"Hi! Anong kanta ang pinapakinggan mo?" Tanong ni Kishy na tumabi kay Luke.
Nasa lobby ito ng recording studio at ngingiti-ngiti habang may pinapakinggan kanta sa phone nya.
"Ow! Hi! May sinasabi ka?" Inalis ni Luke ang suot na headset saka humarap sa dalaga.
"Sabi ko anong kanta yang pinapakinggan mo at ngingiti-ngiti ka pa." Natatawang sabi ni Kishy.
"Ah. Gusto mong malaman? Here." Inilagay ni Luke kay Kishy ang headset saka plinay ang kanta.
"Huh?" Natigilan si Kishy ng marinig ang kanta.
"Ang ganda ng boses nung singer noh? Ang ganda rin ng message ng kanta. At ang ganda rin nung singer." Nakangiting sabi ni Luke while looking at her. "Nakakainlove...." Dugtong pa ni Luke na lalong ikinapula ng mukha ni Kishy.
"Nambobola ka naman eh." Nahihiyang nag-iwas ng tingin si Kishy. Dahil ang kantang pinapakinggan ni Luke bago sya dumating ay ang latest single nya sa album nilang dalawa ni Luke.
"Hindi yon bola noh. Kasama na nga sa most requested song sa radyo yang kanta mo eh. Actually pati yung duet natin." Luke.
"Talaga? Wow! Ang galing naman." Hindi makapaniwalang sabi ni Kishy.
"And i have something to say nga pala." Luke.
"Anu yon?" Kishy.
"We have a couple of shows para sa album natin. At pupunta tayo ng tagaytay mamaya para simulan ang series of shows natin." Luke.
"Wow! Really?!? Oh em! Im so excited! Aaaahhhh!!!!" Dahil sa sobrang tuwa hindi napigilan ni Kishy ang sarili nya. Nayakap nya tuloy si Luke. "S-Sorry." Nahihiyang lumayo sa binata si Kishy.
"It's okay. I like warm hug. And im excited too. It means makakasama kita ng madalas." Luke.
"Hehe....." Napaiwas nalang ng tingin si Kishy kay Luke. Pero sa loob-loob nya gusto nya ng maglupasay sa kilig at excitement.
********
"Eeeeeeeeeeeee!!!!!!!! We are going to tagaytay!!!!! Im so excited!!!!!!!" Tili ni Kishy. Kaya napatakip sa tenga nila ang mga kasama nya.
"Grabe! Feeling ko nabasag ang eardrum ko ah." Cons.
"Oo nga eh. Kamuntik mabasag tong basong hawak ko oh." Neshien.
"Parang kaylan lang todo iwas ka kay Luke ah." Dewey.
"Oo nga eh. Ngayon abot hanggang pluto yata ang kilig mo eh." Yumie.
"Kase naman i can't help it. Just the thought of me and Luke sa out of town make me excited!" Kinikilig parin na sabi ni Kishy.
"Grabe ate ha! Parang kaylan lang talaga umiiyak ka pa dahil nakita mo na sweet si Luke dun sa Eula ah." Lyhmie.
"Friends lang sila noh. And now, Luke is courting me na. Kaya im so happy!" Kishy.
"Kayo na happy." Nakasimangot na reklamo ni Heshin.
"Ay? Bitter? Anong meron?" Lizhen.
"Oo nga. What's with the face? Eh, samantalang kayo ni Kerko ang nangunguna sa kakesohan kahit nasa states sya." Yumie.
"Oo nga. Dont tell me lq kayo?" Dewey.
"Hindi nya sinasagot ang mga messages ko. Hindi ko rin sya makontak!" Frustrated na sabi ni Heshin sabay lagok sa kape na nasa harapan nya.
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
General FictionActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...