"Hay.... Kaylan kaya ako makakabalik sa childrens ward? Matutuyuan talaga ko ng dugo sa pasyente ko na yon eh." Reklamo ni Dewey sa mga kasama.
"Ewan namin sayo! Ang swerte mo nga eh. Ang hot kaya ni Mr. Russel." Nurse Zia.
"Oo nga. Ang dame ngang naiinggit sayo noh." Nurse Mel.
"Hindi nyo kase nararanasan yung nararanasan ko noh! Nakakahighblood kaya yon. Porke hot sya mag-aassume na sya na lahat ng babae naaakit sakanya? To the point na isipin nya na stalker nya ko." Hb na sabi ni Dewey.
"So, aminado ka na hot sya?" Nakangising tanong ni Zia.
Natigilan naman saglit si Dewey. "May sinabi ba ko?"
"Oo kaya! Tsaka baka type ka nya. Imagine of all the nurses sa ospital na to, ikaw ang napili nya?" Mel.
"Kase nga iniisip nya na stalker nya ko. Kaya pinapahirapan nya ang buhay ko." Dewey.
"Relax! Masyado kang highblood eh. G na G lang?" Mel.
"Kaya nga. Mamaya nyan mamalayan mo nalang may gusto ka na pala sakanya." Zia.
"Ewan sainyo! Magra-rounds na nga lang ako!" Inis na nag-walk out sya pero napabalik din ng tumunog ang intercom sa nurse station.
"Mukhang namimiss ka na ng pasyente mo." Pang-asar ang ngiting sabi sakanya ni Mel.
"Namimiss pahirapan! Asar!" Hindi maipinta ang mukha na nagmartsa sya papunta sa kwarto ni Russel.
At halos padabog nyang binuksan ang pinto ng kwarto nito.
Kunot noong binata naman ang nabungaran nya sa loob.
"Ops! Pasensya na. Naiwan ko yung manners ko eh. Ano na namang kaylangan mo? Bakit ba halos minu-minuto mo kong pinapatawag ha!" Nakapamewang na lumapit sya dito.
"Nagugutom ako. Gusto kong kumaen ng mansanas." Russel said na hindi pinansin ang pagtataray ni Dewey.
"Pinatawag mo ko for the nth time dahil lang sa nagugutom ka at gusto mo ng mansanas?" Dewey.
"What?!? Trabaho mo naman na pakainin ako ah. At wag kang magreklamo kung mayat-maya man kita tawagin. Dahil personal nurse kita. Remember?" Russel.
"Hah! Nakakainis. Ayan lang yung mansanas malapit sayo oh!" Dewey.
"Gusto mong kainin ko yan ng hindi hinuhugasan at binabalatan?" Russel.
"Temper, Dewey...." Bulong ni Dewey sa sarili saka hinga ng malalim."Sandali lang po ha. Kamahalan. Ipagbabalat kita ng mansanas." Sarcastic na sabi ni Dewey saka kumuha ng mansanas at ipinagbalat si Russel.
After nyang balatan at hugasan ang mansanas lumapit sya dito at iniabot ang slice apples.
"Ito na po, kamahalan." Nakayuko nyang abot dito.
"Tsk! Subuan mo ko." Russel.
"Ano?!?" Napa-angat bigla ang ulo ni Dewey sa narinig.
"Sabi ko subuan mo ko. Bingi ka ba?" Russel.
"Hah! Sa pagkakaalam ko, ang ulo mo ang naoperahan hindi ang kamay mo." Dewey.
"Sabi ng doctor after ng operation kaylangan ko ng mahabang pahinga. At hindi ako pwedeng mastress. You want me to tell him kung paano mo ko itrato?" Russel.
BINABASA MO ANG
Rainbow Friends
General FictionActually i already written a story with the same title during my higchschool days. And now im doing a new plot. Dahil mature na kame ng mga characters ngayon which is naging close ko ng second year highschool ako. This is just a product of my imagi...