Chapter 34: Couple Bracelet

17 2 1
                                    

          "Ano to?!?" Tanong ni Yumie kay Yvan habang nakatingin sa ikinabit nito sa  wrist nya.

         "Bracelet." Nakangiting sagot ni Yvan.

         "Pilosopo. Alam ko bracelet to. Para saan naman to ha?" Yumie.

        "Tsk. Slow ka naman. Malamang couple bracelet. Para kapag nakita ng fans na pareho tayo may ganyan iisipin nila na totoong tayo." Paliwanag ni Yvan sa dalaga.

      "Psh! Bakit kase kaylangan pang maniwala sila na girlfriend mo ko? Edi wag silang maniwala. Mas pabor yun saken noh!" Yumie.

     "Para namang gusto ko to. Kung hindi lang sa korni mong pelikula wala sana tayo sa ganitong sitwasyon ngayon." Yvan.

     "Anong sinabi mo? Korni ang story ko?" Yumie.

     "Oo. Korni." Yvan.

     "Hah! Gusto mong ibato ko to sayo?" Iniamba ni Yumie ang pagbato ng hawak na script sa binata.

      "Subukan mo! Kapag nakagasgas ang mukha ko, mananagot ka." Yvan.

      "Hey! You are supposedly preparing para sa shooting ah. Hindi yung nag-llq kayo dito." Manager Sam.

       "Pasensya na Manager Sam. Ito kaseng alaga mo eh. Napakahagin." Yumie.

     "Hah! Eh, korni naman talaga tong story mo eh." Yvan.

      "Hah! Kapag nag-hit ang movie na toh. Kakainin mo yang sinasabi mo." Yumie.

      "Hay.... Panu kayo magpapanggap na kayo kung hindi kayo magkasundo?" Nakukunsuming sabi ni Manager Sam. "Sige na. Get ready, Yvan. May press na nakabantay sa labas kaya mag-iingat kayo sa mga kilos nyo." Lumabas na si Manager Sam pagkatapos.

      "Sige po, Manager Sam." Sagot ni Yumie. "Ayusin mo ang pagdeliver ng lines mo ha." Baling ni Yumie kay Yvan pagkaalis ng manager nito.

       "Dont tell me what to do. Alam ko kung anong gagawin ko. Pangit lang talaga ang script mo kapag hindi lumabas na maganda." Yvan.

     "Abat! Ang kapal mo talaga!" Yumie.

     "Dont shout! Baka may makarinig sayo." Saway ni Yvan kay Yumie.

      Inirapan lang ito ng dalaga. Maya-maya nag-umpisa na silang kunan ang ilang eksena sa pelikula na isinulat ni Yumie.

       "Hi! Ikaw ang writer ng movie?" Tanong kay Yumie ng isang babae. Nakaupo sya sa bandang likuran nila direk. Mukha itong reporter kaya nag-ingat si Yumie sa pagsagot dito.

       "Ah. Opo. Ako nga." Nakangiting sagot ni Yumie dito.

       "At ikaw din ang rumored girlfriend ni Yvan hindi ba?" Tanong uli ng babae.

       "O-opo." Nakangiti paring sagot ni Yumie dito. Ano ba! Bakit may nakalapit na reporter dito. Kinakabahan na si Yumie dahil baka may maisagot syang mali sa babae.

        May itatanong pa sana ang babae. Pero narinig nya na tinawag sya ni Yvan. Sumesenyas ito na punasan nya ang pawis nito. May inaayos pa sa susunod na eksena kaya pwede syang lumapit dito.

       "Excuse me, Miss." Paalam nya sa babae. Tumango naman ito.  Saka nya kihuha ang towel na nakasampay sa kinauupuan nya. "Asar! Ginawa pa kong tagapunas ng pawis. Writer kaya ako. Hindi yaya nya." Reklamo ni Yumie habang palapit sa binata.

       "Punasan mo ang likod ko." Pabulong na sabi ni Yvan ng makalapit sya.

