Neshien.So, this is it. Ganito pala ang feeling ng may asawa. Now i know the feeling.
Yung you have to wake up early para maghanda ng almusal nyo.
Sabay kayong papasok sa trabaho at sabay ding uuwi.
Pero ako ang asawa na, secretary pa.
Kaya mas doble ang trabaho ko.
We are just pretending pero bakit feeling ko totoong mag-asawa kame ni Leon.
Nasasanay na rin ako na tawagin sya sa pangalan nya. At ayoko mang aminin, naiinis ako sa mga babaeng kliyente o guest
na lumalapit sakanya."My golly! This can't be!!!!"
"Tsk! Tsk! Malala ka na. Ganyan ba kapag may asawa? Nakakabaliw?" Nakangising sabi ni Cons.
"Psh! Nakakainis! Oo na! Im talking to myself. Baliw na agad? Ikaw kaya sa posisyon ko? Ewan ko lang kung hindi ka maloka." Frustrated na sabi ko kay Cons.
"Thanks nalang. I had enough misery already para hilingin ko pa na mapunta sa lugar mo." Cons.
"Haha! Problemado ka nga rin pala dahil sa bagong may-ari ng lupa na kinatatayuan ng grocery store nyo." Its my time to laugh at her.
"Tsk! Alam mo pakiramdam ko sinadya nyang bilhin yung lupa na yon eh." Cons.
"Bakit naman yun gagawin ni Sir Jerry? Eh, di ba nga matagal ng binebenta yung lupa na yon?" Naalala ko na naikwento ni cons yun dati.
"Matagal na nga. Eh, bakit all of the sudden sya ang bumili di ba?" Cons.
"Sabagay. Baka humahanap lang ng bwelo si Sir Jerry para gamitin laban sayo ang lupa na yon. Kaya kung ako sayo ireready ko na ang sarili ko." Pananakot ko kay Cons.
"Ha-ha. Your not helping. Tsk! Palibhasa ikaw asawa ng CEO nitong hotel eh. Kaylan nyo balak gumawa ng baby?" Pang-asar ang ngiting tanong ni Cons. Bumabawi ang loka.
Feeling ko pulang-pula ang mukha ko sa sinabi nya.
"W-Wala sa usapan namin ang baby anoh!" I hissed.
"Haha! Normal sa asawa ang magkababy noh. Kaya bakit kaylangan nyo pang pag-usapan?" Cons.
Tumingin muna ko sa paligid bago ko inilapit ang mukha ko sakanya. "Tumahimik ka nga. Alam mo namang nagpapanggap lang kame eh." Halos pabulong kong sabi sakanya.
"Paano kung hilingin ng parents nya na mag-anak na kayo dahil gusto na nilang magka-apo?" Cons. Ayaw nya talaga akong tatanan. "Besides kaylangan ni Sir Leon ng tagapagmana."
"Bumalik ka na nga sa trabaho mo. Tapos na ang break mo." Naiinis akong tumayo. Nasa cafeteria kase kame.
"Haha! Ang pula ng mukha mo. Sige po, Maam Neshien babalik na po ako sa trabaho ko." Tumayo na rin si Cons napang-asar parin ang ngiti."Balitaan nyo po ako kapag magkakababy na kayo ni Sir Leon ha." She said bago tumakbo paalis.
"Cons!!!!!" Nang-gigigil na sigaw ko pero hindi man lang sya huminto. "Humanda sya saken mamaya." Nakayukong umalis ako sa coffee sa loob ng hotel. Nakakahiya narinig pa nila ang huling sinabi ng babaeng yon. "Aw!" Napahinto ako ng bumunggo ako kung kanino. "Si-... L-Leon!" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na sya ang nakatayo sa harapan ko.
"What happen to you? Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong nya.
"W-Wala. Bakit ka nandito? M-May kaylangan ka ba?" Nauutal na tanong ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
General FictionActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...