Chapter 98: Welcome to the Big Apple.

12 2 1
                                    

       "Kamusta ka naman, Heshin?" Lizhen.

       "Ayos lang. Medyo busy sa school ngayon. Bukod kase sa computation ng grades in-charge din ako sa finance department ng school." Heshin.

      "Ikaw na mathematician." Nakasalumbabang sabi ni Yumie.

      "Oo nga. Buti hindi sumasakit ang ulo mo sa nga numbers na yan." Cons.

      "Hindi naman. Actually i love them eh. Hehe. Nga pala bakit parang napapansin ko na wala si Dewey kapag nagkikita tayo? Well, sila Kishy obviously busy. Yung babaeng yon ba busy sa pakikipagdate kay Russel?" Heshin asked then sip from her frappe.

      "Ah... Si Dewey ba? Busy sa ospital yung babaeng yon eh. Straight duty kase sya." Yumie.

     "Oo nga. Marame daw kase ngayong on leave na nurse. Kaya ayon medyo kulang sila sa nurse ngayon." Lizhen.

      "Ganun? Mag-nurse nalang kaya ako noh?" Heshin.

       "Haha! Sabi mo love mo yung numbers di ba? Tsaka yung mga estudyante mo." Cons.

      "Hay naku, Heshin! Wala lang magawa?" Yumie.

      "Kaylangan kong i-divert sa ibang bagay ang isip ko. Si Neshien wala din?" Heshin.

     "Nag-lunch sila sa labas ni Leon with his family." Cons.

     "I see. Mukhang sa totohanan na talaga sila mauuwi ah." Heshin.

     "Mukha nga. Baka magulat nalang tayo isang araw may tagapagmana na ang hotel nila Leon." Yumie.

     "Haha! Ikaw na writer. Ang bilis mong gumawa ng story eh. Speaking of pagiging writer, wala kang tinatapos na story ngayon o article?" Lizhen.

      "Wala. Proofreading ang ginagawa ko ngayon sa publishing. At tsaka malapit ng matapos yung movie kaya doon muna ako mag-fofocus ngayon." Yumie.

      "Ui! Invited dapat kame sa special screening ha." Cons.

     "Oo naman." Yumie.

       "Im happy for you, Yumie." Walang ganang sabi ni Heshin.

       "Wow! Happy ka ng lagay na yan ha?" Yumie.

       "Haha! Pagpasensyahan mo na. Alam mo naman. Basta Heshin kapit lang ha. Pasasaan bat kokontakin ka din nun ni Kerko." Cons.

      "Tama. Tiwala lang." Lizhen.

      "Hay.... Sana nga kayanin ko pa syang hintayin." Heshin.

       "Dont lose hope. Eh, sainyo ni Doc anong balita, Lizhen?" Pang-asar ang ngiting tanong dito ni Yumie.

      "Oo nga! Magkwento ka nga. Ano na bang leveling nyo ha?" Cons.

     "Ha? We are getting to know each other palang." Nahihiyang sagot ni Lizhen.

     "Asus! Balita ko palagi syang dumadalaw sainyo ah. And it seems na boto sakanya ang anak mo." Yumie.

     "Writer ka ba o reporter?" Lizhen.

      "Hehe... Pwede rin. Pero anu na ngang level ng ligawan nyo?" Yumie.

      "Oo na. Magkukwento na ko. Bukod sa paglabas naming dalawa at minsanang pagsundo nya saken, lumalabas din kame minsan with Zeena." Lizhen.

       "Wow! Happy family lang ang peg nyo ah. Atleast kapag nagkatuluyan na kayo may anak na kaagad kayo di ba." Cons.

      "At buti nalang tanggap nya si Zeena." Heshin.

      "Mabait na bata naman kase si Zeena. Kaya hindi sya mahirap mahalin." Yumie.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon