"Lizhen, buti naman dumating ka na." Jill.
"Oo nga. Kanina ka pa hinihintay ni Boss." Maita.
"Bakit daw?" Lizhen.
"Pumasok ka nalang sa office nya." Nakangising sabi ni Jill.
Nagtatakang ginawa nalang ni Lizhen ang sinabi ng mga katrabaho.
Kumatok sya sa pinto ng opisina ng boss nila bago pumasok.
"Boss, pinapatawag nyo daw po ako?" Medyo natigilan si Lizhen ng makita si Bryle na nakaupo sa visitors chair.
"Yes, hija. Dr. Bryle ask kung pwede ka daw nyang hiramin today." Nakangiting sabi ng boss ni Lizhen.
"H-Hiramin? Bakit po?" Lizhen.
"Ahm... Magka-conduct kase kame ng medical mission today. And.... Medyo kinulang sa tao. Kaya nagbakasakali ako na baka pwede kang mag-volunteer. That's why im here to ask your boss. Pumayag naman sya but still its up to you kung papayag ka." Bryle explain.
"Ah.... Ahm.... Pero o-okay lang po ba boss?" Alangang tanong dito ni Lizhen.
"Ofcourse hija. Nandyan naman sina Jill at Maita. And beside i know that you have a passion to help those people in need. Kaya pumayag ako sa reguest ni Dr. Bryle. After all malaki na rin ang naitulong ni Dr. Bryle sa company natin." Lizhen's boss.
"Wala po yon, Mr.Cruz. And thank you sa pagpayag nyo. Pero how about you Ms. Lizhen? Okay lang ba sayo?" Baling dito ni Bryle.
"Ahm... O-oo. Ayos lang saken." Lizhen.
"Yun naman pala eh. Go ahead para hindi kayo matraffic." Mr. Cruz.
"Sige po, boss." Lizhen.
"Thanks again, Mr.Cruz. We'll go ahead." Bryle.
Lumabas sila ng opisina ng boss ni Lizhen. Then dinaanan nila sa mesa ni Lizhen ang gamit nito. At hindi sila nakaligtas sa panunukso nina Jill at Maita.
On the way sa venue ng medical mission sa labas lang ng bintana nakatingin ang naiilang na si Lizhen."Ahm.... Pasensya ka na kung biglaan ha. Wala na kase akong ibang maisip na pwedeng maging volunteer eh." Si Bryle ang bumasag sa katahimikan.
"Ha? Ahm... Ayos lang yon. Gusto ko rin naman yung mga ganitong mission eh." Kahit naiilang napilitan si Lizhen na tumingin sa binata.
"Thanks." Nakangiting sabi ni Bryle tumingin saglit kay Lizhen.
"Y-Your welcome." Nahihiyang nag-iwas ng tingin si Lizhen.
Nang marating nila ang lugar kung nasaan ang medical mission ay marame ng tao dito. Sinalubong agad sila ng mga kasama ni Bryle.
"Dr. Bryle! Mabuti naman nandito ka na. Medyo marame ng taong nakapila para magpacheck up ng mga anak nila." Sabi ng isang volunteer.
"Okay. Mag-reready na kame. Si Ms. Lizhen nga pala. Sya ang assistant ko for today." Pakilala ni Bryle sa dalaga.
"Hello, Ms. Lizhen. Im Julie." Inilahad nito ang kamay kay Lizhen.
"Nice too meet you, Julie." Nakangiting inabot naman ito ni Lizhen.
"Let's start." Bryle.
"Sige po, Doc." Julie.
"Lizhen, doon tayo." Bryle.
"Okay." Sumunod dito si Lizhen.
At gaya nga ng sinabi ni Julie marame na ang nakapilang mga magulang para ipacheck up ang mga anak nila. Kaya sinimulan na ni Bryle ang pagcheck up sa mga ito. At katulong nya si Lizhen sa pag-aasikaso sa mga ito.
At hindi maiwasang matulala ni Lizhen sa gwapong doktor na nakangiting kinakausap ang mga batang chini-check up nito.
Grabe ang bait talaga nya. Kaya bagay na bagay sa kanya na maging doktor ng mga bata eh. Mas gumagwapo sya kapag nakangiti.
Wala sa sariling napangiti si Lizhen habang nakatitig kay Bryle na kausap na pala sya.
"Lizhen? Ms. Lizhen?" Nagtatakang pukaw ni Bryle sa tulalang dalaga.
"H-Ha?" Lizhen.
"Are you okay?" Nakangiting tanong ni Bryle.
"Ha? Ahm... Ayos lang ako. Pasensya na. May kaylangan ka?" Nahihiyang sabi ni Lizhen.
"Yeah. Pakibigyan sila ng antibiotic and vitamins. Ito yung reseta." Nakangiti paring inabot sakanya ito ni Bryle.
"O-Okay." Nanginginig namang tumalima si Lizhen. Habang kinakastigo sa isip nya ang sarili.
Maya-maya pa lalo silang naging busy dahil sa dame ng tao.
"Here. Kumaen ka muna." Nakangiting inabutan ng sandwich at juice ni Bryle si Lizhen.
"Thank you. Ikaw kumaen ka na ba? And dame mo pang pasyente." Lizhen.
"Oo. Kumaen na ko. Ayos lang yan. Mas marame mas fullfilling. Ayos ka lang ba? Baka pagod ka na." Bryle.
"Hindi. Ayos lang ako. Nag-eenjoy din ako. Masayang tignan na natutuwa yung mga magulang na natutulungan mo." Lizhen.
"Yeah. Sila yung reason kung bakit monthly naming ginagawa ang medical mission na to. To let them know na kahit mahirap lang sila afford nilang alagaan ang kalusugan ng mga anak nila. Maiwan muna kita ha." Bryle.
"Okay." Napapangiting nasundan ito ng tingin ni Lizhen.
After ng sandaling break, back to work silang lahat.
At habang nag-eenjoy na rin sa pag-aasikaso sa mga pasyente si Lizhen, hindi nya namamalayan ang pasimpleng pagtitig sakanya ni Bryle na hindi mapigilang mapangiti. At pagkatapos ng medical mission, lahat sila pagod pero masaya na nakatulong sila.
"Let's rest for a while then ihahatid na kita sainyo." Bryle.
"Okay. Napagod ka noh?" Lizhen.
"Oo. Pero ayos lang. Nakakatanggal pagod naman yung ngiti ng mga bata at magulang nila eh. I really appreciate your help. Thank you so much, Lizhen." Sincere na sabi ni Bryle while looking at Lizhen na nakasandal rin sa hood ng kotse.
"Your welcome. Pero ako nga dapat ang mag-thank you sayo. Kase you let me experience this feeling. Hay.... Ang sarap talagang tumulong sa mga kapwa mo magulang. Fulfilling." Na-carried away yata si Lizhen kaya naisandal ang ulo nya sa balikat ni Bryle.
"Mabuti naman nag-enjoy ka rin." Napapangiting sabi naman ni Bryle.
Inenjoy muna nila ang mga stars sa langit bago sila umuwi.
A.N: Vote and comment. Thanks!
Josahammbercasio.
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
General FictionActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...