       "Opo, kamahalan. Yaya lang ang peg ko?" Reklamo ni Yumie habang pinupunasan ng pawis ang likod ng binata.

       "Pasalamat ka nga. Iniligtas kita dun sa reporter eh. Anong tinatanong nya sayo?" Yvan.

      "Wow ah. Pasalamat pa ko na nadadamay ako sa magulo mong buhay? Tinatanong nya lang kung totoong girlfriend mo ko at kung ako ang writer ng movie. Bakit ba kase may nakalapit na reporter dito?" Reklamo padin ni Yumie.

       "Ganun talaga. Hindi maiiwasang  may makalusot. Baka may kakilala sya sa mga staff and crew. Lagyan mo naman ng konting pagmamahal yang pagpupunas mo sa likod ko." Yvan.

      "Pag-mamahal your face!" Mahina pero mataray na sabi ni Yumie kay Yvan.

      "Wow! Kay Ms. Yumie mo pala ibinigay yung isang bracelet." Napalingon sila sa nagsalita. Which is yung in-charge sa wardrobe ng movie.

       "Alam nya rin yung tungkol dito sa bracelet?" Nagtatakang tanong ni Yumie.

      "Oo. Nakita ko kase si Yvan nung binili nya yan nung isang araw sa bazzaar kung saan sya ummattend." Sabi pa nito.

     "Ah. I see." Napatango nalang si Yumie.

     "Actually, sya kase kaagad yung naisip ko nung nakita ko tong couple bracelet." Yvan.

     "Wow! Ang sweet naman." Comment nung wardrobe.

     "Hehe.... Thank you." Peke ang ngiting sabi ni Yumie kay Yvan.

      "Pwede kayong kunan ng picture?" Tanong nito.

     "Ha?" Sabay na react ng dalawa.

     "It's okay." Napalingon sila kay Manager Sam na sumagot para sakanila. "Makesure na ma-emphasize yung bracelet nila ha." Dagdag pa nito.

     "Sige po, Ms. Sam. Magdikit naman kayo." Inihanda na nito ang camera sa phone nito para kunan ng litrato ang dalawa.

     "Okay. Panu ba? Saan ako pupwesto?"  Tanong ni Yumie na hindi alam ang gagawing pose.

     "Let me help you." Yvan said at na shock si Yumie ng iupo sya ni Yvan sa lap nito. Saka inilagay ang isang braso nya sa balikat nito. Bale yung kamay ni Yumie na nakayakap sa balikat ni Yvan hinawakan nito para makita na pareho sila ng suot na bracelet.

        Hindi na nakapagreact si Yumie ng mag-flash ang camera.

       "Ayan ang ganda. Kaso hindi nakangiti si Ms. Yumie." Reklamo ng staff.

      "Yumie, smile." Senyas Manager Sam dito.

      "Hear that? Smile." Nakangiting bulong ni Yvan kay Yumie.

       Wala na syang choice kundi ngumiti nalang. Pero tumayo sya agad at lumayo ng matapos silang kunan ng picture.

     "Ang cute nyong tignan! Thank you ha." Kinikilig pang sabi ng  staff.

      "Your welcome." Yvan.

      "Hehe... Oo nga. Your welcome." Alanganin ang ngiting sabi ni Yumie.

      "Back to work!" Sigaw ng floor direktor.

     "Pati ako kinikilig eh.  Tara sa tent muna tayo, Yumie. Galingan mo Yvan ha." Bilin ni Manager Sam dito saka inakay si Yumie papunta sa tent ni Yvan.

        "Sure. For my girlfriend." Sabay kindat ni Yvan sa dalaga.

       Kinilabutan naman si Yumie sa ginawa nito.

       Remind me to punch him mamaya for that awkward pose.

    
      Sabi nalang ni Yumie sa isip nya.

A.N:  Want q din ng bracelet. Friendship bracelet.hehe

       Vote and comment. Thanks!

      Josahannbercasio.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon