Chapter 18: Awkward/ The old place.

20 2 0
                                    

       

         "Zeena, eat your breakfast na." Sabi ni Lizhen sa anak habang inaasikaso ang almusal nito.

        "Ate, ikaw na ba ang magdadala kay Zeena sa clinic para sa follow up check up nya? Wala ka namang pasok di ba? May pupuntahan kasi ako mamaya." Lyn.

       "Sige. Ako ng bahala kay Zeena today. Basta umuwi ka ng maaga ha. Wag kang magpapagabi masyado sa labas." Bilin ni Lizhen sa kapatid.

      "Oo, Ate. Hindi ako magpapagabi masyado. Ayan Zeena si Mommy mo ang makakasa mo sa check up mo kay doc pogi." Sabi ni Lyn habang nilalaro ang kumakaen na pamangkin.

      "T-Teka... sino bang doktor ni Zeena?" Kinakabahang tanong ni Lizhen sa kapatid.

        "Yung pogi na gumamot sa kanya, Ate." Nakangiting sagot ni Lyn.

       "Bakit hindi mo agad sinabi saken?" Lizhen.

       "May problema ba, Ate?" Nagtatakang tanong ni Lyn.

        "Importante ba ang pupuntahan mo?" Lizhen.

       "Oo, Ate. Tsaka nung nakaraan pa nga dapat yon diba?" Lyn.

       "Sa ibang clinic ko nalang dadalhin si Zeena." Lizhen.

      "Ano ka ba naman, Ate! May record na sya don. Tsaka magaling yung doktor nya diba? Kaya nga gumaling sya agad." Lyn.

      "Sabi ko nga eh." Alanganing sabi ni Lizhen.

     Kaya naman no choice sya kundi dalhin ang anak sa clinic na yon. Kahit na awkward

         "Misis, kayo na po ang next." Nakangiting sabi kay Lizhen ng nurse.

         "Ahm... Miss, lang po ako nurse." Pagtatama dito ni Lizhen.

         "Ganun po ba? Pasensya na po. Pasok na po kayo sa loob. Hinihintay na po kayo ni Doc Bryle." Nurse.

         "S-Sige. Thanks." Alanganin ang ngiting inakay nya ang anak papasok sa clinic ng doktor.

          Nakayukong pumasok sa loob ng clinic si Lizhen. Trying not to see Bryle's face.

         "Maupo po kayo dito." Turo ng nurse na nasa katapat na mesa ng doktor.

         "T-Thanks." Naiilang na naupo dito si Lizhen at kinalong ang anak. "G-Goodmorning po, doc."

       "Goodmorning. How's Zeena? Hindi na ba sya nilagnat ulit o tinubuan ng rashes?" Tanong ni Dr. Bryle.

      "H-Hindi na. P-Pero wala pa din syang ganang kumaen." Nakayuko pading sagot ni Lizhen.

        "Mukhang ikaw yata ang may problema." Bryle said na ikina-angat ng tingin ni Lizhen dito.

      "A-Ano yon, doc?" Lizhen.

       "Dont worry Miss. Wala naman akong nakita at naramdaman kaya kalimutan mo na yun." Seryosong at mahinang sabi ng doktor saka sinimulan nitong check-upin si Zeena.

     Habang hindi naman makapaniwala si Lizhen sa narinig.

       "Okay na sya. Maybe she need a new vitamins para maibalik ang gana nya sa pagkaen. Here, bilhin mo itong inireseta ko. Zeena, drink your vitamins okay?" Nakangiting baling dito ni Bryle.

         "Yes, po." Magalang naman na sagot ni Zeena.

         "Are you okay, Miss?" Tanong ni Bryle sa tulala pading si Lizhen.

         "Ha? Okay lang doc. Thanks by the way. Halika na, Zeena." Inakay na ni Lizhen palabas sa clinic ang anak.

         At pagkatapos magbayad lumabas na sila pero bago sya tuluyang umalis at pumara ng sasakyan, liningon nya muna ulit ang ospital na pinanggalingan.

         "Hah! Wala syang nakita at naramdaman? Anong ibig nyang sabihin? Cup B kaya ako! Hah! Manlalait na doktor! Kala mo gwapo! Kainis! Halika na nga anak." Inis na binitbit nya na ang anak.

         Habang naiiling nalang sa clinic nya si Doc Bryle.

*******

       
         "So, do you like the flowers?" Nakangiting tanong ni Kerko kay Heshin habang nagmamaneho.

         Sinundo nya ito sa pinapasukan nitong paaralan para i-date.

         "Hey! Still shock? You didn't expect me to pick you up in your working place?" Tanong uli ni Kerko sa tulalang dalaga.

         "Ha? A-Actually oo. Nag-meet nalang sana tayo sa mall o sa restaurant." Sagot ni Heshin ng makabawi.

        "Ganun? Ayaw mo ba na malaman ng mga katrabaho mo na may manliligaw ka?" Kerko.

      "Hindi naman sa ganon. Kaya lang bilang teacher parang hindi magandang makita ng mga estudyante ko." Heshin.

      "What's wrong with that? Dalaga ka naman. Binata ako." Kerko.

     "Kahit na. At tsaka Kerko, i want us to take this slow. Matagal kang nawala. Marame nang nangyare. Kaya siguro mas maganda kung kikilalanin muna natin ulit ang isat-isa." Heshin.
      
      Napahinga ng malalim si Kerko bago nagsalita. "I know you are having a doubt in me. At hindi kita masisisi. Pero sana give me a chance. May reason kung bakit bigla akong nawala at hindi nakapagparamdam sayo." Kerko.

        "Im willing to hear you out, Kerko. Kaya nga let's take this slow." Heshin.

       "Okay. I understand. So, do you like the flowers?" Nakangiti ng tanong ni Kerko.

      "Oo. Salamat. Saan ba tayo mag-didinner? Kanina ka pa nag-dadrive ah." Nagtatakang tanong dito ni Heshin.

      "You will see. Malapit na tayo." Nginitian lang sya nito saka patuloy na nagmaneho.

        Until they reach the place.

        "Nandito na tayo." Bumaba ng kotse si Kerko saka pinagbuksan ng pinto si Heshin.

        "Nasaan ba tayo?" Tanong ni Heshin habang pababa ng kotse. Pero natulala sya ng makita kung nasaan sila. "K-Kerko?...." Heshin look to Kerko with questioning look.

       "Welcome back to our old place." Nakangiting sabi ni Kerko kay Heshin.

        "Wow! Nandito parin toh? Kababalik mo lang from states. Paano mo nalaman na nandito parin to?" Heshin is reffering to the restaurant na madalas nilang kainan ni Kerko during their college days.

           "Nagpunta ko dito the other day. Nagulat din ako na nandito pa pala toh. Kaya naisip ko na dito kita dalhin today. Ano, pasok na tayo sa loob? Nagutom ako sa pagdadrive eh." Kerko.

        "Ako din gutom na. Tara!" Heshin.

       Pumasok na sila sa loob ng restaurant at inorder din nila kung ano ang madalas nilang kainin dati.

      At kumaen sila while reminiscing the old days.

*****

         Habang si Lizhen hindi makamove on.

        "Nakakainis! Ang awkward talaga. Bakit naman kase naaalala nya pa ko? Hah! At nilait nya pa ko. Wala daw syang nakita at naramdam? Cup B kaya ako. Hindi lang halata." Kausap ni Lizhen sa sarili habang sinisipat ang sarili sa harap ng salamin.

          "Ate, okay ka lang? Nalipasan ka ba kanina kaya kinakausap mo ang sarili mo dyan?" Puna ni Lyn sa ate nya.

       "Tse! Matulog ka na nga lang dyan! Baka magising si Zeena." Lizhen.

       "Matulog ka na rin noh." Lyn.

       "Oo na. Matutulog na rin ako. Nakakainis talaga ang supladong doktor na yon." Bubulong-bulong na humiga na rin sya sa tabi ng kapatid at anak.


A.N: Vote and comments. Thanks! Sarreh sa typo at wrong grammar.

           Josahannbercasio.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon