang noong tanong ko sakanya.
"You admitted na sobrang gwapo ko." Nakangisi paring sabi nya.
"That's it! Sasabihin ko kay doc kung anong problema sayo. Mukhang nakakomplikasyon ang operasyon mo kaya naghahallucinate ka na ngayon." Duh! Wala akong sinabing sobrang gwapo nya.
"Then tell him. Pabor yun saken. Para matagal mo pa kong aalagaan." He said saka ibinalik ang tingin nya sa tv.
Huh? Tama ba yung nakita ko? Namumula ang tenga nya?"May itatanong ako sayo." Seryoso kong nasabi.
"Ano yon?" Hindi tumitingin sakeng tanong nya.
"May gusto ka ba saken?" Nakita kong nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko. "Kaya mo to ginagawa kahit magaling ka na. Para makasama mo parin ako. Kase may gusto ka saken. Aminin mo na. Nagseselos ka kay Ryan ano?" Full of confidence kong sabi.
Nakita ko na natigilan sya. Pero napasimangot ako ng tumawa sya ng malakas.
"Hahaha! I can't believe this! Are you a fan of telenovelas?" Tumatawang tanong nya saken. "Ako? Magkakagusto sayo? Excuse me. But you are not my type." Natatawa padin nyang sabi saken.
Inis na tinalikuran ko sya saka ako lumabas ng kwarto kung saan sya nakakaconfine na naman."Hah! Ang kapal ng mukha nya! Not my type! Eh, bakit ayaw nya kong tantanan!" Inis na tinignan ko muna ng masama ang kwartong nilabasan ko saka ako nagmamaktol na nagpunta ng nurse station.
******
"What are you doing here?" Tanong ni Russel sa kaibigang si Leon na dumating pagkaalis ni Dewey.
"Visiting my crazy friend i guess." Seryosong sagot ni Leon na naupo sa silyang malapit sa kama ni Russel.
"Hah! Naoperahan lang ako sa utak pero hindi ako baliw. Ikaw yata ang baliw. You are marrying your secretary?" Di makapaniwalang sabi ni Russel.
"Im doing this to oppose ny parents manipulative plan. And you and Jerry have to be in our wedding para maniwala sila Dad at Mom na totoo ang kasal namin." Leon.
"Seriously?!? Magpapakasal ka talaga bro?" Russel.
"It is just a contract marriage. Pero pwede kang sumabay kung gusto mo. Tutal mukhang ayaw mo ng pakawalan ang nurse na yun eh." Nakangising sabi ni Leon.
"Shut up, Leon! Your not funny." Russel give Leon a death glare.
"Tsk! Your too obvious, Russel. Admit it. Palitan mo ang diskarte mo. Para kang bata. Daanin mo sa bilis kung hindi mo kaya ng dahan-dahan." Leon.
"Hah! Like what you're doing to your secretary?" Russel ask grinning.
"Baliw! Paulit-ulit tayo? Im doing this because of my parents. Wala akong gusto sa secretary ko. Ikaw ang may gusto sa nurse mo." Leon.
"Shut up, Leon! Sisipain na kita palabas ng ospital eh!" Russel hissed.
"Ay! Sorry may bisita ka pala. Oras na ng pag-inum mo ng gamot." Nanlalaki ang matang napatingin si Russel sa nagsalita which is Dewey.
"K-Kanina ka pa dyan? M-May narinig ka ba?" Nauutal na tanong ni Russel kay Dewey.
"Kadarating ko lang. Nakaabala ba ko? Kaylangan mo ng inumin ang gamot mo." Dewey.
"I guess i have to leave. See you in my wedding, bro." Nakangising paalam ni Leon kay Russel na humakbang na palabas ng kwarto nito. Pero huminto ito sa may pintuan. "And by the way, you can come with her." Saka tuluyang lumabas si Leon. Leaving the pissed Russel.
"Asar! Tell the guards na wag na syang papasukin ulit dito sa ospital." Russel.
"Ay. Lq kayo ng friend mo? Anong pinag-uusapan nyo kanina? Bakit parang hindi ko pwedeng marinig?" Tanong ni Dewey kay Russel.
"That's none of your business." Masungit na sagot ni Russel.
"Psh! Sungit. Inumin mo na tong gamot mo." Inis na inabot dito ni Dewey ang gamot at baso ng tubig. "Wait! Boss yun ni Neshien ah. Magpapakasal sila?" Shock na tanong ni Dewey.
"Oo. And you are coming with me." Sagot ni Russel pagkainum nito ng gamot.
"Pati sa pupuntahan mong kasal kaylangan mo ng nurse?" Dewey.
"Tsk! It's your friend wedding also." Russel.
"Pero wala namang sinasabi samin si Neshien. Baka secret lang yon." Dewey.
"That's why you have to zipper your mouth. I'll buy a dress for you para naman magmukha kang tao sa araw na yon." Russel said na nagpausok na naman sa ilong ni Dewey.
"Hah! Bakit hindi ba ko mukhang tao!" Dewey.
"O-Oo. Lumabas ka na nga. Gusto ko ng magpahinga." Nahiga si Russel ng patalikod.
"Hah! Ang kapal ng mukha nito! Pumunta ka ng kasal mag-isa mo!" Inis na sabi ni Dewey saka padabog na sinara ang pinto pagkalabas nito.
"Tsk! As if she have a choice." Russel.
A.N: Dadaanin na ba ni Russel sa bilis si Dewey?
Vote and comment. Thanks!
Josahannbercasio.
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
General FictionActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...