Chapter 19: Birds at the same feather flock together.

18 2 0
                                    

*****

       "So, kamusta namang maging secretary ng CEO?" Tanong ni Cons kay Neshin during their break sa hotel.

      "Toxic! Mas gusto ko pa sa reception eh." Nakasimangot naman na sagot ni Neshin.

      "Okay lang yan. Atleast nakakasama mo parati ang gwapo nating boss. Gawin mo nalang yung inspiration." Cons.

       "Inspiration? How can i do that? Paano mo gagawing inspiration ang mukhang gwapo nga pero lagi namang nakakunot at noo at seryoso." Neshin.

      "Atleast gwapo parin. Kesa naman yung bwisit na Vice president noh. Napakademanding. Kung makapag-utos akala mo pag-aari nya ang mga tauhan dito sa hotel." Nakasimangot na ding sabi ni Cons.

        "Haha! Si sir Jerry ba ang tinutukoy mo?" Neshin.

        "Oo! Nakakainis nga eh. Ako ang paborito nyang utusan at paglinisin ng kwarto nya na feeling ko sinasadya nyang guluhin." Cons.

      "Mukhang mainit talaga ang dugo nya sayo friend. Remember kaibigan din sya nung pasyente ni Dewey?" Neshin.

      "Oo. Feeling nya stalker din ako." Cons.

      "Well, infairness gwapo at macho rin si Sir Jerry ha. Pero parang ang laki din ng sapak sa utak." Neshin.

      "Sinabi mo pa. Nagkakaibigan nga sila." Cons.

       "Tama! Birds at the same feather flock together." Neshin. Saka nag-apir ang dalawa.

      "Neshin, after ng break mo umakyat ka daw sa room ni Sir Leon."  Lumapit sa dalawa ang receptionist na duty sa front desk ng hotel.

      "Sa room talaga ni Boss? Hindi sa office nya?" Nagtatakang tanong ni Neshin.

     "Oo. Doon ka daw dumiretso mamaya." Receptionist.

      "Okay. Thank you." Neshin.

       "Wow. Ano naman kayang ipapagawa sayo ng boss mo. Infairness mapapasok mo na ang lungga nya ha. I heard walang nakakapasok sa kwarto nya. Yung dati nyang secretary ang nakakapasok lang doon." Sabi ni Cons ng makaalis na ang receptionist.

        "Psh! So, dapat ba kong kabahan?" Neshin.

        "Haha! Goodluck!" Cons.

       "Bilisan na nga lang natin." Neshin.

       Tinapos na ng dalawa ang pagkain nila saka bumalik sa mga trabaho nila.

******

          "Come in." Sagot ng nasa loob ng kwarto pagkakatok sa pinto ni Neshin.

          "Goodafternoon, Sir. Ipinatawag nyo daw po ako?" Tanong ni Neshin sa boss nya.

        "Yes, Ms.Neshin. May pupuntahan ako kaya cancel my meetings this afternoon. And please clean my room." Seryosong sabi ni Leon na tumayo mula sa couch na kinauupuan nya.

        "S-Sir? A-Ako po ang maglilinis dito sa kwarto nyo?" Shock na tanong ni Neshin.

        "Oo. Wala bang nakapagsabi sayo na secretary ko ang naglilinis ng kwarto ko? Ayokong may ibang nakakapasok sa kwarto ko. Kaya dont dare na mag-utos sa ibang staff. I have to go." Saka umalis si Leon at naiwan doon ang nga-nga sa shock na si Neshin.

         "Seriously? Ako ang maglilinis ng madumi at magulong kwarto na to?" Nakapamewang na pinagmasdan nya ang kabuuan ng kwarto ng boss. At halos malulala sya sa lilinisin nya.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon