"Mommy, excited na po akong pumunta ng amusement park!" Excited na tumalon-talon si Zeena sa sofa habang binibihisan ni Lizhen.
"Anak, wag kang malikot para mabihisan kita ng maayos." Mahinahong saway ni Lizhen sa anak.
"Oo nga, Zeena. Baka mamaya dumating na si Doc Bryle hindi pa nakakapag-ayos ang mommy mo." Nanunuksong sabi ni Lyn sa pamangkin.
"Tumigil ka nga, Lyn. Hindi naman na ako mag-aayos noh." Lizhen.
"Ate naman! Dapat mag-ayos ka kahit papaano noh. Alalahanin mo gwapo yung si doc kaya dapat presentable kang tignan." Lyn.
"Ang dame mong alam. Bantayan mo si Zeena magbibihis lang ako. Papasukin mo si Bryle kapag dumating sya ha. Alukin mo na din ng juice." Bilin ni Lizhen sa kapatid pagkatapos bihisan ang anak.
"Okay, Ate. Zeena, maupo ka muna hintayin natin yung ka-date nyo ng mommy nyo." Sabi ni Lyn sa pamangkin.
"Tigilan mo nga ang kasasabi nyan, Lyn." Naiiling na umakyat sa kwarto si Lizhen.
Na kunwari pa ayaw mag-ayos pero nag-ayos rin naman. Day off nya at inaya sila ni Doc Bryle na mamasyal sa amusement park kasama si Zeena. It seems na nagpapalakas ang doktor sa anak ni Lizhen.
Saktong katatapos nya lang mag-ayos ng marinig nyang may mag-door bell sa labas nila kaya bumaba na sya sa sala. At sakto namang kauupo lang ni Bryle sa sofa pagkababa nya.
"Hi!" Nakangiting bati ni Bryle kay Lizhen.
"Hi!" Ganting bati naman ni Lizhen na nahihiya pa.
"Mommy, tignan mo oh. Binigyan ako ng barbie doll ni Doc." Pagbibida ni Zeena habang ipinapakita kay Lizhen ang laruan.
"Wow! Nag-thank you ka ba?" Tanong ni Lizhen sa anak.
"Opo." Sagot naman ni Zeena.
"Hindi ka na sana nag-abala." Baling ni Lizhen sa binata.
"It's okay may nadaanan kase akong toy store and i remember her when i saw that doll." Bryle.
"Salamat. Ahm... Gusto mo ng juice?" Naalalang itanong ni Lizhen.
"Hindi na daw, Ate. Kase aalis na rin kayo." Lyn.
"Yeah. We have to go para hindi tayo matraffic." Bryle.
"Ganun ba? Sige. Lyn, aalis ng kame. I-lock mo ang bahay ha. Kumaen ka nalang dyan." Bilin ni Lizhen dito.
"Oo, Ate. Enjoy kayo ha. At ingat." Lyn.
"Bye, Tita!" Zeena.
"Bye!" Lyn
"Let's go?" Bryle."Okay. Zeena, halika na, Anak." Aya ni Lizhen sa anak saka ito inakay palabas ng bahay.
Nakasunod naman sakanila si Bryle. Na pinagbuksan sila ng pinto ng kotse."Salamat." Lizhen.
"Your welcome." Nakangiting sabi ni Bryle saka umikot na at sumakay sa driver seat.
Sa biyahe, magiliw na nakikipag-usap si Zeena sa nagmamaneho na si Bryle habang natutuwang nakikinig lang si Lizhen sa usapan ng dalawa.
Nang mapagod nakatulog si Zeena.
"Napagod sa pagdaldal. Pasensya ka na ha. Baka naingayan ka sa anak ko." Apologetic na sabi ni Lizhen.
"No. Its okay. Nakakatuwa nga sya eh. She's a smart girl. At natural sa mga bata ngayon ang pagiging curious at matanong. At isa pa sanay ako sa mga bata dahil sa nature ng trabaho ko." Bryle said na sa daan nakatutok ang paningin.
"Hay... Sobrang matanong nga sya. Minsan nauubusan na rin ako ng isasagot sakanya eh. Bakit nga pala pagiging pedia ang napili mong specialization?" Lizhen.
"Actually, at first neuro ang line na napili ko sa medicine. Pero one time na umattend ako ng medical mission napansin ko na marame ang mga batang nangangailangan ng doktor plus nakakatuwa sila kaya i decided na mag-take uli ng degree para naman sa pagiging pedia." Kwento ni Bryle.
"Wow! Ang talino mo naman." Amused na sabi ni Lizhen.
"Hindi naman. Malapit na tayo." Bryle.
"Siguradong matutuwa si Zeena kapag nakita nya ang mga rides." Lizhen.
"Sigurado yan." Bryle.
Saktong nagising na si Zeena ng marating nila ang amusement park. At tuwang-tuwa nga ito ang amusement park.
Tuwang-tuwa rin si Lizhen na makitang masaya ang anak nya. At siyempre masaya rin si Bryle na makitang masaya si Lizhen. Sinakyan nila ang mga rides na pwede kay Zeena. Sinubukan din nila yung mga games na may prize. Kaya enjoy na enjoy si Zeena.
Nang mapagod they decided na kumaen sa isang fastfood chain sa loob ng amusement park para maenjoy din ni Zeena.
"Anak, dahan-dahan sa pagkaen okay?" Lizhen.
"Yes, Mommy." Zeena.
"Nag-enjoy ka ba sa mga rides, Zeena?" Tanong dito ni Bryle.
"Opo. Thank you po sa pagdala sa amen ni Mommy dito." Zeena.
"Your welcome. Kumaen ka lang. Sabihin mo lang saken kapag may gusto ka pa ha." Bryle.
"Opo! Thank you po!" Bibong sagot ni Zeena saka nagpatuloy sa pagkaen.
"Ikaw, kumaen ka pa." Baling ni Bryle kay Lizhen.
"Okay na ko. Busog na ko. Ikaw ang kumaen pa noh." Lizhen.
"Wait! May ketchup ka." Bryle.
"Ha? Saan? Dito ba?" Lizhen asked na pinunasan ng tissue ang kaliwang parte ng gilid ng bibig nya.
"No. Wait. Ako na." Kumuha ng tissue si Bryle at bago pa makapalag si Lizhen ay pinunasan na nito ang gilid ng labi ni Lizhen na may ketchup. "Ayan wala na." Nakangiting sabi ni Bryle.
"T-Thank you. Pasensya na ang kalat kong kumaen." Nahihiyang sabi ni Lizhen.
"It's okay. Ang cute mo nga eh." Bryle said na lalong nagpablush kay Lizhen.
After nilang kumaen naglibot-libot pa sila.
And they waited sa firework display. Na tuwang-tuwang pinanood ni Zeena. At siyempre kapag happy ang anak, happy ang mommy. At kapag happy si Lizhen, happy si Bryle.
"Ginabi na tayo." Bryle said pauwi na sila at naglalakad papunta sa kotse nito.
"Oo nga eh. Salamat ha. Nag-enjoy si Zeena ng husto." Lizhen na hawak sa kanang kamay ang anak.
"Your welcome. Im happy to see you both happy. So, sa uulitin?" Nakangiting sabi ni Bryle.
"Yeah. Sa uulitin. But for now, umuwi na tayo. May trabaho ka pa bukas. Nakakahiya mapapagod ka pa sa pagmamaneho." Lizhen.
"Dont mind it. Let's go." Nakangiting sabi ni Bryle saka hinawakan ang kaliwang kamay ni Lizhen habang naglalakad sila sa parking lot ng amusement park.
Napatingin nalang si Lizhen sa kamay nila ni Bryle na magka-intertwined.
A.N: Level up na sila! Holding hands while walking na.
Vote and comment. Thanks!
Josahannbercasio.
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
General FictionActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...