*****
Sinulit nina Dewey at Cons ang huling araw nila sa Newyork. At siyempre with Russel and Jerry.
Dahil hindi na nila nakasama si Heshin dahil busy ito sa pag-aalaga sa nagpapagaling pang si Kerko. Pero inihatid naman nito sa airport ang mga kaibigan.
At after ng ilang oras na biyahe.... They are back to the Philippines!!!!
"Ayan na sila!" Excited na sabi ni Lyhmie ng makita ang apat na palabas na ng arrival area.
"Eeeee!!!! Ayan na ang bagong couple!" Kishy na kinikilig kina Dewey at Russel.
Dahil gaya ng nasabi na ni Dewey, sasagutin nya na si Russel bago sila bumalik sa Pilipinas. At wala na syang chance para bawiin pa ito. Kaya officially mag-on na sila ni Russel.
"Itaas na natin ang mga placards natin." Neshien said na pasimuno sa paggawa ng mga ito.
"Welcome home, Guys!!!!" Sabay-sabay na sabi nila ng makalapit na ang apat sa kinaroroonan nila.
"Wow! May paplacard si Mayor? Thanks guys!" Cons na isa-isa silang niyakap.
"Oh, anong problema?" Puna ni Russel sa girlfriend hindi maipinta ang mukha.
"Kaylangan talaga may congratulations?" Dewey.
"Oo naman. Dahil finally sinagot mo na si Russel. Kaya girls...." Yumie said saka sumenyas sa mga kasama.
"Congratulations, Dewey and Russel!!!" Sabay-sabay na sigaw ng girls. Kaya halos pagtinginan na sila ng mga tao sa airport.
"Waaaahhh!!!! Tigilan nyo nga yan! Nakakahiya eh!" Hinila pababa ni Dewey ang placard na itinataas ng mga ito.
"Kinahihiya mo ba na tayo ng dalawa?" Salubong ang kilay na sabi ni Russel.
"H-Hindi naman. Kaya lang kase pinagtitinginan na tayo oh." Pagdadahilan ni Dewey.
"It's okay. Dont mind them. Let's go?" Russel said na inakbayan si Dewey.
"Eeeee!!!! Pwedeng kiligin?" Kishy.
"Kishy, dapat saken ka lang kiligin." Anggal ni Luke na nakahoody at shades para hindi makilala ng mga tao.
"Ang arte mo dude! That so gay." Reklamo ng kanina pa busangot na si Jerry. "Tara na nga!" Nauna na itong lumakad sakanila.
"Anong problema ng isang yon?" Luke.
"Ito kaseng si Cons eh." Dewey.
"Anong ako? Kayo tong nang-iinggit dyan eh." Cons.
"Haha! Cons naman kase pagbigyan mo na si Sir Jerry." Lizhen.
"Whatever, Lizhen. Lets go gutom na ko eh." Cons.
"Sa hotel tayo nagpahanda ako ng pagkaen natin sa isa sa mga function hall." Leon.
"Wow! Infairness ang galante ng asawa mo Neshien ha. Ikaw na may asawang CEO ng hotel." Dewey.
"Im one of the major investor of that hotel." Russel.
"Haha! Nagselos naman agad tong boyfriend mo. Let's go baka umiiyak na sa kotse yung maarteng artista na yon." Yumie.
"Kasama nyo si Yvan?" Russel.
"Oo. Ayaw lumabas ng kotse baka dumugin ng fans." Lance.
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
Aktuelle LiteraturActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...