******"Ugh! Dewey! Hanggang kaylan mo balak titigan yang engagement mo?" Naiiritang tanong ni Cons kay Dewey na ngiting-ngiti na tinititigan ang sing-sing sa daliri nya.
"Ito naman ang sungit. Until now kase hindi padin ako makapaniwala noh. Imagine? Engage na ko? At sa isang hunky CEO pa. Parang panaginip lang noh?" Dewey said dreamily.
"Gusto mo kurutin kita para malaman mong hindi ka nananaginip?" Nakangising sabi ni Cons.
"Thanks but no thanks. Ang lakas mo kayang mangurot dyan. Goodluck nga pala sa business meeting mo mamaya ha." Dewey.
"Thanks. Actually hindi yon business meeting eh." Cons.
"Anong ibig mong sabihin?" Napakunot ang noong tanong ni Dewey.
"May nag-offer saken ng modelling career." Bulong ni Cons kay Dewey.
"Model-- Waaaaahhhh!!!!" Nanlalaki ang matang natuptop ni Dewey ang bibig saka sumigaw ng makabawi.
"Ui! Anu ka ba! Tumahimik ka nga. Nakakahiya ka naman eh." Palinga-linga sa paligid na tinakpan ni Cons ang bibig ni Dewey.
"Seryoso? Hindi joke time?" Dewey asked pagkaalis nya sa kamay ni Cons.
"Hindi joke. Seryoso yon." Cons.
"Ui! Kayong dalawa, bakit ang ingay nyo? Nakakahiya sa mga guest ng hotel." Sabi ng kadarating lang na si Neshin.
"Ang tagal ha. Kanina pa kame dito. Bakit ngayon ka lang?" Cons.
"Anu ka ba! Siyempre kaylangan nya pang-asikasuhin ang hubby nya noh." Dewey.
"Tigilan nyo nga ko. Anu bang meron at ang aga nyong mambulabog?" Neshin. Naupo ito sa bakanteng upuan saka sumenyas sa waiter at umorder. "Coffee with sugar and cream lang saken. Thank you."
"Sorry ha. Nakaistorbo ba kame sainyong mag-asawa?" Pang-asar na tanong ni Dewey ng makaalis ang waiter.
"Tse! Bakit nga kayo nandito? Wala kayong duty pareho?" Tanong ni Neshin sa dalawa.
"Off ko ngayon kaya may usapan kame ni Russell. May meeting daw sila sandale kaya dito ko na sya hihintayin." Dewey.
"Nagpa-off naman ako kase may imi-meet ako. Kaso ayon gustong sumama ni Jerry. Kaya hihintayin ko din sya." Cons.
"Akalain nyo yun? Who would thought na mabibingwit nyo ang magkaibigang businessman na yan, na pinag-bintangan pa kayong stalker dati." Neshin.
"Stalker their face! Eh, deds na deds sila sa beauty namin ngayon." Dewey.
"Haha! Loka-loka ka talaga." Neshin.
"Pero Cons totoo ba yung modelling chuchu na sinasabi mo?" Tanong ni Dewey kay Cons.
"Modelling?" Neshin.
"Yung kameeting daw nitong si Cons today. Hindi business kundi modelling offer daw." Dewey.
"Talaga? Tinanggap mo?" Neshin.
"Hindi pa. Kakausapin ko palang yung nag-offer." Cons.
"Kaya naman pala sasama si Jerry eh." Naiiling na sabi ni Neshin.
"Haha! So, stage boyfriend lang ang peg ni Jerry?" Dewey.
"Malamang! Kung sakaling tanggapin mo yung offer sayo, forsure palagi yung nakabuntot sayo, Cons." Neshin.
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
General FictionActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...