Chapter 4: It's not nice seeing you.

14 2 1
                                    

           "Haha! Nasabon ka ng headnurse mo dahil sinigawan mo sya?" Natatawang react ni Yumie ng ikwento sakanya ni Dewey over the phone ang nangyare dito sa ospital the other day."Malay mo naman pinagtatagpo talaga kayo ng tadhana diba? Haha!" Ang lakas ng tawa nya habang nakikipag-usap sa phone.

     Hindi nya napansin na nakatayo na sa harapan nya ang editor in chief nila.

     "Ms. Yumie. In my office now!" Masungit  na sabi nito bago sya tinalikuran.

     "Opo susunod po ako sainyo, Mam. Bruha ka! Pinasa mo yata saken yang in my office sydrome na yan eh. Bye!" Narinig nya pa ang pagtawa ni Dewey sa kabilang linya.

        "Goodluck, Yumie. Mainit pa naman ang ulo ni Mam ngayon." Pananakot pa ni Lyla na isa sa mga proofreader ng company.

      "Tse! Takutin mo pa ko. Pray for me guys. Im going to enter the dragon's office." Nagtawanan nalang ang mga kasama nya. Habang sya ay nagpunta na sa office ng editor in chief nila.

     
       Kumatok muna sya bago buksan ang pinto. At ang busangot na mukha nito ang bumungad sakanya.

     "Sitdown." Walang ngiting sabi nito.

      "Mam Julie, ngiti naman dyan. Magkakawringles kayo nyan eh." Biro nya sa editor in chief nila.

     "Magkaka-wringles talaga ko kapag hindi mo nagawan ng paraan ang problema natin." Walang kangi-ngiting sabi nito.

     "Problema natin?!?" Kunot ang noong tanong dito ni Yumie.

    "Oo. Kung bakit kase nabasa pa nila ang script mo na yon eh." Nakasimangot na turan nito.

    "Excuse me, Mam Julie. Pwede bang paki-explain saken. Anong kinalaman ng script ko sa problema natin? At sino ang sinasabi nyo na nakabasa ng script ko?" Yumie.

      "Yung kaibigang director ni Sir. Gusto nyang gawing pelikula yung script mo." Walang kangiti-ngiting sagot nito sa tanong nya.

    "Wow! Talaga?!? Eh, bakit hindi ka masaya?" Yumie.

     "Kase may kondisyon. Isasa-pelikula ang script mo at ipapublish ito as a book. Pero may catch." Paliwanag nito kay Yumie.

    "What's the catch?" Yumie.

    "You have to talk sa artista na gusto nilang maging lead role. The problem is ayaw ng artista na yon sa ganoong role." Ms. Julie.

     "Ganon? Anong script ko ba ang nabasa nung director?" Yumie.

     "Ang boyfriend kong bakla." Ms. Julie.

      "Peep!" Pigil ni Yumie ang mapabunghalit ng tawa."Sa lahat naman ng magugustuhan nila bakit ayon pa?"

     "It's not funny. Binibigyan tayo ng ultimatum ng boss natin." Ms. Julie.

    "Eh,sino bang artista yung gusto nila para sa leadrole?" Tanong ni Yumie.

     "Yvan Castillo." Walang gatol na sagot ni Ms. Julie.

     Nanlake naman ang mga mata ni Yumie sa narinig.

    "Of all people bakit yung mayabang na yon pa?" Yumie exclaimed.

     "You know him?" Nagtatakang tanong ni Ms. Julie.

     "Sinong hindi nakakakilala sa conceited na artistang yon? I had an encounter with him. Napaka-antipatiko nya." Naiinis na sagot ni Yumie dito.

      "Well, i guess kaylangan mong isantabi ang inis mo sa kanya. Because you have an appointment to him this afternoon." Ms. Julie.

     "Hindi nga?" Hindi makapaniwalang react ni Yumie.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon