Chapter 22: Blooming

23 2 0
                                    

          "Pansin ko lang heshin. Ang blooming mo yata." Puna ni Cons dito.

        Nagkita-kita sila sa cafe na favorite nilang kainan. Dahil halos magkasabay-sabay sila off from their works.

        "Paano yan hindi magiging blooming? Eh, panay ang  date nila ni Kerko." Lizhen.

       "Wow! So, ano ng development sa inyong dalawa." Kishy.

      "Binigyan ko na sya ng chance." Heshin.

      "Oh my! Ibig sabihin kayo na ate heshin?" Lyhmei.

      "Oo. Nakapag-explain na naman sya saken. Na kaya hindi na sya nakapag-communicate saken kase nga dahil naging masyadong hectic at demanding ang career nya sa states. Kaya magsisimula ulit kame sa umpisa. Namiss nga namin yung mga lugar na pinupuntahan namin dati eh." Masiglang kwento ni Heshin sa mga kasama.

        "Ikaw na inlove." Nakasimangot na reklamo ni Neshin.

       "Haha! What's with the face Neshin? At ikaw din Dewey? Simangotmuch?" Kishy.

        "Nakakainis kase yung magaling kong boss. Ang alam ko secretary ako hindi personal maid nya. Paglinisin ba naman ako ng kwarto nyang sobrang dumi?" Hindi parin maipinta ang mukhang sabi ni Neshin.

       "Hay naku, Neshin! I feel you. Ako nga nurse pero ginawa akong personal yaya/tagalinis ng kwarto ng siraulo kong pasyente." Inis ding reklamo ni Dewey.

      "Wala kayo saken. Dahil ako sinupalpal ko yung mayabang na vice president ng hotel. Hinayaan ko sya na sya ang kumuha sa ilalim ng kama nung nawawala nyang flashdrive. Power trip ba naman? Akala nya naman uurungan ko sya." Cons.

       "Alam nyo walang-wala yang problema nyo sa problema ni Yumie." Lizhen.

       "Oo nga pala! Totoo ba yung mga news?" Kishy.

       "Tama. Sila ba ni Yvan Castillo?" Dewey.

      "Hellow! Para namang hindi nyo alam kung gaano kainis dun si ate yumie noh. Kaya paano magiging sila di ba?" Lyhmei.

     "Sabagay. Halatang ginawan lang ng issue yung mga pictures." Cons.

     "Pero sinong gagawa nun?" Neshin.

     "Yung mga walang magawang showbiz reporter." Lyhmei.

      "Paano kaya to malulusutan ni Yumie? Siguradong palalakihin pa lalo to ng mga basher." Kishy.

       "Sinabi mo pa! Lalo nat kalat na kalat na yung mga pictures nila na ginawan pa ng ibat-ibang caption." Heshin.

         "Abangan nalang natin ang mga susunod na kabanata." Lizhen.

        "Tama! For now kaylangan kong mag-isip ng ipanglalaban ko don sa bwisit na pasyente ko." Dewey.

       "Pagtyagaan mo nalang. Lalabas din yon ng ospital." Cons.

       "Ang tagal nga eh. Dapat sa bahay na yon nagpapagaling eh. Kaso feeling nya yata hotel yung ospital." Dewey.

       "Yung boss ko naman feeling yata basurahan yung hotel room nya. Wagas makapagkalat." Neshin.

      "Hayaan nyo na. Gwapo naman sila eh." Kishy.

     "Palibhasa wala kang problema sa katrabaho mo eh." Neshin.

      "Naman! Ang bait kaya ni Luke." Kishy.

      "Mukha ngang nagkakamabutihan na kayo ate eh." Tukso ni Lyhmei sa kapatid.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon