"Dad.... Daddy.....Dad.....Daddy!" Pangungulit ni Lyhmei sa daddy nila na busy sa laptop nito.
"Anak, daddy is busy." Sagot nito ng hindi tumitingin sa anak.
"Dad naman kase eh! Iba nalang po ang ipasama nyo sa exhibit na yon. Wag na ako." Lyhmei.
"Anak, kaya nga I'm asking you this favor kase wala akong ibang mapapadalang representative kundi kayo ni Lance. Nasa out of town assignment ang mga tao ko." Tinignan lang nito sandale ang anak saka ibinalik ulit ang tingin sa computer.
"Ayoko! Nakakainis kaya ang Lance na yon!" Maktol ni Lyhmei.
"Bakit naman? Anak, he seems nice naman. Try to be atleast civil to him, okay? And beside he is really good in this craft kaya i like him. Sige na mag-ready ka na ng isusuot mo mamaya sa exhibit." Taboy nito sa nakangusong anak.
"Hmp! Kainis ka dad!" Nagmamaktol padin lumabas ng studio ng daddy nya si Lyhmei.
Mukhang wala ng takas si Lyhmei. Dahil daddy nya na ang nakiusap.
*****
"Ate, bakit ayaw mo ba sa doktor ni zeena? Mabait naman sya ah. At magaling pa." Lyn.
"Masyado ng madameng kahihiyan ang inabot ko don noh. Kaya sa dati nalang natin ulit ipapa-check si Zeena." Lizhen.
"Okay. Ikaw ang bahala, Ate." Lyn.
"Sige, aalis na ko. Ikaw na ang bahala kay Zeena pagkagising nya ha." Bilin ni Lizhen sa kapatid.
"Okay, Ate. Ingat." Lyn.
Pumasok na si Lizhen sa pinapasukang opisina. At wala syang kamalay-malay sa makikita nya ng araw na yon.
"Lizhen, may darating na kameeting si Boss. Ikaw na ang bahalang mag-asikaso ha." Bilin ng kasamahan nya pagkadating nya.
"Okay." Tipid na sagot ni Lizhen saka naupo sa mesa nya.
Naging abala sya sa mga sumunod na oras kaya hindi nya namalayan na may nakatayo na pala sa harap ng mesa nya.
"Excuse me, i have an appointment to Mr. Reyes." Sabi nito. At nanlaki ang mga mata ni Lizhen ng makita kung sino ang nasa harapan nya.
None other than Dr.Bryle.
"Miss?! Are you okay?" Nagtatakang tanong nito sakanya.
"A-Ah.... Y-Yes. Sandali lang po sasabihin ko kay boss na nandito na kayo." Natatarantang tinawagan nya sa intercom ang boss. "Yes, boss. Okay po." Ibinaba ni Lizhen ang phone saka bumaling ulit sa doktor. "Pwede na daw po kayong pumasok." Nakangiting sabi dito ni Lizhen saka nya ito sinamahan sa loob ng opisina ng boss nya.
"Boss,nandito na po ang kameeting nyo." Lizhen.
"Have a seat Dr. Bryle." Nakangiting sabi ng boss ni Lizhen.
"Ahm... May gusto po ba kayong inumin?" Lizhen.
"Coffee for me. How about you Doc?" Tanong dito ng boss ni Lizhen.
"Do you have a tea?" Tanong ni Bryle na kay Lizhen.
"Y-Yes, doc. Sige po ipagtitimpla ko kayo." Natatarantang mabilis na lumabas ng opisina ng boss nya si Lizhe.
Napasandal sya sa pinto ng pantry ng makarating sya dito.
"Umayos ka nga, Lizhen! Bakit ka ba natataranta kapag nakikita mo sya? Naman kase! Sa lahat naman ng pharmaciutical company bakit dito pa sa company ni boss nya naisipang pumunta!" Kausap ni Lizhen sa sarili nya.
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
General FictionActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...