"Dewey! Ano ka ba! Magkukulong ka nalang ba dito sa kwarto? Sayang naman kung hindi mo masusulit ang pag-stay mo dito sa isla." Pilit na pinapabangon ni Kishy si Dewey na nakatalukbong ng kumot.
After Russel's confession nagkulong na ito sa kwarto para makaiwas sa binata.
"Okay na ko dito. Eenjoyin ko ang pagtulog dito sa magandang kwarto na to. Pabayaan nyo nalang ako dito." Dewey.
"Haha! Ano ka ba! Dapat sya ang mahiya o mailang dahil sya ang nag-confess di ba?" Neshien.
"Kaya nga. Dapat gamitin mo pa nga yung alas against him." Cons.
"Hindi sya maiilang kase makapal ang mukha nya. Basta ayoko syang makita." Dewey.
"Hay naku. Bahala ka ate dewey. Basta nasa baba lang kame ha. Eenjoyin namin ang dagat. Sumunod ka nalang if ever na gusto mo." Lyhmie.
"Tama. Mag-iiwan kame ng pagkaen sa kusina ha. Let's go girls habang hindi pa masyadong mainit." Kishy.
"Bye, Dewey! Enjoy the bed!" Pang-aasar pa ni Neshien bago nila iwan ang nakatalukbong parin na si Dewey.
Naglatag sila ng picnic blanket sa may tabing dagat na may lilim ng mga puno. Nagluto din sila ng mga pagkaen para kapag nagutom sila sa kakalangoy, kakaen nalang sila.
"Hay..... This is life.... Buti walang asungot." Relax na nahiga sa buhangin si Lyhmie.
"Haha! Asungot as in yung fiance mong si Lance?" Nanunuksong sabi ni Kishy sa kapatid.
"Ate naman eh! Walang siraan ng mood noh. Teka hindi ka ba hahanapin ng boss mo ate cons?" Lyhmie.
"Ipinagluto ko na sya noh. Hayaan nya naman akong mag-enjoy saglet. Babalik na tayo ng manila noh." Cons.
"Eh, ikaw neshien? Hindi ka ba hinahanap ng asawa mo?" Kishy.
"Tse! As if namang totoong asawa ko sya. Wala pa kame sa manila kaya hindi pa namin kailangang magpanggap. Pero teka may napansin ako. May problema ba kayo ni Luke, Kishy?" Neshien.
"Ha? W-Wala." Kishy.
"Wala pero nabubulol?" Cons.
"Ang obvious mo. Napapansin ko kase na parang ang distant mo sakanya eh." Neshien.
"Oo nga. Napansin ko rin na parang iniiwasan mo sya. Hindi mo sya masyadong pinapansin." Cons.
"Ang obvious mo naman pala ate." Lyhmie.
"Lyhmie!" Pinandilatan ni Kishy ang kapatid.
"Share mo nga. Bakit ba? Anong nangyare? Akala namin nagkakamabutihan na kayong dalawa." Neshien.
"Walang ganon noh! We're just friends." Pilit na ngumiti si Kishy to convince her friends.
"Ay! Bakit parang may pait?" Cons.
"Aminin mo. May feelings ka na for him ano?" Neshien.
Malungkot na ngiti lang ang isinagot sakanila ni Kishy.
"Confirm. Pero bakit parang sad ka? Di ba dapat happy ka kase inlove ka?" Cons.
"Panu sya magiging happy, ate cons. Eh, may childhood sweetheart sa eksena." Lyhmie.
"Ay! Ganern? Kaya naman pala. Pero malay mo naman past na yung kanila." Cons.
"Tama. Baka friends nalang sila." Neshien.
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
General FictionActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...