Chapter 96: Travel Together

16 2 0
                                    

         "Eeeee! Dewey! You're gonna travel together!" Kinikilig na tili ni Kishy.

          "Kishy! Pinapunta kita dito para tulungan akong mag-empake noh. Kanina ka pa tili ng tili dyan." Nakapamewang na sabi ni Dewey.

         Nasa kwarto sila ni Dewey that day. Nakapag-paalam na kase si Russel sa ospital na pinapasukan ni Dewey. At siyempre being known as one of the young business tycoon in the country, pumayag ang ospital na mag-leave si Dewey ng isang linggo. Kaya tinawagan ni Dewey si Kishy para magpatulong ditong mag-empake ng mga dadalhin nya sa biyahe.

        "Eh, kase naman noh! Nakakakilig kaya! Imagine? Kinabog mo yung out of town date namin ni Luke. Kayo ni Russel, out of the country ha." Kishy.

       "As if namang magpapakasaya kame dun noh. Pupunta kame doon para hanapin si Kerko para personal syang tanungin about dun sa article na yon noh. At kung bakit hindi man lang sya nagpaparamdam para magpaliwanag. Swear, uupakan ko sya kapag nakita ko sya." Litanya ni Dewey habang naglalabas ng mga damit sa closet nya.

       "As if namang hindi sasamantalahin ni Russel yung moment na kasama ka nya out of the country noh. Pero sana nga mag-succeed kayo sa pakay nyo don." Kishy.

       "Sana nga noh. Para maging okay na si Heshin. Para naman malaman nya kung aasa pa sya o magmomove on na." Dewey.

      "Well, either of the two, sana kayanin nya." Kishy.

      "Sana nga. Ano sa tingin mo ang dapat kong dalhing damit?" Dewey asked habang ipinapakita kay Kishy ang mga damit nya.

     "Medyo malamig dun ngayon kaya dont forget to bring coat and jacket. Pero kung sakaling wala ka namang jacket, yakap palang ni Russel solve na eh. Hindi ka na lalamigin." Nakangising sabi ni Kishy.

       "Tse! Tigilan mo nga ako Kishy." Dewey na nagblush sa sinabi ni Kishy.

       "Asus! Inimagine mo din ano?" Kishy.
   

      "Heh! Kung anu-anong sinasabi mo eh. Seryoso na oh. Anong mga dapat kong dalhin?" Dewey.

       "Well, sabi mo nga nandun kayo hindi para magbakasyon o mamasyal kundi para hanapin si Kerko. Kaya simpleng mga damit lang ang dalhin mo. Like a simple pair of jeans, shirt, sweatshirt, longsleevedress, and dont forget the boats, frend." Kishy.

       "Buti nalang may boats ako. Atleast magagamit ko na yun ngayon." Dewey.

       "Yeah. Pero magbaon ka parin ng kahit isang bonggang dress at stilletos. Malay mo ayain ka nyang mag-date di ba? You'll never know. Atleast handa ka." Kishy.

      "Hmm... Sabagay." Dewey agreed habang iniisa-isa ng ilagay ang mga napiling damit sa maleta.

       "And dont forget!" Kishy said all of the sudden.

       "Ang ano?" Dewey.

       "Ang pasalubong mo samen pagbalik nyo. Imported, perfume, chocolates you know." Kishy.

      "Wow lang ha. Ipapaalala ko lang sayo ha. Biglaan ang pagpunta ko doon. Wala akong perang malaki. Yung papers ko nga at visa si Russel lahat ang gumastos noh." Dewey.

      "Perks of having a rich suitor, friend." Kishy.

      "Heh! Siyempre hindi naman ako magtuturo dun noh. Nakakahiya kaya. Baka isipin nya sinasamantala ko sya." Dewey.

      "Samantalahin mo na. Char! Haha. Joke lang anu ka ba! Pero sana magkusa sya na bilhan kame ng pasalubong noh." Kishy.

      "Wish mo lang. Sya, tulungan mo na nga ako dito." Dewey.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon